040

1.2K 43 0
                                    

- - -

Zharm's POV

"Athena!"

sabay sabay naming tawag kay Athena na punong puno ng luha ang mukha habang tumatakbo papunta samin. Niyakap nya kami agad pagkalapit na pagkalapit nya samin. Grabe, nakakagulat ang itsura nya na dapat na hindi ko naman na dapat ikinagulat pero, nakakagulat talaga.

Para syang galing sa gera, ang dumi dumi na ng damit nya. Buti di pa masyadong madumi 'yung mukha nya. Nakayakap lang sya sakin ng mahigpit at iyak ng iyak.

"Athena, asan na 'yung iba?"

"H-Hindi ko p-po alam. P-Pinalabas nalang nila a-ako agad,"

pagkasabi nya nun ay nagsitakbuhan din palabas sina, rence, carl, pao, ken at phrixus. Pero asan si ryan?



"S-Si Ryan? Asan si Ryan?! B-Ba't di nyo sya kasama?!"


nagsisigaw na si athena sa tabi namin, pero nanatiling nakatingin ang mga pulis sa bahay kung saan nanggaling si athena. Mananatili lang ba silang ganyan?! Gustong gusto ko rin silang sumbatan pero napunta ang atensyon ko kay athena.

bigla nalang kasi syang nahimatay.

-

"Anong nangyari?!"

"Pwede ba? umupo muna kayo dyan. Huwag muna kayong magsisisigaw."

nanahimik silang lahat sa sinabi ni Mika, nakaupo lang kaming habang tinitignan namin si athena mahimbing na natutulog.


"Zharm." tumingin ako kay Mika ng tawagin nya ako, "Nasaan si ryan?"

"Andun sa kabilang kwarto, binabantayan nina Pao at Ken."


tumungo nalang sya sa sinabi ko. Pagtapos kasing mahimatay ni Athena, nahanap na nila si ryan. At pareho pa sila ni athena na nawalan ng malay.

Naramdaman kong may yumakap sakin sa likod ko at sa amoy palang alam ko na. 


"Magiging okay din sila, kaya wag ka ng malungkot dyan oh, pati tuloy ako malungkot na rin." napapikit ako ng bumulong sya sa tenga ko.

"Thank you carl, at nandito ka sa tabi ko,"


tanging pagyakap lang ng mahigpit ang pinaramdam nya at pinatong nya sa likod ko yung ulo nya.

-

Athena's POV

Napahawak ako sa ulo ko, nasaan ba ako? Minulat ko ang mata ko at nakitang puro puti ang paligid.

"Athena!"

"Ack─Diana! Papatayin mo ba ako?"

napabitaw naman sya agad sakin at nagpeace sign, "Sorry. Sobra lang akong nag-alala sayo. Ano ba kasing nangyari ha?"


pumunta na rin sa kama ko sina Zharm at Mika. Seryoso lang mga mukha nila, bigla ko tuloy naalala lahat. Napapikit ako.


"Ang sama niyang tao." bulong ko.

"Nino?" tanong nila sakin.

"Pwedeng mamaya ko nalang sabihin? Asan nga pala si ryan? Lumabas na ba sya doon? Nasa labas lang ba sya?"

"Andun sya sa kabilang kwarto nito. Di ko alam kung gising na." sabi ni zharm.

tumayo na ako sa higaan ko at inalalayan naman nila ako. Wala naman akong sakit, bakit kailangan pa akong dalhin sa hospital diba?

si zharm nalang ang naghatid sakin sa kabilang kwarto. Binuksan namin 'yon at puro lalaki ang nasa loob.

"Lil sis!"

"Gising ka na sa wakas!"


ngiti lang ang ginawa ko at niyakap ko si kuya. Tinignan ko si ryan at sobrang saya ko ng gising na rin sya.


"Pagsabihan mo nga 'yang jowa mo athena! Ayaw kumain eh." sabi ni ken ng ikinatawa ng lahat.

"Ampanget kasi ng magpapakain sa─Ahh!"

"Hahahaha!"

"Bangis whoo!"


hinila ko lang naman ang tenga nya ng magsalita sya. Ang choosy pa kasi!


"Tara na nga sa labas! Maglalabeng labeng pa 'yung dalawa."

"Hoy ryan! di porket sinagip mo 'yang kapatid ko eh kung ano ano ng gagawin mo dyan ah?"

Nagtawanan naman kami, siraulo talaga 'tong kuya ko. ng makalavas na silang lahat tumingin na ako kay ryan.

"Paano ba 'yan? Tayong dalawa nalang nandito?"

piningot ko sya uli sa tenga, at ganun pa rin. Sumisigaw lang sya sa sakit.

"Bakit ba ang kulit kulit mo ha? Di ka naman bayani para gawin 'yon."

"Kaysa naman ikaw mapahamak, edi para na rin akong naging bayani na namatayan ng puso."

tinawanan ko nalang sya. Kinuha ko na 'yung soup sa table at sinubuan ko sya. Kumain na rin ako sa soup, gutom na rin kasi ako.

"nga pala, nahuli ba sila?"

"Hindi ko alam. Siguro bukas nalang natin yun aalamin, kailangan mong magpahinga. Bayani ka kasi diba?" sabi ko ng natatawa.

"Ikaw dapat ang magpahinga, uupakan ko nalang sila pag nakita ko para sayo." natatawa din niyang sabi.

"Uupakan? dapat kanina mo pa 'yon ginawa! Tignan mo, ikaw 'yung nandyan na nakahiga, kaysa sila 'yung nandyan."

tawanan lang namin ang naririnig sa loob ng kwarto, sana lagi nalang ganito. Walang gulo, puro saya lang. Pero minsan, nakakasawa rin maging masaya.

"Asan nga pala 'yung gift ko?" napatigil ako sa sinabi nya, "Gift?"

"Oo, gift. Para sa pagligtas ko sayo." nakangiti nyang sabi. "Tignan mo nga 'yung mga sugat ko oh, tas itong braso ko nainjured. Tapos ito pang paa k─"

"Andami mong satsat."

napangiti sya, pati na rin ako. Paano, hinalikan ko eh. Alam ko namang 'yun ang gusto nito, ayaw pang sabihin.


────── x ──────

A/N:

hi hello, after a billion years nag-update na rin ako sa wakas hahahaha. don't forget to vote and comment!


The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now