Chapter 29

1.3K 53 4
                                    

NATULOY nga ang paglipat namin ni Lola sa bahay ni Debbie. At katulad ng pangako n'ya, kinuhanan n'ya ng personal nurse and doctor si Lola para ma-monitor ang kondisyon nito habang nagtatrabaho ako at nagti-training. Aaminin kong napanatag ng husto ang loob ko at na-appreciate ko ang ginawang 'yun ni Debbie para sa 'ming mag-lola. Samanatala, lalo akong nagsikap sa pagtatrabaho sa company ni Maggie at pag-aaral sa kursong kinuha ko sa programa n'ya. Gusto ko kasing mag-negosyo sa hinaharap na s'yang pagkukunan ko ng stable income para sa 'min ng lola ko.

Gabi-gabi, bago ako matulog ay nagpapasalamat ako sa Diyos sa mga mabubuting bagay na pinagkakaloob Niya sa 'kin. Gayon din sa mga tao na pinapadala Niya sa buhay ko para tumulong sa 'kin at magpagaan ng bawat sitwasyon.

Kung dati, tinatanong ko ang sarili ko kung deserve ko ba ang mga magagandang bagay na nangyayari sa 'kin, ngayon ay natutuhan kong i-enjoy ang bawat sandali at magtiwala na lahat ng ito ay may dahilan. Kumbaga, hinahayaan ko nang i-unfold ng universe ang mga surpresa n'ya sa buhay ko at buong puso ko naman 'yung niyayakap. Alam kong deserve kong maging masaya sa buhay na 'to kasama ang mga taong mahal ko. At 'yun ang bagay na gusto kong paniwalaan at panghawakan.

Months later, natapos ko nga ang kursong kinuha ko at nagkaroon ako ng sertipiko. Tapos bilang regalo, sinabi sa 'kin ni Debbie na gusto n'ya akong tulungan na makapag-umpisa ng business. Noong una, sa bahay namin, yes bahay namin, lang ako nagbi-bake at bine-benta ko lang ang mga finished product ko online. Pero dahil meron akong mayaman, maganda at makulit na girlfriend, pinatayuan n'ya ako ng physical store. Hindi pa naman agad-agad nangyari ang lahat ng 'yun kasi dumaan pa ito sa proseso. Kumbaga, may plano at construction. Sa totoo lang, mahirap na masarap mag-manage ng business pero worthy and rewarding naman ang lahat at the end of the day.

Dahil sobrang busy ko na, nagsabi ako kay Maggie na hindi ko na kayang pagsabayin ang pagtatrabo sa office n'ya at pagma-manage ng business ko. Gets naman n'ya kaya pinayagan na n'ya akong mag-resign. Sinabi n'ya sa 'kin na proud s'ya kasi unti-unti na raw nagbubunga ang pagsisikap ko. Sinabi ko naman sa kan'ya na nagpapasalamat ako kasi tinulungan n'ya akong lumago o umusbong at binigyan n'ya ako ng chance na ma-discover ko ang passion ko.

Lumipas ang ilan pang buwan, naitayo na nga ang physical store ko at tuwang-tuwa ang lola ko. Sa katunayan, ipinangalan ko 'yun sa kan'ya bilang pagkilala at pagmamahal. Nagpapasalamat din ako kay Debbie dahil tinulungan n'yang matupad ang pangarap ko. At anong saya ng puso ko nang magsimula na nga ang operation ng business ko.

Sa loob ng dalawang taon, nakilala ang cake shop ko. Kumikita na rin ako ng sapat, minsan ay higit pa, na s'yang iniipon ko o 'di kaya'y ginagamit sa ibang makabuluhang bagay tulad ng pagtulong sa mga nangangailangan o charity works.

Hindi natin kailangan maging mayaman para makatulong pero mas marami tayong matutulungan kapag may pera tayo. Aminin man natin o hindi.

***

ANOTHER YEAR LATER

Katirikan ng araw pero malamig ang simoy ng hangin kaya hindi na ako nagrereklamo. Magkasama kami ngayon ni Debbie sa simenteryo para dalawin ang puntod ni Lola na katabi ng sa nanay ko. Isang buwan na ang nakakalipas nang iwanan n'ya kami. Namatay s'ya ng payapa habang natutulog. Iyak kami ng iyak ni Debbie pero alam namin na masaya na si Lola sa kinaroroonan n'ya. Doon ay wala ng sakit, pighati o kalungkutan. Ibang-iba dito sa lupa na maraming hilahil, bagabag at kahirapan.

"Hindi ko pa rin matanggap na wala na s'ya, Deb. Para kasing ang bilis ng lahat." Malungkot kong saad. Naramdaman kong hinimas ng girlfriend ko ang aking likod.

"Ako rin pero alam kong nasa mas maayos na s'yang kalagayan." Gusto kong maniwala na totoo ang sinasabi ni Debbie para naman mapanatag na ako. Sariwa pa rin kasi sa 'kin ang nangyari at may mga gabi na kinukuwestyon ko ang sarili ko kung naibigay ko ba sa lola ko ang lahat ng mga magagandang bagay na dapat n'yang maranasan sa buhay na 'to bago s'ya nawala.

"Kung nasa'n man s'ya ngayon, proud na proud s'ya sa 'yo. At kapag nagkita na sila ng mama mo, marami s'yang ikukuwento rito." Nakangiting wika ni Debbie dahilan para mapangiti na rin ako. Sa loob ng tatlong taon bago mawala si Lola, nagsikap ako ng husto upang tumaparin ang pangako ko sa Diyos pahabain lang Niya ang buhay ng taong dahilan kung bakit ako nagpapatuloy. Ginawa ko ang lahat para maranasan ni Lola ang kaginhawaang pinagkait sa kan'ya ng mundo nang dahil sa kahirapan. Yung mga ngiti n'ya, tawa at pananabik sa mga lugar na pinuntahan namin at mga bagay na ginawa namin ay mga kayamanang naka-record lahat sa pamamagitan ng litrato. At kapag nalulungkot ako, 'yun ang mga binabalik-balikan ko.

"Deb, alam mo bang thankful din si Lola kasi nakilala kita? Kasi dumating ka raw sa buhay ko. Kaya nga hindi na rin s'ya nag-aalala na iwanan ako kasi alam n'yang kasama na kita. Hindi na ako mag-iisa." Sabi ko kay Debbie dahilan para mapangiti s'ya.

"Ako ang dapat magpasalamat sa inyo kasi dumating kayong dalawa sa buhay ko, lalo ka na. Marami akong natutuhan sa inyo ni Lola. Tinuruan n'yo ako kung paano i-enjoy ang buhay, patuloy na magsikap at mas maging mabuti sa sarili. Tinuruan mo 'ko kung paano magmahal ulit, Eli, bagay na nakalimutan ko na simula nang maghiwalay kami ni Vincent. Buti na lang nakilala kita. Buti na lang ikaw ang pinili ng puso ko na mahalin at gustuhing makasama habambuhay." Kulang na lang ay matunaw ang puso ko sa mga sinabi ni Debbie. Lalo kong napatunayan kung gaano ako kapalad na nakilala s'ya at minahal.

Talagang may dahilan ang kapalaran kung bakit n'ya pinagtatagpo ang mga tao sa isang pambihirang sitwasyon. At gusto kong magpasalamat sa kan'ya dahil nagkita kami noon ni Debbie sa chapel.

Sinong mag-aakala na doon na pala sinimulang tuparin ng Diyos ang sagot sa panalangin namin sa pamamagitan ng isa't isa? Nakakatawa pero nakakamangha.

"Mahal na mahal kita, Eli."

"Mahal na mahal din kita, Debbie."

🌻🌸🌹

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt