Chapter 16.2 : Swimwear Competition

53 2 3
                                    

Chapter 16.2 : Swimwear Competition



"Tuloy-tuloy pa rin ang kumpetisyon, From District 7, Evangelo Zennett". Uy siya na pala, okay teka, asan ko nga ba nilagay yung mga kamatis para batuhin tong tao ito tapos sisigaw ako ng...

"Ooooh.." I mean, what?


Wow, ang ganda pala ng katawan niya, okay tama na! Yoko na. Baka kung ano pa maisip kong madumi.


Sumilip pa ulet ako ng isang tingin kung anong ginawa niya. Weeee! Grabe siya, ang ikli na nga ng shorts na fitted ang suot niya, gusto pa niya ibaba. Omo! Omo! Omo! Yoko na, kadiri, di bagay. Next please!


Ayoko na talaga!!! Shucks! Nakakaumay po swear!


"From District 8, Origgar Afos."


Hindi ko na siya tiningnan. Nauumay lang talaga ako sa mga nakikita ko.


Tumingin-tingin lang ako sa paligid, gusto kong makakita ng ibang view. Etong mga champions na mga katabi ko akala mo walang mga sakit, nakikisigaw at wooh rin kala. Mukhang ayaw lang din talaga siguro nila sumali dito dahil wala rin silang confidence.


Makikita mo naman kung sino yung mga okay na at mga medyo masama pa rin pakiramdam.


"From District 10, Zachary Flint", oh? District 10 na pala agad, ang bilis naman.


Ang cute ni Zach hahaha. Tulad nung taga-6 naka-shorts lang din siya at hindi nagpacute lang sa stage. Nagpalobo siya ng pisngi habang magkahawak ang mga kamay niya at nagba-bow sa mga audience. 10 points na yan! Joke lang, bias masyado dahil kilala. Hehehe.


"From District 12, Lucent Elfcrest". Hayzz sino nanaman itong isang... Sabay sigawan ng sobrang lakas ang mga babae.


"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" Napatakip ako sa bibig ko, tapos nagtinginan sakin yung ibang mga champions. "Ehem..." nilakihan ko boses ko, "Wooooh! Grabe tol, kainggit! Sana ganun ako kagwapo para mapansin agad ako ng princesa" Sabay tumingin ulet sila sa stage.


Oh my gawd yung crush ko! Kyaaah! Taga-district 12 pala! Shemay. Lucent Elfcrest pala ang pangalan mo ah. Humanda ka sakin sa training bukas. Hehehe. Grabe! Kinikilig ako. Super pogi talaga niya at kyaaaa. Tingnan mo siya Leila, tingnan mo, nag-lipbite pa siya at kumindat. Oh my, para sakin yun! Oo, nagaassume lang ako, pero kine-claim ko na.


Hayyy, ang tangkad pa niya, ang kinis, at ang sexy ng katawan.


Sobrang naging dreamy ako, puro siya laman ng utak ko. Nanonood at nakikinig ako pero wala akong naiiintindihan. Puro Lucent ang lumilitaw na word sa ulo ko.


Nagfa-flash back tuloy yung unang araw na nakita ko siya. Super cute niya talaga! Hindi ko na tuloy maialis sa ulo ko ang itsura niya. I need to see more lipbites puhlease!

The Royal GamesWhere stories live. Discover now