Chapter 8

269 8 2
                                    

Iraia's POV

I walk through the school hallway to our room early in the morning. Maaga kasi akong nagising kaya napagdesisyonan ko na mauna sa school.

When I entered the room, nagulat ako ng makita ko si Dux na natutulog habang nakayuko at nakasandal sa braso niya. Siya lang din ang tao sa room, dahil maaga pa naman.

Hindi na ako nag-abalang gisingin siya, baka magdamag siyang gising kaya kulang ang tulog niya. I quitely seated on my chair not making a noise.

Maya maya ay nilingon ko siya ng makita ko siyang mahimbing na natutulog. Mukha siyang inosente habang natutulog, parang bata. Bakit parang may kamukha siya?

Kahit tulog, ang gwapo pa rin niya. Sa ganitong paraan ay mas nakikita ko ang kanyang facial features. Ang nunal sa kanang bahagi ng kanyang ilong. Yung peklat sa kilay niya. Ang kanyang mahahabang pilikmata at kilay ay bumagay sa kanyang malalim na kulay abong mga mata.

Suddenly I got a crazy idea.

I immediately took my colorful markers out of the bag. I slowly draw scribbles on his face. A red dot on her nose, a blue cat's whiskers, a pink heart on her cheek. I hold back my laughter while looking at him.

Pinigilan ko ang tawa nang bigla niyang iminulat ang kanyang mga mata habang gumuhit ako ng dilaw na bilog sa gilid ng kanyang mata. Nagkatinginan kami kaya natigilan ako. Nakita ko kung paano siya sumimangot at kinuha sa akin ang salamin bago tumingin sa sarili niya.

"Fuck..." hindi makapaniwalang sabi niya bago ako mariin na tinignan. Napalunok ako sabay kagat sa labi.

Nagulat ako ng kinuha niya saakin ang kulay green na marker bago sinulatan ang mukha ko. Natigilan ako habang siya ay may sinusulat na kung ako sa mukha ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa mukha ko. Ang lapit kasi ng mukha niya, kung gagalaw ako may chance na magkakahalikan kami.

He was holding his laugh while looking at me. "W-what?" tanong ko.

Kinuha niya ang cellphone ko at nanlaki ang mata ko nang magpicture siya. Napatingin ako sa camera at halos matawa ako ng makita ko ang mukha ko.

Mayroon akong maliliit na green na bilog sa aking mukha at "panget" ang nakasulat sa aking noo. I laughed, mas malala pa ang kay Dux. Suddenly the room was filled with laughter of both Dux and I.

I started posing for the camera and so did Dux. We took many goofy and wacky pictures with each other then we decided to wash our face before somebody saw us in this condition.

When we got back to the room, medj marami na ang tao.

"Kanina ka pa?" tanong ni Amari na ikinatango ko.

She teasingly looked at me and Dux na sabay pumasok sa room. "So nagkakadevelopan na ba?"

"Yup, medj ata. Wait kinikilig ako." impit na tili ko.

Kinewento ko sa kanya ang nangyayari kanina kaya hinampas hampas niya ako habang tumatawa.

"Girl, ikaw na talaga ang magpapabihag sa puso ni Dux," she teasingly whispered while doing a heart pose.

I glanced at Dux who was seriously reviewing his notes. Magkakaroon daw kasi ng quiz mamaya sabi ni Amaris. And halos lahat naman aware na dun.

We quickly stopped talking when the teacher arrived. Lahat kami napaayos ng upo ng sinabi niya na magququiz na daw.

Everyone was focused while listening to the question and writing the answer.

I glanced at Dux and he seems so confident about his answer. I smiled.

ANG POGI!

Habang nagsusulat nagulat ako ng mahulog ang ballpen na ginagamit ko sa ilalim ng mesa. Agad akong sumilong sa ilalim para kunin ito.

Pag angat ko ng tingin, nakita ko ang kamay ni Dux na nakatakip sa dulong bahagi ng mesa.

He was busy answering the quiz but his hands are on the edge of the table, covering it.

Nanlaki ang mata ko. Kung hindi pa nakalagay ang kamay ni Dux doon ay baka natamaan ko ang noo ko sa dulo ng mesa.

I smiled. He looked at me and raise a brow. Napa ayos ako ng upo at tumikhim. Inalis niya ang pagkahawak sa dulo ng mesa at nagpatuloy sa pagsusulat.

I stared at him with pure adoration, imagining what would it be like to be his girlfriend.

"Stop staring, continue the quiz," he said not giving me a glance.

I pressed my lips and continued the quiz.

After few minutes biglang nagsalita si Dux.

"Tapos ka na?" 

"Huh?" 

"Sa quiz Iraia, are you done answering it?" naiinip na aniya.

"Yes." I said and glanced at him.

"Sabay na tayo mag pass," aniya na ikinangisi ko.

"Kahit 'di na tayo magsabay, tayo nalang." nakangisi ko'ng sabi pero kalaunan natigilan din.

Napatigil lahat ng tao sa room pati si ma'am at lahat sila napatingin sa'kin. Parang lumakas ang pagkasabi ng banat ko. Medyo namula ang pisngi ko nang tumawa sila ng mapang asar at humagikgik din si ma'am. 

Sinundo- sundot ako sa tigiliran ni Amaris gamit ang ballpen niya. "Ikaw ha, bumabanat na!" hagikhik niya.

I looked at Dux's reaction and caught him biting his lip to stop smiling while shaking his head. My heart jumped when I saw him bite his red lips. 

Feel ko tuloy maging labi.

Napahinto siya sa pagkagat ng labi nang makitang nakatingin ako dun. Naabutan ko siyang napalunok bago ako tumingala para tignan siya. 

That's when I saw his eyes darken as he looked directly at me. He licked his lips while looking at mine. I gulped. Naramdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko na parang kumakabog sa loob.

Napabaling ako sa harap ng malakas na tumikhim si ma'am kaya napaayos kaming lahat ng upo.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng pisngi ko sa paraan ng pagtingin ni Dux sa labi ko kanina.

Mukha siyang manununggab ng labi!

Phantom Of Love (Friend Series #2) | ✓Where stories live. Discover now