Ika-3 Kabanata

72K 1K 150
                                    


Umahon na ako sa pool at naupo sa gilid. Inilublob ko nalang ang mga paa sa tubig. I'm bored. Kanina ko pa gustong pumunta doon sa 8 ft kaya lang natatakot ako, kasi nga di naman ako marunong lumangoy. Nahihiya naman akong magpasama kay ate sa 8 ft kasi di naman niya ako pinapansin.

Si Daniel, Hazel at Heaven ay hanggang 7 ft lang naman ang kayang languyin. Nahihirapan na daw silang languyin yung 8 ft. Kung magpapasama ako sa kanila, baka pare-pareho kaming malunod.

Kanina pa ako humahanap ng tyempo na magpasama kay kuya doon, kaso hindi man lang siya nagagawi dito sa 5 ft. Panay kasi ang kwentuhan at harutan nila ng boys doon sa kabilang dulo. Nag-iinuman pa nga sila ng beer kaya hindi na nila ako napapansin.

Hanggang sa biglang tumabi sa akin si Axel.

"Seems like you're not having fun." aniya.

"You think so? I just feel bad 'cause I can't go there." sabay nguso ko sa dulo ng pool.

"Oh. You can't swim?"

Yumuko ako habang tumatango sa kanya. Nahihiya ako and I feel so frustrated, because I can't swim!

"I can take you there."

Napaangat ang ulo ko sa sinabi ni Axel.

"Are you sure?" nahihiya kong tanong.

"Of course. Let's go."

Lumusong siya sa pool and then he tap his back. Gusto niyang pumasan ako sa kanya.

"Hindi mo naman ako lulunurin diba?" alanganin kong tanong sa kanya.

Tinawanan naman niya ako. "That will never happen."

Nginitian ko siya at lumusong ulit sa pool kasunod ng pagpasan ko sa kanya.

Unti-unti siyang naglakad papunta sa malalim. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa leeg niya.

Nakita ko naman ang tila nanunuksong tingin at ngisi ni Hazel ng makita ko siya na nakalublob sa gilid ng 6 ft.

Sinubukan kong itukod ang paa ko para kapain ang tiles sa ibaba pero di ko yon nakapa.

"Wooh! Ang lalim." medyo natatakot kong sabi.

"We're in 7 ft, Aika. But don't worry. I got you." at naramdaman ko ang mga kamay ni Axel na nakahawak sa magkabila kong hita. He's supporting my legs na naka kawit na sa kanyang magkabilang baywang.

"Ano yan ha?"

Napalingon kaming pareho ni Axel sa tila mapamuksong tanong ni Wein. Nakangiti siya ng maluwang habang nakatingin sa amin. Nakaupo pa siya sa dulo, sa may 8 ft and he was holding a bottle of beer.

"Guys, look there's a love birds!" ani Wein at itinuro kami sa iba pang boys.

"Shut up! Nagpasama lang ako kay Axel kasi gusto ko ma-experience ang 8 ft." paliwanag ko.

"Axel, dude. I'm watching you." Nag gesture si kuya Hiro na nakaturo sa magkabila niyang mata yung index at middle finger niya, at saka niya tinuro si Axel at tinungga ang hawak niyang bote din ng beer.

Napatingin naman ako kay Aries na nakaupo sa isa sa tatlong lounge chairs na naroon. Tila kinilabutan ako ng magtama ang mga mata namin. Naniningkit ang mga mata niya sa amin, para siyang galit na ewan.

"Happy now?" ani Axel kaya nawala ang tingin ko kay Aries.

"Y-Yes! Thanks." Nahihiya ko na namang sabi sa kanya.

"No problem. Basta ikaw!"

Nagkwento si Axel. Just a random stuff, habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa 8 ft. Napatigil naman siya sa pagkukwento ng bigla naming narinig na sumigaw si Aries.

When She Loved Him [HBB #1 Book 1] (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Where stories live. Discover now