047

1.3K 35 2
                                    

here's the update. chapter 47 : surprise.

- - -

1 week later...

"Pumunta na tayo doon! Ngayon na! As in, now na!" sigaw ko sakanila.

"Calm yourself. Hindi pwedeng iiwan natin si mom dito."

"Edi isama natin siya. Kuya naman eh! Kailangan muna nating matulungan si dad at si frost!"

"Athena---you know we can't! Ano namang magagawa natin? Sasabihin sakanila? Eh ni katiting nga walang naniniwala!"

Napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok. Si dad, patuloy na nawawala na sa upuan niya. Patuloy pa ring pinapabagsak ang company namin. Iisa lang ang pumapasok sa isip ko.

"Kuya. Magpapa-arrange marriage ako kay ryan."

-

"Hoy kayong dalawang strangers! Gising na! Tayo nalang nasa bus. Bilis gising na, galit na si kuyang driver!"

Napadilat ako ng naramdaman kong may nagyuyugyog sakin. At tama nga ako, meron nga. At dahil dun, nauntog pa ako. Tumayo na agad kami ni kuya ng magising kami dahil kay mom.

"Kabisado ko 'to! Sige, aalis na ako ah?"

"No mom! Magkakasama tayo!"

"Huh? Magagalit sakin si Tristan. Kilala niyo 'yun?"

Ofcourse, daddy namin 'yun eh. Gusto ko mang sabihin 'yang nasa utak ko pero pinili ko nalang na hindi sabihin dahil alam ko namang hindi maniniwala si mom.

"Bahala nga kayo. Basta ako, uuwi na."

Syempre sumunod pa rin kami kay mom. Hindi naman pwedeng iwanan nalang 'yan. Bigla ko namang naalala ang mga nangyari.

Kung kailangang masaya na ako... Kami. Saka pa nagkaganito. Wala ba talagang katapusan 'tong mga problema? Sabay sabay pa. Hindi naman sila welcome sa buhay namin tapos bigla biglang darating. Tapos kapag nakasanayan na, saka nalang biglang mawawala na parang bula.

Ilang oras rin ay narating na rin namin ang bahay. Nag-taxi kami. At si kuya ang nagbayad, nasa kanya kasi 'yung pera. Wala rin naman kasing pera si mom, kaya sabi niya utang nalang niya 'yon sami at babayaran niya kami. Pagkababa namin sa taxi ay sobrang tahimik ng paligid, anlakas pa ng hangin. Mas lalo tuloy akong nalulungkot.

Nakapasok naman kami agad. Puro pagwawalis lang ng mga maids ang maririnig mong ingay. Pinilit kong ngumiti sa kanila. Nakatingin lang samin si mom, nagtatakang tingin. Ako na ang nagbukas ng pinto dahil maraming hawak si kuya, kawawa naman kasi siya. Since, mabait naman akong bata.

"Welcome back!"

"Ay put---" napahawak naman ako sa bibig ko. Muntikan na! Muntikan na akong magmura!

Lumapit naman agad ako sakanila at niyakap silang lahat. Namiss ko sila. Ang mga kaibigan ko. Agad naman nila akong binatukan pagkatapos naming magyakapan.

"Gaga ka! Antagal mong nawala! Namiss ka tuloy namin!" sabi ni zharm.

"Oo nga! Punyeta ka. Wala na tuloy kaming makopyahan nung exams." sabi naman ni mika na ikinatawa namin.

"Walang pasalubong?" binatukan naman namin si dianne. "Grabe ha! Mahal na mahal niyo talaga ako noh?"

"Namiss ko rin kayo. Wala na akong kadaldalan. Wala ring signal doon kaya hindi ko kayo matext. Walang wifi, kaya di ko kayo machat." sabi ko sakanila ng nanguso.

Agad ko namang inayos ang bibig kong nakanguso ng may bigla biglang nanghahalik. Kilala ko 'yon! Iisang tao lang ang gumagawa nun sakin.

"Ryan!" niyakap ko agad siya ng mahigpit pagkaharap ko.

"Ugh--Love. Nasasakal mo na ako. Alam ko namang miss na miss mo na ako, ramdam ko na okay?"

humiwalay naman ako sakanya agad at pinalo ko siya sa braso niyang bato. "Ang landi niyo." sabi ni kuya pero binelatan ko lang siya. Napatingin naman kami kay mom na biglang umubo, nagtataka at gulat 'yung itsura niya. Sino ba namang hindi magtataka kung may sumama na nga sayong mga strangers, tapos pagpasok pa ng bahay niyo, may nagsurprise sa mga strangers na parang sakanila 'yung bahay. See? Sinong hindi magtataka? Sinong hindi magugulat? ha? Sabihin niyo! Sino?

"Uh--Anong nangyayari dito? Bakit andaming tao sa bahay ko?"

"Tita, hindi niyo po ba ako naaalala? Ako 'yung pinakagwapong kaibigan ng anak niyo." sinuntok nila ng boys si carl sa braso, take note, magkabilaang braso dahil nasa gitna siya at tinapakan namin ni mika, at piningot naman sa tenga ni zharm at dianne.

"Mahal na mahal ko din kayo guys! Kaya di niyo na kailangang pang iparamdam sakin, dahil damang dama ko na! Damang dama ko na talaga!"

"Anong... teka, hindi ko maintindihan."

"Ako po, 'yung kaibigan ni Athena. Macy Psychii and Percy Psychii po ang pangalan ng mga magulang ko. Kilala niyo po ba 'yon?"

Tinignan ni mom ng maigi si zharm. "Zharmella? Bakit...bakit ang laki mo na? Nananaginip lang ba ako? Pakigising naman ako oh!"

Sumenyas ako sakanila na sa kwarto muna ako. Tinanguan lamang nila ako.

"Pero tita, hindi niyo po ba ako naaalala? Ang pinakagwapo---"

"Teka lang. Nagsasalita pa si zharmella. Mamaya ka na muna."

Narinig ko ang mga tawa nila. Ng makarating ako sa kwarto ko ay humiga ako agad at pumikit. Napadilat ako ng may humalik sa noo ko. Si ryan nanaman ba 'toh? Pagkadilat ko ay nakita ko ang matatamis niyang ngiti na namimiss ko na. Tinakpan ko naman agad ang mata niya dahil sobrang lapit niya sakin, sa mukha ko.

"Kinikilig ka nanaman ba?"

Tinulak ko muna ang mukha niya bago ko ito pakawalan at nagsalita na ako, "Manahimik ka nga. Magpapahinga muna ako." sabi ko sakanya sabay pikit ng mata.

Nanahimik naman ang paligid ko at nararamdaman kong may naghihilot ng ulo ko. Alam ko 'yung amoy na 'yun. Yung pabango niya, si ryan. Ang galing pala nito magmasahe? Trabaho niya kaya 'toh dati? Marami ba siyang customers? Puro babae ba hinihilot niya kaya sanay?

"Athena. Sis."

"Kuya,"

Napadilat ako agad at napaupo. Tumabi naman sakin agad si Ryan at nakatitig lang samin. Wala kasi siguro siyang alam dahil mukhang inosenteng inosebteng pa.

"Ay, kuya." banggit ko kay kuya. Inunhan o na siyang magsalita dahil may naalala lang ako. "About doon sa sinabi ko sayo kanina. Na magpapakasal ako."

"Magpapakasal ka? Bakit? Kanino?" hindi ko nalang muna pinansin ang tanong niya, "Sino ba 'yan ha? Nang masuntok ko na!" edi suntukin mo sarili mo.

"Yeah. about dun sis, may naisip ako. Ako nalang ang magpapakasal."

Nagtaka ako sa sinabi ni kuya. May girlfriend na siya? "kanino?"

"Kay Sai. Kay Saira Reina Audley---Lee." then, he smirk.

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now