033

1.7K 49 2
                                    

votes and comments < dont forget! > enjoy reading :*

- - -

Athena's

"Ugh! Pagod na ko tumakbo! Asan na ba kasi 'yung lalaking 'yun?!"

nag-iikot na ako sa buong park pero di ko pa rin sya nakita. Napuntahan ko na lahat, 'yung playground, 'yung sa spot nung tre─shit! Ang tanga mo talaga athena! Favorite spot nyo di mo naisip?!

agad akong bumalik papunta sa spot na 'yun, pagkarating ko may nakita akong lalaking nakatalikod. Humarap ito sakin at nakita ko si ryan, tumakbo ako papalapit sakin at niyakap ko ito ng mahigpit.

"Sorry, sorry, sorry, sorry." agad nyang tinakpan gamit ng daliri nya ang bibig ko

"Ssh. it's okay, basta next time tignan mo rin ang cellphone mo ah? Akala ko may nangyaring masama sayo. Wag mo 'kong pag-alalahanin ng ganito, baka di ko makaya at makapatay ako."

ngumiti ako, hindi ako kinikilig.

Hindi talaga, promise.

"San ba kayo nanggaling? ba't di mo sinabi sakin?"

"Sorr─"

nilagay nanaman nya 'yung daliri nya sa labi ko. Nakaupo na kami ngayon at nakalatag na rin ang blanket na lagi naming iniiwan sa taas ng puno.

"Tinatanong kita kung saan ka nanggaling, wag ka ng magsorry dahil okay lang."

napanguso ako agad, "Per─"

"Gusto mong mahalikan?"

agad akong napatikhom. Sabi ko nga eh, di na ako kokontra. "San nga kayo nanggaling?" hinila nya ako at pinahiga sa mga hita nya.

Hindi ako nakatingin sakanya, nakatingin ako sa mga daliri ko at pinaglalaruan ko 'yon, "Sa Mental Hospital, sa shop ni Ate sai, tapos sa bahay."

"Bakit naman kayo nandoon?"

"Pinilit nya akong maging mode─"

"fuck!"

napatingala ako at tinignan ko sya ng nakanuot ang noo ko. Katulad ko, nakakunot din ang mga noo nya. "So, naghubad ka?! Tapos nagsuot ng mga fit na damit? tapos andaming lalaking nakatingin sayo! Tapos Tap─" tinignan nya ako ng masama, "Anong tinatawa tawa mo dyan?!"

"Pft! Hahaha! Wala!"

"Nagseselos ako hindi ba halata ha?! Diba dapat papakiligin mo ko?!"

mas lalo akong napatawa sa sinabi nya, "So wattpad reader ka na rin? Ano username mo ng mafollow kita."

sinamaan nya lang ako ng tingin, pero bigla akong napatigil sa pagtatawa ng bigla syang ngumisi na nakatingin pa rin saakin. Ako naman ang tumingin sakin ng masama, pinagpatuloy nya pa rin ang pagngisi at lumapit sya sa mukha ko. Hindi ako makaurong dahil nakahiga ako sa kanya at nakayakap sya sakin kaya hindi ako makakalas.

"Hoy Williams! Sinasabi ko sayo kung ano man 'yang nasa isip mo, tanggalin mo!"

mas lalo syang ngumisi, mas lalo din syang lumalapit sa mukha ko. Napapikit nalang ako, binuksan ko ulit 'yun ng may maisip akong idea. Yari ka saking williams ka!

nilapit ko din sa kanya ang mukha ko, nagulat sya sa ginawa ko at pinagpatuloy ko lang ang paglapit ko sa mga mukha nya, habang sya papalayo sa akin. Hanggang sa nakahiga na sya at hawak nyang maigi ang mga braso ko. Lumapit ako sa tenga nya at bumulong, "Namumula ka, baby."

Tinulak nya ako ng hindi malakas, at tumayo sya agad. Kitang kita ko pa rin ang pamumula ng mga tenga nya pati na rin ang mga pisnge nya. Ang cute talaga pag kinikilig ang mga lalaki, pero pag babae? Nagmumukhang malandi.

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now