CHAPTER 39

339 5 3
                                    

Pagkarating na pagkarating ko sa bahay ay agad akong pumunta sa cave ko saan paba kundi sa underground ng bahay.

Nagdala rin ako ng ice cream dito and noodles yun lang ang dinala ko at yun lang ang kakainin ko ng tatlong araw.
Dito na lang muna ako ng tatlong araw wala rin naman akong pupuntahan e.

Nakatanggap rin ako ng message from Monmon at nangangamusta at sinabing hindi niya ako madalaw dahil sobrang busy niya. Ito si monmon hindi naman niya responsibilidad na mag update pero ginagawa niya.
-----

Makalipas ang tatlong araw na yun ay mas doble pa ang sakit ng ulo ko, for sure papagalitan ako ni kuya ej nito o kaya ni elle dahil puro unhealthy food kinakain ko.

I missed them.

Monday ngayon at may pasok na naman ako, tinatamad na'ko.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay napag desisyonan kong pumunta sa office ni monmon, na miss ko asarin si tanda e. Pagdating ko dito ay kakatok na sana ako kaso nakita kong nakaawang ng kunti ang pinto ng office ni monmon at nakita ko na may babaeng nakaupo sa harap niya.

" Look, itigil mo na yang ginagawa mo monique you need to change." Seryosong saad nung babae sa kanya pero umiling lang si monmon.
" Ayoko, kailangan 'kong gawin ito naiirita ako kapag may lumalapit sa kanya." Naiinis na saad nito sa kausap niyang babae.

" the hell monique! Hindi tama yang ginagawa mo!" Sigaw niya kay monique at masama lang siyang tinignan ni monmon.

" shut your mouth cous, kung ayaw mong pati ikaw madamay rito at matulad sa kanila." She said to the girl infront of her.

" I'll shut my mouth Monique, pero lahat ng sikreto hindi mo matatago panghabang buhay lahat yan mabubunyag, walang sikretong hindi nabubunyag cous." The girl  utter that made monmon clenched her jawline.

" leave!" Monmon said while pointing to her cousin i guees? Kasi kanina pa nila yan sinasabi.

" Chill, cous baka mamaya i torture mo rin ako kagaya ng ginawa mo dun sa mga taong nanakit sa student mo." Asar na saad nang pinsan niya .

Agad na tumayo si Monmon at nilapitan ang pinsan niya at agad na binigyan ng isang suntok kaya bumagsak sa lapag ang pinsan niya.

" Fuck you! Zein bakit ka ba nangingialam ah!" Sigaw nito sa pinsan niya.

Sa pinag-uusapan nila ngayon halatang hindi sila magkasundo ng pinsan niya.

" Kasi hindi deserved ng mga taong pinatay mo yung pinaggagawa mo sa kanila, you took their life for god saked at wala akong pinsang katulad mo, pinahirapan mo yung mga taong yun kagaya ng pagpapahirap mo sa kakambal ko!" Galit na sigaw nito kay monmon.

What the! Anong pinagsasabi ng pinsan niya, si monmon mamamatay tao? No hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa kanya.

" I don't care, they deserved it they hurt my calista zein! And i don't fucking care to your twin too he deserve it" Sigaw niya sa pinsan niya na nagpatahimik sakin.

S-she w-what?

Hindi ko alam ang ginagawa ko ng bigla kong buksan ang pinto, gulat na napatingin sakin.
" C-Cal, what are you doing here?" Naging malambing ang boses nito at hinaplos ang pisngi ko.

Pero agad din akong umatras papalayo sa kanya.

" Tama ba ang narinig ko?" Saad ko sa kanya.

Tinignan niya ang pinsan niyang nakatayo sa likod ko bago niya ako niyakap ng mahigpit.

" i missed you." Pagbabago niya sa topic pero agad din akong humiwalay sa yakap niya.

" mag sabi ka ng totoo monmon, ayoko sa lahat yung ginagawa akong tanga! " sigaw ko sa kanya.
I saw pain through her eyes.

CHASING YOU: Series #1 : Alliana Monastrial Obsession (profxstudent GXG) Where stories live. Discover now