Chapter 17

2.2K 89 33
                                    

"ANO'NG ginagawa mo rito, Vincent?"

Ewan ko pero bigla akong ginapangan ng matinding kilabot matapos rumehistro ng pangalan ng dating asawa ni Debbie sa pandinig ko.

At nang makumpirma kong nasa pinto nga s'ya ng unit ng girlfriend ko, nabitiwan ko agad ang hawak kong kutsara at natigilan sa kinauupuan ko.

"Debbie, please. Let me enter and let's talk. I'm..." Nakita kong gumewang s'ya mula sa kan'yang pagkakatayo kaya alam kong nakainom s'ya.

"Vincent, are you drunk?" Tanong ni Debbie.

Tapos mabilis n'yang inalalayan ang ex-husband n'ya para hindi 'to bumagsak sa sahig. Aaminin ko na parang may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa dibdib ko nang mga sandaling yun dahilan para makaramdam ako ng labis na kirot. Pero pinigilan ko ang sarili ko na palawigin pa ang nararamdaman kong 'yun dahil alam kong nagmamalasakit lang sa kan'ya si Debbie.

"Bakit ka ba kasi uminom? Saka alam ba 'to ni Maggie?" Sabi ni Debbie.

Maggie? I think narinig ko na ang pangalan na yun dati.

"Ayos lang ako. Saka hindi na ako bata. Alam ko ang ginagawa ko, hindi na kelangang malaman ni Maggie." Sabi ni Vincent. Tapos pinilit n'yang yakapin si Debbie na kaagad namang nagpumiglas dito.

"Ano bang ginagawa mo?" Mariin n'yang tanong. Tapos saglit s'yang tumingin sa 'kin bago muling ibinalik ang atensyon sa dati n'yang asawa.

Nang mga sandaling yun, para akong natuod sa kinauupuan ko. Wala akong magawa o masabi. Hindi ko kasi alam kung kay dapat ba akong itulong sa kanila o ano. Feeling ko rin naa-out of place ako.

"Please come back to me. I love you still. Alam ko mahal mo pa rin ako, Debbie. Balikan mo na ako, please. Pangako, magbabago ako." Pagsusumamo ng dati n'yang asawa. Ewan ko pero nakaramdam ako ng lungkot sa tono ng boses nito. Na para bang pinagsisisihan na nito ang mga nagawa n'ya kay Debbie at ngayon pilit na s'yang nagbabago.

"Maupo muna tayo dahil baka matumba ka na lang bigla." Sabi n'ya saka inalalayan ang dati n'yang asawa para makaupo sa sofa. That time, parang gusto ko na lang kainin ng lupa.

"I will call Maggie. Ipapasundo kita rito kasi hindi mo kayang magmaneho dahil sa estado mo." Sabi ni Debbie bago kinuha ang phone sa bulsa n'ya at sinimulang i-dial ang number ni Maggie. Pero bago pa n'ya maidikit ang phone sa tainga n'ya, mabilis na tumayo ang ex-husband n'ya sa kinauupuan nitong sofa at hinablot s'ya sa braso. Sa pagkabigla n'ya, nabitiwan n'ya ang hawak na cellphone at pagkatapos ganun na lang ang gulat naming pareho nang agresibo s'yang siilin ng halik ni Vincent!

"Vincent, stop!" Sigaw ni Debbie. Tinulak n'ya ang ex-husband n'ya na kaagad namang napaupo sa sofa.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Bakit mo ginawa 'yun?!"

"Hindi mo ba na-miss ang halik ko? Wag mong sabihin na mas nasasarapan ka na sa babaeng yun? Debbie, gumising ka nga sa katotohanan! Isang malaking kalokohan na pinagpalit mo lang ako sa kanya!"

Napakuyom ako ng kamao matapos marinig ang masasakit na salitang yun mula sa lalaking nanakit at nanloko kay Debbie. Kundi ba naman talaga makapal ang mukha n'ya!

Hindi ko alam pero sa kabila ng galit ko, nasasaktan ako ng husto. Gusto kong magsalita at makisali sa kanila. Gusto kong sabihin na hindi lang ako kung sino sa buhay ng ex-wife n'ya dahil ako na ngayon ang girlfriend ni Debbie at mahal namin ang isa't isa!

Pero lahat ng 'yun, hindi ko magawang sabihin. Para bang napipi ako. At wala akong kalaban-laban.

"Hindi s'ya basta kung sino lang dahil mahal ko si Eli para sa kaalaman mo, Vincent! Saka wag ka ngang umarte na parang hindi malaki ang kasalanan mo sa 'kin at sa kasal natin? Sinabi mong magbabago ka? Sana noon mo pa yun ginawa. Hindi sana nasira ang pagsasama natin at hindi ka sana magsisisi ng husto ngayon! " Mariing wika ni Debbie tapos napatingin sya sakin.

"Pero huli na ang lahat. Si Eli na ang mahal ko at hindi na ikaw."

Kita ko kung paanong lumambot ang ekspresyon ng mga mata n'ya na para bang gusto n'yang sabihin sa 'kin na magiging maayos din ang lahat.

At naniniwala ako sa kanya. Buong puso. Buong kaluluwa.

"Mabuti pa umalis ka na rito. Hindi ka na dapat nagpunta sa bahay ko kung manggugulo ka lang. Tapos hinalikan mo pa ako? Puede kitang kasuhan ng harassment!" Giit nya.

"Kakasuhan mo 'ko? Aba, matapang ka na ngayon, ah?"

Napatayo na ako sa kinauupuan ko matapos maging ganun ka-hasik ang tono ng boses ni Vincent. At nang makita ko itong tumayo mula sa sofa at inambahan ng sampal si Debbie, mabilis akong tumakbo at pumagitna sa kanila kaya sa mukha ko dumampi ang palad nya!

"Eli!" Narinig kong sigaw ni Debbie matapos kong mawalan ng panimbang at bumagsak sa sahig. Mabigat ang sampal na yun. Siguradong magpapasa ang mukha ko dahil solid ang tama sakin.

"Kita mo nga naman, nandidito ka palang babae ka?" Sakto paglingon ko sa kan'ya ay mabilis n'ya akong hinablot sa damit at kinuwelyuhan.

Tapos marahas n'ya akong sinandal sa pader at saka sinakal. Kitang-kita ko kung paano naghesterikal si Debbie matapos masaksihan ang ka-demonyohan ng dati nyang asawa!

Sa kabilang banda, nagpakatatag ako at matalim na tiningnan ito sa mga mata.

"Kung hindi ka dumating sa buhay ng asawa ko, hindi n'ya ako hihiwalayan! Ikaw ang sumira samin kaya dapat lang na mawala ka!" Tila nasisiraan nitong saad.

Sa isip ko, s'ya ang may kasalanan kung bakit sila nasira. S'ya ang gumawa ng katarantaduhan tapos pinagmamalupitan n'ya pa si Debbie. Kahit sinong babae, pipiliing kumawala sa katulad n'yang kampon ni Satanas!

"Bitiwan mo si Eli, hayop ka!" Giit ng girlfriend ko.

Pero imbes bitiwan, lalo n'yang diniinan ang pagkakasakal sa 'kin hanggang sa unti-unti nararamdman ko na lang na kinakapos ako ng hininga!

May mga luha na ring namumuo sa gilid ng mga mata ko habang pinapanuod kung paano mataranta si Debbie. Wala s'yang magawa sa lakas ng ex-husband n'ya.

Di nagtagal, unti-unti na akong nabibingi.

At naramdaman ko na lang na lumuwag ang pagkakasala n'ya sakin pero pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay-tao.

Tuluyan na akong kinain ng dilim at ang huling natatandaan ko na lang ay si Debbie habang umiiyak at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ko.

Kung mamamatay man ako, kahit paano masaya ako dahil s'ya ang huling alaala na maiiwan sa likod ng aking mga mata. 

🌺🥀🌷

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن