08

4.6K 131 1
                                    

Athena's POV


back to school, i mean back to boring life. Andyan nanaman si quiz, recitation at ang pinakaayaw ko, ang surprise test. Kapag kasi nagrereview ako, walang test kapag naman hindi ako nagrereview, may test. Life is so unfair!


"Okay class, its back to normal life." tsk, boring life you mean? 

"We will have a discussion today, and tomorrow will be the quiz about what we discuss today." Ano ba yan! quiz agad? Susuntukin ko 'toh sa mukha eh! Para hindi na sya makilala tapos hindi na sya papapasukin sa school tapos mawawalan sya ng trabaho tapos tatapusin na nya buhay nya kasi sawang sawa na sya, super useless na nya daw kasi tapos beng! Wala na kaming quiz bukas! 

"Ms.Lee? Are you listening to me?" napatingin ako kay Sir, uh, nakakahiya. Lahat ng kaklase ko nakatingin sa akin. 

"Y-yes sir." 

"If you're listening, then what is the topic today?" patay. Hindi naman kasi ako nakikinig sir diba? Hindi ba halata? 

"Um, i don't know sir." bigla namang kumunot 'yung noo nya. Waaaa! Detention here i come na ba? Lagot ako sa parents—Ah! Si Big bro nalang papapuntahin ko kapag pinatawag parents ko. 

"Akala ko ba nakikinig ka, MS.LEE?" 

"Hindi ba halata sir na hindi sya nakikinig? Ayaw nya lang sabihin na hindi sya nakikinig sa inyo kasi magagalit ka! Buti nga iniisip pa nya 'yung mararamdaman mo eh!" napatingin ako sa sumigaw, s-si ryan? hala! Paano kung madetention din sya? Edi madadamay sya! Wait, eh diba school naman 'toh ng tito nya? or daddy nya? ah ewan! Basta Williams University 'toh eh! 

"I-Im sorry Mr.Williams, but sye pe kese hende nekekeneg seeken eh." biglang nagtawanan ang mga kaklase ko, actually lahat kami! grabe! di ko ine-expect na magiging ganyan si sir—Ma'am to be exact! pfft! Imagine! with matching yugyog pa sa braso ni ryan nung ginagawa nya 'yan.

"Tsk, get off your dirty hands. Makakausap mo na mamaya ang dean sya na ang bahala sayo." 

"Eh nemen eh. Please ryen, another chence?" 

"Tsk, fine. pag di ka nakitungo ng maayos kay mylabs ko alam mo na ang mangyayari. Bilisan mo na at magturo, dami mo kasing alam eh." 


biglang naghiyawan, tinignan naman kami ni sir ay ma'am pala ng nakakatakot na tingin. Niyakap nya naman si ryan at 'yung mukha ni ryan ay diring diri naman. Tumingin sya sakin, nasa unahan ko kasi sya, ngumiti ako sakanya at i mouthed 'thank you' ngumiti naman sya pabalik. Grabe, ba't bumait 'toh sakin? Paano na ang revenge ko? 

bumalik na si sir—Ma'am pala! Sa unahan at nagdiscuss, grabe! Makikinig na talaga ako sakanya. Biglang may tumusok sa tagiliran ko, tumingin ako sa katabi ko at si Zharm 'yun. Namiss ko na 'tong babaeng 'toh. Kaninang umaga nalang kasi kami nagusap. 


"Ayie, ikaw penelope ah, may hindi ka kinukwento sa akin." bulong nya saakin, baka mamaya maging dragon nanaman 'tong baklitang teacher namin eh! tinignan ko sya ng masama, for sure mang-aasar nanaman 'toh sakin! Si ryan kasi eh! Mylabs ng mylabs! Pipingutin ko 'yung tenga nyan mamaya! 

"tse! Makinig ka na nga lang dyan!" pasigaw kong bulong sakanya.

"Mylabs pala ah~" tinignan ko sya ng masama at nakinig na lamang sa teacher ko.

- -

tatlong tunog ng bell ang narinig ko, na ang ibig sabihin ay...


"Class dismissed." naghiyawan na ang mga kaklase ko, ayoko ng makisali noh. 

"Penelope! Sa wakas natapos na rin ang klase! Tara na't umuwi." biglang sabi sakin ni zharm, nag-wait sign ako sakanya. May kailangan lang akong gawin na dapat ko ng gawin. 


pumunta ako sa harap ni ryan, at piningot ko sya sa tenga nya. Nakikipagusap kasi sya sa mga kaibigan nya. 'yung grupo nilang 'blue dragons' na dati kong super ka-close. At ayoko ng halungkatin 'yung 'past life' ko. 

Naghiyawan naman 'yung mga kaibigan nya, inaasar nila siguro 'toh dahil sa pagpingot ko sakanya.. Humarap naman sya sakin ng nakakunot ang noo. 


"Excuse me Ms. Lee, para saan 'yung pingot mo na 'yon ah? Isusumbong kita sa kuya mo sige ka!" 

tinaasan ko sya ng kilay, "Duh, sakin pa nga 'yun sumusunod eh! Atsaka, para sa pagtatawag mo 'yan sakin ng Mylabs! Grabe, nakakadiri. Its so gross kaya!" 

"Tsk, ang arte mo din eh noh? Saka, kahit sayo pa sumusunod yung kuya mo, mas matanda pa rin sayo yun!" 

"So? As if you care? Dyan ka na nga! Saka, binabalaan kita! Kapag tinawag mo pa ako ng mylabs yari ka talaga sakin! Matitikman—" 

"Di mo naman sinabing may pagnanasa ka sakin. Saka aminin mo na ngang kinikilig ka kapag tinatawag kita nun!" 

"Tse! Dyan ka na nga! Ang manyak manyak mo talaga noh! Saka ang kapal kapal din ng mukha mo!" 


hinila ko na si zharm at tawa naman sya ng tawa dahil daw sa inasal ko kanina. Anong nakakatawa dun? Grabe talaga yung williams na yun! Mayayari talaga sya saakin! Nakakahiya kaya! andami daming nakarinig! andami pa naman nung fans, baka mamaya awayin pa ako noh. 


"Bye mylabs! Kita uli tayo bukas!" di ko na sya hinarap, saka wala akong balak! 

Argh! Yari ka talaga saking Williams ka! Akala ko magso-sorry sya at di na nya ako tatawagin! Pero hindi pala! Nagkakamali ako! Ahhhhh! Bwiset ka talagang Ryan ka! 


- -

Note: walang masyadong nangyari, thet. Writer's Block is  </3 

The Nerd's Revenge ❘ ✔Where stories live. Discover now