Chapter VII

1K 10 0
                                    

Chapter VII - The night after the betrayal

TRISTAN looked at the sleeping Barbara, she still naked but covered with sheets. He was sitting at the bed looking at the peaceful face of Barbara. He sighed. Sinandal ang ulo sa headboard ng kama, what he had done? He slept with another woman while still married with the love of his life! His other half. He gazed at his ring finger as he put back the ring on it, he was mixed emotion, he felt sorry for Helise at the same time couldn’t turn his back with Barbara. She’s his responsibility now.

He’s attracted to her. He admits it. But can afford the consequences? He loves his wife..... Does he still? What the hell, Tristan!?

Tumingin siya sa orasan, alas tres na pala ng madaling araw. Tapos na kaya ang selebrasyon sa labas? At nasaan naman kaya natulog si Emil? Bumangon si Tristan para magbihis. Lumabas siya ng kwarto para hanapin si Emil, bumaba pa siya at nakitang nagliligpit pa lang ang mga trabahador ni Señor Eddie, nahagip niya si Emil na tumutulong dito, lumingon ito sa kanya at lumapit.

“Sir, your wife called last night around eleven. I went to your room in inform you but I guess you were sleeping.” maang na sabi nito.

He knew something.

“I’ll call her later.” sagot na lamang ni Tristan.

Tumango ito.

“Have you seen Jonas?” tanong niya, kagabi niya pa kasi ito hindi nakikita.

“I saw him entering the Señor’s office awhile ago, sir.”

Tumango si Tristan bago pumasok muli sa mansyon, hindi pa man siya nakaka-akyat sa hagdan ay nakarinig na siya ng malakas na kalabog kasabay ng malakas na putok ng baril. Nagulantang ang lahat, nagsigawan ang ilang nasa labas at ang iba ay lumapit sa kinatatayuan ni Tristan.

Tumingin siya sa taas at nakita si Jonas na may hawak na baril tumatakbo ito pababa, may hawak din itong malaking bag.

“AHHHHH!!!” sigaw ng mga tao doon.

Bumaba si Jonas ng hagdan, sinubukang pigilan ni Tristan ang lalaki pero nakipambuno ito sa kanya. He didn’t know what the hell happened at the second floor but his instict said that he needs to stop this bastard.

Sinuntok niya ito pero nakabawi rin ang lalaki, napatumba si Trista at bago pa man siya makatayo ay nakatutok na ang baril sa kanya, pinaputukan siya nito sa kaliwang hita.

“Ahhh!!” sigaw niya sa sakit.

“Sir!!” sigaw ni Emil na kaagad na dumalo sa kanya.

“Walang susunod sakin!!!” sabi ni Jonas na tinutok pa kung kani-kanino ang baril hanggang sa tuluyan itong nakatakbo palabas.

Dali-daling may umakyat sa second floor ng mansyon at sunod sunod na sigaw at iyak ang narinig ni Tristan. Hinawakan niya ang braso ni Emil, patuloy pa ring iniinda ang sakit sa kanyang binti.

“Sir, we need to rush you at the hospital.”

Umiling siya. “Ugh! No... The woman inside my bedroom... Check her.”

“You’re loosing a lot of blood sir! I will get her as soon as I move you to the hospital.”

“No.... Get her now....” huling sabi ni Tristan bago nawalan ng malay.

NAPATAYO si Helise sa gulat nang marinig niya ang breaking news sa TV. Paalis na sana siya papasok sa opisina pero sa iba na siya patungo, sa Batangas! Nabanggit sa balita na nagkaroon ng patayan at pagnanakaw sa Guadalupe farm! Sinunog din ng suspect ang ilang hektaryang manggahan. Dead on the spot ang matandang may-ari at sampu pa ang sugatan. Hindi rin naabutan ng mga pulis ang suspect! Helise couldn’t calm down. Nanginginig siya at malakas ang kabog ng dibdib, nagmamadaling kinuha ang susi ng sasakyan, halos matumba pa nga siya dahil nanlalambot ang kanyang tuhod sa takot at kaba.

Gold Ring of BetrayalWhere stories live. Discover now