Chapter 15 : Gusot

57 6 0
                                    


Pagkatapos maihain sa amin ang pagkain. Nagsimula nang kumain ang lahat.


May mga camerang nakatutok para may subaybayan ang mga nanonood ng Ultimatum sa kani-kaniyang mga tahanan.


Buti na lang lamang ako sa ganitong bagay dahil magagamit ko ngayon ang lahat ng natutunan ko. Sorry boys! Kung may grade lang din sana ito baka perfect 10 na ulet ako.


Masayang nagsisikainan ang lahat at naguusap-usap ang ibang mga champions. Siguro yung iba, nakikipag-kaibigan na dahil pwede nilang gamiting strategy yung kaibigan mo sa umpisa, tatraydorin mo rin sa huli lalo na kapag konti na lang kaming naglalaban-laban sa loob ng arena.


Ako naman siyempre para iwas halata, hindi ako nakikipag-usap kahit kanino. Pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin bakit kailangan kong galingan sa pag-acting. Di ko pa rin gets.


Ubusin ko na nga itong huling karne ko, baka kasi pwede nang umalis kapag tapos nang kumain.


Tutusukin ko pa lang sana, biglang hinarang ni Vhan yung tinidor niya at kinuha at kinain yung huling karne na sana kakainin ko.


"Thernkyo!" Sabi niya habang punong-puno pa ang bunganga.


"Ang baboy mo! Don't talk when your mouth is full" Yuck, grabe talaga, napakababoy!


Kinuha ko yung isang basong may tubig para isaboy sana sa mukha niya, pero bigla niyang hinawakan ang balikat ko at itinuturo ang bibig. Nabulunan yata.


Inabot ko sa kanya yung basong may tubig, pagkalunok niya bigla siyang namilipit sa simento at naka-hawak sa tiyan. Pag-tingin ko sa paligid ang iba pang mga champions ay nagsisi bagsakan na rin, at may iba pang sumisigaw ng, "Aray!!!"


Tumingin-tingin pa ako sa paligid hanggang sa makita ko si Mr. Milo na nakatingin sa akin, tapos sumenyas siya sa kamay niya sa pamamagitan ng pagdrawing ng rectangle sa ere.


Medyo nag-buffer ang utak ko hanggang sa marealize ko na yung papel na nakalagay sa bowl ko ang tinutukoy niya. Hmm, galingan sa pag-arte, ibig sabihin kailangan kong gayahin ang ginagawa ng mga champions na toh?


Pero bakit? Edi mukha akong tanga?


Tiningnan ko ulet si Mr. Milo dahil baka may iba pa siyang mensaheng gustong iparating. Kaso wala, napakamot na lang siya sa ulo niya basta.


Hay, ewan, sige na nga, "Ahhhh! Aray sakit ng tiyan ko!" Wala lang sabay lang sa trending, kunwari masakit talaga.


"Huy. Ayus ka lang ba?" Tingnan ko kung sino yung kumakausap sakin, si Jobs lang pala.

"Huh? Bakit hindi sumasakit tiyan mo?"

"Sumasakit din pero parang malala yung sa inyo. Panis yata ang pagkain eh."

The Royal GamesWhere stories live. Discover now