Chapter XIII

1K 19 2
                                    

Chapter XIII - THE DEAL

SHE looked at herself at the mirror, naghilamos ng mukha si Helise para mahimasmasan at mas lalong pakalmahin ang sarili. Umpisa pa lamang ng kanyang laban na hindi na pwedeng urungan at gagawin ni Helise ang lahat maibalik lamang ang kanyang dignidad at respeto sa sarili.

Binaling niya ang kanyang tingin sa wedding ring, she wants to remove it....

She will.....

But not now.

May tamang panahon para hubarin niya ang gintong singsing naging tanda ng kanyang pagmamahal sa loob ng ilang taon.

She’s still wondering what was going to be her next move. Kapag minadali ni Helise ang lahat ng walang plano, siya ang magiging talo. Wala silang prenup agreement na pinirmahan kaya paghahatian nila ang kung anumang yaman ang mayroon si Helise. One more thing, she was the sole reason why MHAR is still breathing fine and soaring high in business industry.

Kapag binenta naman ni Helise ang lahat ng properties maging ang shares niya sa MHAR, paghahatian pa rin nila iyon ni Tristan.

She needs Monica’s advice.

That’s why the next morning she went at Monica’s office to discuss things with her. Naabutan doon ni Helise ang secretary nito na sumalubong sa kanya.

“Good morning Mrs. Mercado, Atty is with client as of now. Umupo po muna kayo Ma’am.”

Nilingon ni Helise ang pinto ng opisina ni Monica bago binaling ang tingin sa couch sa may waiting area.

“Okay.” sagot niya sa secretary nito.

“Do you need coffee or juice Ma’am?” tanong nito.

“A glass of cold water would be enough.” aniya.

Sinunod nito ang request ni Helise. Wala namang kalahating oras ang hinintay ni Helise nang lumabas ang kliyente ni Monica, kasunod nito ang kaibigan. Bahagyang natigilan pa nga si Helise ng makita kung sino ang kliyente ni Monica.

It was Kallisto Salvatore!

“Fancy seeing you here, Mrs. Mercado.” pormal na pormal ang pagkakasabi nito.

Ngumiti lang ng tipid si Helise sa binata. Naalala niya kasi kung paano siya nito tratuhin kahapon sa vineyard.

“I will call you once the papers are done Mr. Salvatore.” si Monica.

“Thanks attorney.” sagot nito. “I gotta go.” sabi pa nito.

Hindi na lumingon si Helise sa binata, hinintay niya na lang si Monica na hinatid pa sa elevator ang kliyente nito. Mabilis namang nakabalik ang kaibigan.

“Did you wait long? Sorry, Hel.”

“Its fine.” sagot niya. “Hindi ko alam na kliyente mo rin pala si Mr. Salvatore.”

“Yeah, it was regarding his great grandfather’s land. May kaunting problema kasi doon.” paliwanag ni Monica bago nito binuksan ang pinto ng office. “Let’s go inside.”

Tumango si Helise.

Pumasok sila sa loob, sa sofa sila naupo. Nagpakuha ng juice si Monica sa secretary nito at matapos maihain iyon sa kanila ay saka sila nag usap tungkol sa problema ni Helise.

“That would be hard Hel, dahil wala kayong kahit na anong pinirmahang prenup agreement, lahat ng ari-ariang mayroon ka ay mahahati kapag nagfile ka ng divorce.” Monica explained.

“I was going to cheat on him.”

Kumunot ang noo ng kaibigan. “What do you mean?”

“Balak ’kong ipangalan ang lahat ng private properties na mayroon ako na nabili ko during our marriage, sa pamangkin kong si Hunnirose. I can talk to Samantha, they can give it back to me kahit kalahati lang once na naibaba na ang papers ng divorce namin ni Tristan. Mas gugustuhin kong mapunta sa pamangkin ko ang kalahati ng lahat ng ari-arian ko kaysa kay Tristan.”

Gold Ring of BetrayalWhere stories live. Discover now