Chapter XXIV

1.1K 21 2
                                    

Chapter XXIV - The instagram post

PUYAT si Tristan nang umagang iyon dahil siya ang nagbantay sa may sakit nilang anak ni Barbara. Their daughter Tiffany was sick lastnight that’s why they went to the hospital, ang sabi naman ng mga doctor ay simpleng flu lamang ang dumapo sa anak kaya hindi na nito kailangang mag-antibiotocs, niresetahan lang sila ng gamot pampababa ng lagnat at saka pinauwi na rin.

He was so scared lastnight. Since Tiffany was a premature baby, aligaga si Tristan kahit na simpleng lagnat lang ang dumapo sa anak. She was her most awaited child, he couldn’t bear to see her sick.

“Kape?” alok sa kaniya ni Barbara, naabutan niya ito sa kusina.

Umiling si Tristan. “I’ll have a tea.”

Natigilan naman si Barbara. “Wala tayong stocks ng tea.” anito. “Hindi ka naman nagtsa-tsaa, diba?”

Ngayon ay si Tristan naman ang natigilan. She’s wrong, he likes tea because Helise didn’t like coffee pero mula pala noong naghiwalay sila ng dating asawa ay palaging kape na ang iniinom niya sa umaga.

“Just get me a glass of water.” sabi na lang niya.

Ginawa naman iyon ni Barbara. Pinagmasdan niya ito habang kumukuha ng tubig sa fridge at nagsalin sa isang baso. She’s in her simple clothes, looking like a housewife. Bagay na hindi ginagawa ni Helise noon, she always looks sophisticated and ready to go even if she was at home.

“Marami ka bang gagawin sa opisina ngayon? Do you want me to help you?” wala na ang probinsyanang accent nito.

Umiling siya. “You don’t need to concern yourself. Alagaan mo na lang si Tiff, may sakit siya.”

“Bumaba na ang lagnat niya, nandito naman si ate Rona.” tukoy sa kasambahay nila. “matagal na rin akong ’di nakakapasok sa trabaho mula nang manganak ako. I just wanted to help you.”

“You don’t need to do that, just focus on my Tiffany and make sure that she’s not gonna have flu again.”

“Father will think that I have no use for you.” sabi pa nito.

Napabuntong hininga na lang si Tristan. His father was pressuring Barbara to study business and be like Helise. Bagay na malayong mangyari at isa pa, mas gusto ni Tristan na nandito lang sa bahay ai Barbara para alagaan ang anak niya. His daughter needs every attention that she deserves.

Hindi na nagsalita si Tristan pagkatapos noon, nagpaalam na lamang siya sa asawa na papasok na siya ng opisina. Kauumpisa pa lamang ng umaga ni Tristan sa opisina pero parang pagod na pagod na siya. Siguro ay dahil kulang siya sa tulog at hindi naman siya nakapag-almusal sa bahay niya.

He sat at his swivel chair, resting his back at the back rest. Kinuha muna niya ang cellphone para magscroll sa mga social media accounts niya bago niya umpisahan ang trabaho. Hindi pa naman pumapasok sa loob ng office niya si Joseph, ang bago niyang secretary. Hindi na kasi bumalik si Emil sa kaniya.

He looked at his instagram, kumunot ang noo niya dahil sunod sunod ang updates ng mga kaibigan ni Helise. Naka-follow kasi siya sa mga iyon, nagbabakasali na magkahanap ng balita tungkol sa dating asawa, hindi naman kasi active si Helise sa mga social media accounts nito.

Chesca posted a picture of a wedding invitation, hindi nakalabas sa sobre ang imbitasyon na iyon pero may caption doon na ‘Congrats my dear friend #happywedding.’ Jelly and Monica almost had the same caption but different pictures, para silang mga nagbridemaids sa isang kasal. Kumpleto ang mga kaibigan ni Helise pero wala ito doon!

He took up the courage to stalk Samantha’s account, Helise’s sister-in-law. Bigla ay napaayos si Tristan ng upo sa kinauupuan niya nang makita si Helise sa mga picture nito. She was wearing a simple white dress and a small veil. She’s so beautiful in that simple white dress, may hawak din itong bouquet ng bulaklak. His hands shivered while looking at that post.

Gold Ring of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon