Chapter IV

1K 11 0
                                    

Chapter IV - Morena girl part 2

TRISTAN met Señor Eddie, may katandaan na rin pala ang negosyante at kaya pala nais nitong ibenta ang mango farm dahil wala itong tagapagmana, wala itong anak sa namayapang asawa at wala rin itong malapit na kamag-anak, ang ilan ay nag migrate na raw sa ibang bansa at walang may gusto sa farm. As a retirement, he’s selling the farm to the person he thinks he’s deserving. Kaya nga personal na nagpunta si Tristan para patunayan ang sarili. He really wants to try mango farming. It will also made his wife proud after the failed project in Boracay, na ngayon ay inaayos na ng team ng asawa.

The next day, Jonas and Tristan went to the farm, papanoorin ni Tristan kung paano mag harvest. The huge farm occupied at least three thousand mango trees! For sure kapag nabili ito ni Tristan ay matutuwa ang asawa, the view, the fresh air and of course the profit!

“The flowering season of mango is from November to February while the harvesting season is from March to June.” paliwanag ni Jonas.

It is the month of April, kaya pala malakas na ang harvest ng mga tao ni Señor Eddie! Jonas also explained that if ever Tristan will qualify to buy the land, he can keep the employee of the farm.

Lumingon si Tristan sa bandang kaliwa, nakita niya roon ang abalang si Barbara, if he could remember her name correctly. The woman was standing out because of her height and skin, she was wearing a loose white shirt and a long ankle skirt. Maya-maya ay lumapit ito kay Señor Eddie na naka-upo na sa wheelchair, pinakitaan ito ng mga hinog na mangga, tuwang tuwa naman ang Señor sa dalaga.

“Parang anak na ni Señor iyan.” sabi ni Jonas nang mapansin siyang nakatingin sa dalawa. “Gustong pag-aralin kaya lang ayaw dahil my binubuhay na mga kapatid.”

Nagtatakang tinignan niya si Jonas.

“magulo buhay niyan ni Barbara, she’s the most pitiful person here at the farm. Panganay siya at di na nakilala ang tatay na Pakistani dahil binuntis lang nito ang nanay niya.” kwento ni Jonas. “Nag-asawa uli ang nanay kaso manyak naman, pati si Barbara ay minomolestya, good thing ay nakulong na ito. Nagkaroon siya ng kapatid doon isa, eight years old na siguro ngayon, tapos yung third husband ng mama niya, iniwan sila dahil sa ibang babae, nagkaroon din siya ng dalawang kapatid doon, maliliit pa. After that nagpakamatay ang ina.” dagdag pa ni Jonas.

Napalingon tuloy si Tristan sa dalaga. She’s having the toughest time of her life. How pitiful.

“kaya kay Barbara naiwan mga kapatid niya. Seventeen lang ’yan noong unang nagtrabaho kay Señor, ayaw pa nga tanggapin ni Señor Eddie dahil menor de edad pero disidido si Barbara na buhayin mga kapatid, hanggang ngayon, tatlong taon na siyang nagtatrabaho dito sa farm, second year high school ang natapos, sayang kung nasa Manila siya mas maraming opportunity sa kanya. Masipag pa naman ’yan.”

“I can see that.” sabi ni Tristan na may himig ng awa sa boses. “She’s too young but very responsible.” kumento niya.

Lumapit sila kay Señor Eddie, malaking ngiti naman ang sinalubong sa kanya ni Barbara.

“Ser!” bati nito na sumaludo pa. “Mag harvest na po ako.” paalam pa nito kay Señor Eddie.

Tumawa naman ang matanda. “Napakasipag na bata.” anito habang nakatanaw kay Barbara na tumutulong na mag harvest uli.

“I’m amazed how close you are to your people, Señor.” aniya.

“Yes. Dahil wala naman ang farm na ito kundi dahil sa kanila.” garalgal na ang boses ng matanda. “I just hope you can keep them if ever.” sabi pa nito.

“Why not!?” nakangiting sagot niya.

“Ah, I remember, your wife is Helise San Isidro, right?” pag-iiba nito sa topic.

Gold Ring of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon