Special Chapter

1.4K 43 14
                                    

MEDYO matagal din kaming hindi nagkita ni Kina kaya excited ako sa meet-up namin ngayong araw. Yung huling beses kasi na nagkita kami ay noong kinasal kami ni Debbie. Hindi ko na nga maalala kung ilang taon na ba 'yun. Bukod sa busy na ako sa business ko, nasa barko kasi si Kina dahil doon s'ya nagtatrabaho bilang bartender. Ang gara nga ng bff ko, nakakapag-around the world for free. Anyway, nagkataon na nakabakasyon s'ya kaya sinamantala na namin na mag-reunion.

"Hi, Eli. Na-miss kita, bruha ka!" Natawa ako sa tawag n'ya sa 'kin tapos ay nagyakapan kami. Nandito kami ngayon sa isang Filipino restaurant along BGC.

"I miss you, too, Kina. Ang ganda mo yata ngayon!" Inismira n'ya ako bago hinila ang upuan saka umupo.

"Ngayon lang? Paano naman kanina, kahapon, nu'ng isang linggo, isang taon, sampung taon? Ngayon lang talaga, Eli?!" Alburoto n'ya kaya 'di ko na napigilang humalakhak. Kahit kelan napaka-siraulo pa rin ng kaibigan ko.

"Nga pala, nasa'n wife mo?"

"May out of town business trip pero pabalik na rin. Nu'ng isang linggo pa s'ya umalis, eh." Sabi ko habang busy sa pagbuklat ng menu at pamimili ng makakain. Ugh, nagki-crave talaga sa mga lutong bahay kaya sinabi ko kay Kina na sa Pinoy restaurant kami magkita for lunch. Then, pasyal na rin sa mall and bonding.

"Really? Okay, so, kumusta naman buhay may asawa?" Natawa ako sa tanong n'ya saka bahagyang nag-isip ng aking isasagot. Nagtatalo kasi ang utak ko kung kare-kare ba o adobong pusit ang gusto kong ulam. Ah, order-in ko na lang kaya pareho?

"Ayos naman." Matipid kong sagot. Nakita kong tumango si Kina bago isinubsob ang mukha sa menu. Di nagtagal ay um-order na kami at makaraan ang ilang minuto ay nasa harapan na namin ang nakakatulo-laway na mga putaheng pinoy.

"Kumusta naman buhay natin?" Tanong ko sa kan'ya bago isinubo ang hiniwa kong pusit gamit ang tinidor.

Ugh, sarap, heaven!

"Mabuti."

"Hindi ka ba nabo-bore sa barko? O, hindi mo nami-miss family mo pag nasa dagat kayo? Kung ako kasi 'yan baka isang araw pa lang iniiyakan ko na si Debbie sa phone." Pareho kaming natawa sa sinabi ko bago pinagpatuloy ang pagkain.

Shit, ang lutong ng gulay sa kare-kare!

"Igaya mo pa 'ko sa 'yo eh may separation anxiety ka sa asawa mo." Napangisi ako sa sinabi n'ya.

"Hmmmm, if you don't mind, kelan mo balak mag-asawa?" Out of the blue kong tanong. Harmless naman 'yun. Nang pagmasdan ko si Kina ay tanging kibit-balikat lang ang sinagot n'ya sa 'kin. Tumango na lang ako bilang pagrespeto.

"Hindi ko pa naiisip na lumagay sa tahimik. Masaya pa ako sa buhay na meron ako ngayon. Pero paminsan-minsan, napapaisip ako kung ano'ng pakiramdam lalo na kapag nakikita ko ang mga sweet moments n'yo sa picture ni Debbie na pino-post mo sa social media. Pero hanggang doon lang 'yun. Masaya naman ako ngayon pero may hinahanap ako na hindi ko alam." Pinakikinggan ko lang ang sinasabi n'ya habang hinahayaan s'yang umusap. Busy din kasi sa pagnguya ang bibig ko.

"What exactly do you mean by that?" Takang tanong ko.

"Sex?" Kamuntik na akong mabilaukan sa sinabi n'yang 'yun pero tinawanan muna ako ng gaga bago ako inabutan ng tubig.

Mabuting kaibigan talaga amp.

"Wag ka namang mag-react ng gan'yan. Hindi na tayo mga bata, 'no?" Sabi n'ya.

"Alam ko pero hindi ko lang inaasahan na sasabihin mo 'yan." Sagot ko. Natawa naman s'ya saka pumangalumbaba.

"Don't get me wrong kasi hindi na rin naman ako virgin pero parang kulang? Hindi ako satisfied. Na I want more. Siguro 'yun ang hinahanap ko. Hindi ako mapasaya ng mga previous bed mates ko. Hindi na ako excited at 'yun ang gusto kong maranasan ulit." Aniya. Inisip ko munang mabuti ang dapat isagot bago ako nagsalita.

"Have you tried experimenting?" Napatingin s'ya sa 'kin tapos inantay n'ya ang susunod kong sasabihin.

"You know, multiple partners? Baka kasi nakukulangan ka sa isa."

"I mean, single ka naman, right?" She nods.

"Your body, your rule." Dugtong ko pa.

"You know what, Eli, I get your point but no ang sagot ko. No, kasi natatakot ako. Hindi ko alam 'yung rule sa mga gan'yan, eh. But that's my greatest sexual fantasy." Kita kong ngumisi s'ya pagkasabi n'ya nu'n kaya natawa ako. Hindi ko akalain na medyo wild pala ang mga pantasya ng kaibigan ko. But glad na nao-open-up n'ya sa 'kin ang mga gan'tong bagay.

Hindi lang kasi kami magkaibigan. Para na kaming magkapatid ni Kina.

"Pero now na marami akong oras, gusto kong sulitin ang bakasyon ko." Sang-ayon ako sa sinabi n'ya. Ang totoo n'yan, wala naman akong pakialam sa sex life ni Kina as long as safe s'ya and napapaligaya s'ya nito.

"May naisip ka na ba na mga gagawin mo? Vacation plan?"

"Meron na pero more than that eh may gusto sana akong i-propose, Eli. Medyo matagal-tagal ko na ring pinag-iisipan 'to." Nang magtama ang paningin namin ay nakaramdam ako ng kaba sa ngisi ng gaga. Pinilit kong basahin ang ibig n'yang ipahiwatig ngunit bigo ako.

"Ano 'yun?" Sa wakas ay naisa-tinig ko rin ang tanong ko.

"I want you, gays, to help me fulfill my greatest sexual fantasy, please?" Ilang beses din akong lumunok ng laway matapos n'yang sabihin 'yun kasi pakiwari ko ay natuyuan ako ng lalamuna. Part of me ay gusto s'yang kumprontahin kung seryoso ba talaga s'ya sa hinihiling n'ya o dino-dogshow lang n'ya ako.

"Okay lang naman kung ayaw n'yo ni Debbie. Pero sinabi ko na sa 'yo na medyo alanganin akong subukan sa iba, unless sa inyong dalawa kasi may tiwala ako sa inyo." Sabi n'ya. Actually, gets ko naman ang punto n'ya. Ayoko rin na mapahamak s'ya sakaling maling mga tao ang lapitan n'ya.

"I will talk to my wife." Sagot ko dahilan para pumalakpak si Kina. Napangisi naman ako.

"Thank you, bessy. Balitaan mo 'ko, ah?"

"Sure." Sagot ko bago kami kumain ulit at nag-usap ng iba pang bagay.

Hmmmm..

🥀🌷🌻

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon