Chapter 2

318 9 1
                                    

Iraia's POV

I smiled sweetly at him while touring him around.

"On the right is the library, sa kaliwang building naman is yung science lab, sa likod niyan is yung HUMSS 11 building tabi nun is HUMSS 12..." mahabang paliwanag ko habang tinuturo ang mga buildings.

He just keeps on nodding at mas lalo akong napapangiti. I can see his adams apple moving up and down!

"Do you have friends?" tanong ko.

"Wala," malamig na sagot niya.

"Si Xaven? Sabi ni Amaris mag best friend daw kayo?" nagtatakang tanong ko.

"Oh yes, I forgot." walang pake na aniya.

"Bakit Dux pangalan mo?" walang kwentang tanong ko.

"Bakit ka nangingialam?" sarcasm was very noticeable on his tone.

"Kasi may pake ako sayo," nakangising sabi ko kaya inirapan niya ako.

I continued to tour him around the campus hanggang sa umabot na ng 4 PM.

"So that ends our tour, see you tomorrow! Gusto mo ihatid kita sa inyo?" nakangiting sabi ko at nilagpasan niya lang ako.

"Gusto mo punta tayong food court? Tara libre ko!" sabi ko at hinila siya.

I felt him fliched when I dragged him, pero mas nagulat ako nang hinayaan niya lang akong kaladkarin siya.

Sakto pagdating namin hindi masyadong maraming tao.

Agad ko siyang dinala sa may counter para kumuha ng order. I was smiling at him.

"Nakatikim ka na ba ng ganito?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga pagkain.

"I am not an alien para hindi alam ang ganyang pagkain." masungit na sabi niya.

"Gusto mo kwek-kwek?" tanong ko at tumango siya.

"Kuya kwek-kwek daw po tas buko juice tig dalawa, thank you!" sabi ko sabay bigay ng bayad.

Hinila ko si Dux sa malapit na mesa at umupo dun. "Mahilig ka pala sa mga ganito?" tanong niya at tumango ako.

"Yup, it's my favorite place also the sunset view sa may seawall," sabi ko habang sumusubo sa kwek-kwek.

Tumango tango lang siya habang kumakain. Sobrang tahimik ng mesa namin at ang tunog sa kabilang tables lang naririnig ko.

I looked up at him and he was chewing his food while his deep dimples are showing. He looked like a kid muching his food.

Nakapansin siguro siya ng tingin ko kaya nag angat din siya ng tingin saakin.

When our eyes meet.Those deep grey orbs staring directly at me. I felt my heart beating. As if kilalang kilala niya na ito, na para bang matagal na niya itong hinihintay na tumibok nang ganito kalakas.

I was never really fond of love things especially love at first sight, but my heart beats in a way na parang sinasabi niya na mas malalim pa sa love at first sight ang nangyayari saakin para kay Dux.

Tinaas niya ang kanyang kilay saakin, "What?" tanong niya na nagpabalik saakin sa reyalidad.

"H-huh?" wala sa sariling tanong ko. "Why are you staring at my face?" mataray na tanong niya.

"Kasi gwapo ka." wala sa sariling bulong ko.

"Alam ko." aniya na parang halatang-halata yun. Iniwas niya ang tingin

I sighed and keep on glancing at Dux, hoping na sana tumingin ulit siya saakin. But all my hopes disappear when he didn't even took a glance at me.

He acted like I am not existing, the type of guy who doesn't even care at all.

Snob.

But exactly my type.

"Could you stop it?"

"Huh?"

"You're staring at me like a maniac," aniya at tinignan ako.

Suddenly my heart started beating again. Next time magpapacheck up na ako. Feel ko may sakit ang puso ko eh.

"Do you like me, Ms. Iraia?"

"Paano kung sabihin ko sayo na crush kita?" wala sa sariling sagot ko.

"Don't fool yourself, we just met and you already have feelings for me?" he said in disbelief

Natigilan ako dun.

"Be sure with your feelings before you spit nonsense confession." mariing sabi niya tsaka tumayo at iniwan ako dun.

Napatingin ako sa likod niya habang naglalakad palayo, bitbit ang wasak kong puso.

Tngina nareject ba ako?

Hindi manlang nagthank you sa pagkain!

Nakatulala lang ako sa kawalan bago napagpasyahan na umuwi na.

Bat naman kasi umamin agad ako. Alam ko sa sarili ko na hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko, paano kung niloloko ko lang ang sarili ko kagaya ng sabi ni Dux.

Napasabunot ako sa sariling buhok.

Minsan talaga padulas-dulas ang bibig ko. What if he doesn't feel comfortable around me anymore? Did I scare him?

Suddenly the way he looked at me with those deep grey orbs appeared on my mind.

I rolled over my bed at ibinaon ang ulo sa mga unan. Impit akong napatili habang nakangisi na parang tanga.

Crush ko talaga siya!

Phantom Of Love (Friend Series #2) | ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ