"mamatay na kayong apat! mga epal sa mundo! mga baliw! mga walang hiya! ahhh!" 


      bumulong ako sakanila. 

"okay, so ganito ang plano." 

-


   Ryan's POV


tumango ako at hindi mapakali sa pagkakaupo ko. gusto kong patayin si chloe at kalimutang babae sya. tangna, balak atang patayin 'yung apat eh! 

 mas gugustuhin ko pa syang mamatay at kalimutan lahat ng samahan namin kaysa sa taong mahal ko. buhay ko 'yon eh.


"Oh ryan, labas na!" 

   tumayo naman ako at lumapit kay chloe. hinawakan ko sya sa braso nya. napatingin din ako sa apat na nakapikit, sarap patayin nitong nasa harapan ko. 


"Chloe." humarap naman sya sa akin. 

     "R-Ryan? omyghad! Ryan! look! inutusan nila akong gawin ito sakin! nagtutulog-tulugan lang 'yang mga 'yan! Mga walang hiya diba?!" 

nginitian ko sya, "Alam ko." 


lumapit naman sila Phrixus ng dahan dahan sa likod ni chloe. at habang naglalakad sila doon ay pinatalikod ko ng unti unti si chloe para hindi nya makita 'yun.


"Naniniwala ka?" gulat na tanong ni chloe. tumango ako sakanya at ngumiti. niyakap naman nya agad ako at binitawan nya ang gasolinang hawak nya. 

  i mouthed them, 'bilisan nyo.' at natanggal naman nila 'yung tali. binuhat nila 'yung apat at unti unting naglakad. at habang naglalakad sila, unti unti ko ding pinatalikod si chloe doon para di nya ulit makita. ng makapasok naman sila sa elevator, tinulak ko agad si chloe at tumakbo ako papasok sa elevator. 

agad nagsara 'yon at unti unti na kaming nakababa ng safe. shiz, baliw na talaga 'yun. 


   "Nakuhanan mo Ken?" 

"Oo. ipapakita na natin 'yun sa mga pulis, ng mahuli na 'yung baliw na 'yun." 


      - - -


"hindi pa ba sya nagigising?" 

      "Hindi pa eh. sya kasi 'yung natuonan ng pagkagalit ni chloe. sinabunutan sya nun, tapos pinaghahampas." 

"eh diba, nakapikit kayo nun?" 

    "Nagpapanggap lang kami, ang akala nga namin, nagpapanggap lang si athena pero totoo palang nahimatay sya." 


napabuntong hininga ako. 1 week na rin ang nakalilipas pero hindi pa rin nagigising si athena. at nasa mental na rin si chloe. pinakita namin 'yung ibedensya at sapat naman na daw 'yun. 

si zharm 'yung kausap ko kanina, nasa kwarto ako ngayon ni athena. kauuwi ko lang galing school. 6 na nga eh, nagpractice pa kasi kami ng basketball. malapit na kasi ang laban, at nakakalungkot, walang magche-cheer sakin. 


      "Oy Athena, gumising ka na dyan oh. Wag mo nga akong pinaglololoko, hindi na ako natutuwa sayo."


tumabi ako sa kama nya, at tinitigan ko ang mukha nyang mahimbing na natutulog.


"A-Athena..."

"Gumising ka na kasi, miss na miss na kita." hinaplos ko 'yung mukha nya at inilagay ko ang hibla ng buhok nya sa likod ng tenga nya.

"Liligawan pa kita, pasasayahin pa kita, magbobonding pa tayo. sasagutin mo pa 'ko."


nilapit ko ang mukha ko sa noo nya at matagal na hinalikan 'yon. nilayo ko ang mukha ko sakanya at ngumiti.

still, wala pa ring gising na athena.

hay, miss ko na sya. Kailan ba sya magigising? para na 'kong tangang ngiti ng ngiti nung maalala ko 'yung gabing kunyaring hahalikan nya ako.

Akala ko talaga, hahalikan nya ako nun eh. grabe 'yung excitement ko nun! tangna, di ko maexplain! mahal na mahal ko talaga 'tong babae na 'toh.

dati, nung nagyari 'yung pakikipaghiwalay ko sakanya.


       "i-break mo na si athena! akin lang sya! kung hindi mo sya ibebreak, baka patayin ko sya."

"Siraulo ka ba? bakit ko naman hihiwalayan 'yung babaeng mahal ko? saka, mahal mo din diba? bakit mo naman papatayin?"

"Sa sobrang pagmamahal ko sakanya, gusto ko na syang magkaroon ng amnesia at sabihin sakanya na ako ang mahal nya." nginisian nya ako, "atsaka, alam mo naman ang nangyari sakanya nung nasa park kayo diba? ako ang may pakana noon."


naalala ko bigla nung muntikan ng mabagsakan ng matalim na kutsilyo ni athena. di ko alam kung saan nanggaling 'yon.


"Susundin ko ang gusto mo, hihiwalayan ko na sya. basta, wag mo lang sya sasaktan pa."

"sabihin mo muna ito."

        "ayoko."

"masasaktan si athena."

"tss. fine."  napakamot nalang ako sa batok ko at binasa 'yung nasa papel. "Di na kita mahal athena. Di tayo bagay, nerd ka, gwapo ako. Saka, di ka rin ganun kasexy tulad ni.. what? c-chloe? mahal na mahal ko si chloe. Mahal na mahal namin ang isa't isa. 'yun lang, goodbye."

"okay, ipapakita ko na 'toh kay athena at magpanggap kayo ni chloe na maggf-bf." pinanlakihan ko sya ng mata, "Kapakanan ni athena?"

"tss."


nagsimula na syang maglakad palayo. ni hindi ko nga kilala 'yun eh. laging nakamask. nagsimula na namang manlumo ang mga tuhod ko at nagsimula na akong umiyak.



"R-Ryan?"

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now