Chapter 19.2: Training - Day 2

32 3 0
                                    

Sa lahat ng tao, yung hindi ko pa ineexpect ang marunong palang lumangoy, pero paano?


Hinintay kong makalapit ng kaunti dito sa pwesto ko si Zach at hihingi ako ng tulong sa kanya.


Naghintay ako ng medyo matagal hanggang sa lumangoy na siya malapit sa akin. Bumaba ulet ako ng pool para tawagin siya. "Pssst! Zach!"


Nanlaki ang mata niya na parang nakakita ng isang jellyfish na may sungay at pangil. Kaya lumangoy siya papaalis.


Hindi ko alam kung paano siya lalapitan, hanggang sa makaisip ako ng bright idea.


Naglakad ako kung saan nakapwesto si Marvel, at hinintay kong lumangoy nanaman si Zach ng hindi sinasadyang malapit sa kanya. Nagparinig ako sa kanya, "Marvel, alam mo ba? Buti na lang close ko yung prinsesa, sinabi niya sa akin na isa raw sa mga champion ang magbibirthday sa loob ng arena."


Tumingin sakin si Zach, nice! Effective ang plano.


"Sige na Marvel una na ako doooooooooooon... sa gilid. Joke ko lang naman yun. Kaso malay mo ipagkalat ko pa rin. Meron naman sigurong maniniwala. Fu-fu-fu-fi-fiw (di ako marunong pumito haha)"


Ngayon, ang kailangan ko na lang ay hintaying lumapit sakin si Zach. Sigurado akong kinabahan siya sa sinabi ko.


3... 2... 1... "Kuya! Paano mo nalaman?" Tanong sakin ni Zach.


Hahaha, ang talino ko talaga! "Kaibigan ko nga ang prinsesa, kaya sinabi niya sa akin ang secret ng isang champion dito."


"Ehhh, wag mo naman na ilayo ang usapan alam ko pong alam mo kung sino yun" nag-aaalala niyang sinabi.

"Ikaw kasi, kakausapin lang naman kita, bigla mo akong nilayuan. Magpapaturo lang naman ako sayo kung paano lumangoy."

"Bakit naman kita tuturuan eh kalaban kita?"

"Alam ko, pero sige ganito na lang, kapag tinuruan mo ako, tutulungan din kita sa loob ng arena, at ang paggamit ng espada."

"Ayoko pa rin, hindi ako sigurado sayo. Baka niloloko mo lang ako."

"Ahh, sige, okay lang. Pagbalik na lang natin mamaya sa training hall. Kakausapin ko na lang yung prinsesa. Sasabihin ko, niloloko lang siya nung taga-District 10. Nagbabait-baitan lang siya para makakuha ng starter pack. Hohohoho! Tama! Tama."



3... 2... 1... "Okay! Sige na po! Tuturuan na kita! Pero promise mo sa akin na hindi tayo magkalaban kapag tinuruan kita ngayon."


Hahaha! Kids! "Oo, naman. So saan tayo mag-sisimula?"


Naglakad kami papuntang malalim habang ako naman ay nakahawak pa rin sa gilid. Itinuro niya ang lahat ng alam niya sa akin.


Nagsimula kami sa basic, una ay ang paghinga ng matagal sa ilalim ng tubig, yung technique sa pagcontrol sa paghinga. Tapos ay ang pagpadyak para umangat sa tubig kung sakaling lumubog ako.


Medyo matagal-tagal din kaming nagpractice hanggang sa dumating si Vhan at Marvel.


"Ano yan? Tulungan? Paturo rin ako kung paano." Sabi ni Marvel.

"Ako rin." Sabi ni Vhan.


Wala na akong magawa kung hindi tumango, dahil kahit alam kong kalaban sila, naaawa pa rin ako sa kanila kung mamamatay sila nang wala man lang kalaban-laban.


Pumunta na kami sa parte kung saan mababaw ang tubig at prinactice namin ang paglangoy kahit pakunti-konti lang.


"Marvel, tapos ka na ba? Saan na banda yung mga instructor?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam eh. Wala naman akong masyadong natutunan, pero kahit papaano natuto akong lumangoy ng kahit kaunti lang." Sabi niya sa akin.


"Gaano ba kalayo ang lalanguyin natin?" Sinigt ni Vhan.

"Wala tayong alam lahat, kaya nga sana kahit isang minutong paglangoy lang matutunan ko, baka eksakto na yun para makarating sa pampang." Sabi ko.


Tumingin ako kay Zach para magtanong, "Paano ka pa natutong lumangoy?".


"Ah, taga-16 ka pala kasi. Ang District 10-15 kasi ang mga lugar na malapit dito sa harbor. Kailangan lahat marunong lumangoy dahil meron kaming sariling munting piyesta kung saan bunutan din kung sino ang maglalaro sa karera sa tubig. Kaya lahat kami talaga marunong lumangoy, bata pa lang."


Tiningnan ko ang paligid at tiningnan ang mga number sa mga champion's suit nila. At hindi na nakapagtataka na marurunong nga sila. Pati si baby Lucent ko, sobrang bihasa rin.


"Luke tara, practice pa ulet tayo, mukhang nakatingin sa direksyon natin ang grupo nila Thaddeus".


The Royal GamesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz