CHAPTER 43

177 5 1
                                    

Hindi na nga kami tumuloy sa pagkuha ng gagamitin ko napagdesisyonan na lang namin na bukas na lang, medyo pagod din kasi si drew naglaro daw kasi sila kaya napagod yung katawan niya.

Nandito ako sa guestroom ng mansion ni gail, ang laki talaga ng mansion na'to nakakamangha parin. Hindi parin ako nakakapagpalit lagkit na lagkit na ako sa katawan ko gusto ko na magbabad sa tubig.

Napagdesisyonan ko na lang na maligo na lang muna at bathrob na lang muna ang gagamitin pantakip sa hubad 'kong katawan.

Hinubad ko lahat ng saplot ko sa katawan at binuksan ang shower, nagbabad ako sa ilalim ng shower, ito ang kailangan ko ngayon, kailangan kong magpalamig ang lamig ng tubig kaya narerelax ang katawan ko.

Natapos ako sa pagligo nang marinig ko na tinatawag ako ni drew agad naman akong nagpunas at binalot ang katawan ko ng bathrob.

Paglabas ko ng bathroom nakita ko siyang nakahiga sa kama.

" Bakit mo ako tinatawag?" Saad ko dito nagulat naman ito dahil bigla siyang napaupo mula sa pagkakahiga.

Tinatawan ko pa ito kaya kumunot ang noo niya.

" Tawang-tawa ah." Iritang saad nito sakin kaya natawa na lang ako ulit.

Naagaw naman ang atensyon ko ng makita ko can beer na nakalagay sa study table ng kwartong 'to. Napansin naman niya kung saan ako nakatingin dahil lumapit siya kung nasaan yung can beer.

Kinuha niya ito at dinala sa balcony ng kwarto nito, inaya niya pa ako pero agad kong tinanggihan ito. Hinila niya naman ako umupo naman ako at tinanggap yung binigay niya habang siya nakatayo habang nakaharap sakin.

Nag uusap lang kami nasabi ko narin sa kanya lahat ng nangyari sakin sa loob ng limang buwan na yun nung una nagulat siya ng malaman yung samin ng dalawang terror na professor.

Andami niyang nainom pero ako hindi ko pa nababawasan ang beer na hawak ko, hindi naman kasi ako palainom at mababa ang tolerance ko sa alak. Natatawa naman siya sakin at hindi na'ko pinilit pa na uminom pero nag try parin ako kahit na hindi ako sanay.

Parehas kaming nakatulala lang sa kawalan.

" Cal, bakit hindi naging kayo ni prof monastrial?" Biglang tanong niya sakin na ikinatawa ko.

Pano magiging kami? Kung never naman siyang nanligaw at hindi naman niya ako tinanong noon sabi niya pa i see my future with you baby ngayon sa iba na niya nakikita ang future niya at yun ang pinsan ko.
" No, pano naman magiging kami kung ginawa akong panakip butas?" Natatawang saad ko na ikinailing niya lang.

Bigla naman ako napatigil sa sunod na tanong niya.

" How about prof fernandez?" Tanong nito halata namang inaantay niya ang sagot ko dahil nakatingin ito sakin.

Siguro kong madalas ko nakakasama noon si monmon merong posibilidad na siya ang nagustuhan at minahal ko, pano ba naman kasi unang kita pa lang namin nagsungit agad.

I smiled like a creep ng maalala si monmon somehow i missed her.

" Basta ang hirap i-explain." Natatawa kong saad at uminom ulit ng alak.

Naputol ang masarap naming pag uusap ng biglang may pumasok sa loob kung nasaan ako ngayon.

It's gail nakita ko ang patataka niya ng makita si drew sa loob ng kwarto ko.

" What are you doing here cous?" She said seriously at tinawanan lang siya ng pinsan niya.

Masama siyang tinignan ng pinsan niya kaya napahinto ito sa pagtawa.

CHASING YOU: Series #1 : Alliana Monastrial Obsession (profxstudent GXG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon