Chapter 19

1.5K 61 6
                                    

NAPAUNGOL ako nang maramdaman ko ang kamay ni Debbie na gumapang sa 'king bewang.

Goodness, kahit kelan, napaka-harot ng babaeng 'to.

"I love you." Anya sa tenga ko dahilan para manindig ang mga balahibo ko. Ewan pero may something talaga sa boses n'ya. Para akong ginagayuma!

"Higa ka, I want more of you." Dagdag pa n'ya matapos maghiwalay ng aming mga labi. Nang magkatitigan ang mga mata namin, para bang nakikita ko ang kaluluwa n'ya mula roon.

"Umiiyak ka ba? Bakit?" Bakas sa boses n'ya ang pag-aalala at kita ko sa mukha n'ya ang pagkataranta. Tapos naramdaman ko na lang ang mainit na likidong dumadaloy mula sa 'king mga mata.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. Gusto ko sanang matawa sa sarili ko kasi bigla na lang akong naiyak pero parang wala namang nakakatawa sa nangyayari.

"Kinakabahan lang ako." Sagot ko sa tanong ni Debbie. Tapos sabay kaming napalingon nang may kumalabog sa pinto ng opisina n'ya. Kinain na kami ng kaba dahil naririnig namin sa kabilang bahagi ng pinto ang galit na galit na boses ni Vincent— ang dati n'yang asawa!

"Nandito lang pala kayong dalawa, ah? Akala n'yo ba magiging masaya kayo? Pwes, hinding-hindi mangyayari 'yun!" Napakalunok laway ako nang itutok sa 'min ni Vincent ang hawak n'yang baril. Kinain ako ng matinding kaba nang iharang ni Debbie ang sarili n'ya para protektahan ako.

"Nasisiraan ka na talaga ng ulo!" Sigaw ni Debbie.

"Ikaw ang nasisiraan ng ulo kung poprotektahan mo ang babaeng 'yan! Tumabi ka d'yan, Debbie!" Sigaw ni Vincent.

Nilapitan n'ya kami at hinablot sa braso si Debbie. Lalo akong naiyak nang makita kong itinulak n'ya sa sahig ang dati n'yang asawa saka ako hinarap at tinutukan ng baril. Pero bago pa n'ya makalabit ang gatilyo, hinampas na s'ya ni Debbie ng kung ano sa ulo dahilan para matumba s'ya at bumagsak sa sahig kasabay nun ay tumalsik ang baril na hawak n'ya.

"Hindi n'yo ako matatakasan! Kahit saang sulok ng impyerno susundan ko kayo!" Singhal ni Vincent. Tapos mabilis s'yang tumayo saka dinampot ang baril n'ya. Kasunod nu'n ang isang malakas na putok at bumagsak na lang sa sahig ang duguang katawan ni Debbie nang tamaan s'ya ng bala sa likod matapos n'ya akong iligtas.

"DEBBIE!!"

Habol hininga ako nang magising mula sa malalim na tulog. Napa-igtad ako nang maramdaman ko ang kirot ng sintido ko. Narinig ko naman na may mga papalapit na yabag sabay bukas ng pinto sa kuwartong kinaroroonan ko.

"Eli?" Boses 'yun ni Debbie. At alalang-alala s'ya sa 'kin.

"Ano'ng nangyari? Bakit ka sumigaw?" Anya sabay lapit sa 'kin. Du'n na ako naiyak tapos ay niyakap ko s'ya ng mahigpit. Isinubsob ko sa kan'yang leeg ang mukha ko at humikbi ako. Mabuti na lang dahil panaginip lang ang lahat. Hindi totoo na nabaril s'ya. Hindi totoo na nasaktan s'ya ni Vincent dahil kung sakali baka masiraan ako ng ulo!

Nang mahimasmasan ako sa pag-iyak, tinanong ako ni Debbie kung ano'ng nangyari. Nu'ng una, nahiya pa akong sabihin sa kan'ya ang panaginip ko pero dahil mapilit ang nobya ko ay wala na akong nagawa kundi ikuwento sa kan'ya ang lahat. Sinimangutan ko lang s'ya du'n sa parte na natawa s'ya dahil bigla na lang daw umeksena sa loving loving namin si Vincent para magkontrabida. Grabe, ang sarap sabunutan ni Debbie 'pag may time kasi napansin n'ya pa talaga yun?

"Eli, naiintindihan ko na natatakot ka kay Vincent. Pero wag ka nang mag-worry masyado kasi hindi ko hahayaan na guluhin pa n'ya tayo ulit. Lalong-lalo ka na. Hindi ka na n'ya masasaktan dahil ako na ang makakalaban n'ya." Sinserong saad ni Debbie dahilan para pamulahan ako ng pisngi at kiligin! Ang sarap lang sa pakiramdam na merong taong handang prumotekta sa 'yo anoman ang mangyari. At sa pagkakataong ito, maswerte ako dahil kasama ko si Debbie.

Sa kabila ng lahat, hindi pa rin maalis ang takot sa dibdib ko sa kung ano pa ang puedeng gawing panggugulo ni Vincent sa 'min. Yung karanasan ko nang huling beses kaming nagkita ay sapat na para mag-alala ako ng husto.

Mapanakit na tao ang lalaking 'yun. Ultimo dati n'yang asawa, pinagbubuhatan n'ya ng kamay. Siguradong hindi n'ya kami sasantuhin lalo pa't meron s'yang pinaglalaban.

"Nag-aalala ka na naman, mahal ko." Napukaw ako sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Debbie. Tapos naramdaman ko ang malambot n'yang palad na humaplos sa pisngi ko dahilan para bumaling ang atensiyon ko sa maganda n'yang mukha.

"Di ba, sinabi ko na sa 'yo na wag ka nang mag-alala masyado?"

"Ayoko lang may mangyaring masama sa 'yo. Ayokong magkatotoo ang panaginip ko, Debbie, kasi hindi ko kaya 'pag nawala ka sa 'kin..." Nakita kong napangiti si Debbie dahil sa sinabi ko. Napangiti na rin ako 'pagkat alam ko sa sarili kong walang bahid ng pagsisinungaling ang mga tinuran ko.

Kung kahinaan mang sabihin sa isang tao ang damdamin ko, gusto kong maging mahina sa harap ng babaeng pinakamamahal ko para maramdaman n'ya na nagsasabi ako ng totoo.

"Hindi ako mawawala." Wika n'ya sabay halik sa 'kin sa noo.

"Marami pa tayong gagawin nang magkasama. Pupunta pa tayo sa magagandang lugar para magkape at panuorin ang sunset. Yun na lang ang isipin mo para hindi ka na matakot. Okay?"

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon dahil sabi ko nga may sa mahiwaga ang mga salita ni Debbie. Di ko alam kung dahil ba in love ako sa kanya kaya napapasunod at napapasang-ayon o may iba pang bagay pero parang wala naman na.

In love na in love kasi ako sa kan'ya.

"Thank you, I love you." Yun na lang ang nasabi ko.

"I love you, too, sweetgirl. Pero thank you saan?"

"Sa assurance. Sa protection, sa care at sa love. Basta. Di ko na maisa-isa!" Natawa s'ya sa sagot ko kaya natawa na rin ako. Saka pinisil n'ya ang pisngi ko dahilan para magsalubong ang mga kilay ko.

Para sa'n 'yun?

"Kahit kailan napaka-cute mo talaga. Walang anoman. Basta ikaw." Magsasalita pa sana ako nang bigla n'yang higitin ang leeg ko papalapit sa kan'ya dahilan para magdikit ang aming mga labi.

Di na ako nagpatumpik-tumpik pa dahil agad kong pinulupot ang braso ko sa leeg n'ya para lumalim ang kan'yang halik. Sabay pa nga kaming napa-ungol dahil sa sensasyon at kiliti na dulot nun. Tapos naramdaman ko na lang ang malambot na kutson ng higaan sa aking likuran nang paibabawan ako ni Debbie.

Habol-hininga kami pareho nang maghiwalay ang aming labi. At nang magtama ang paningin namin, tila ba tahimik na nangungusap ang aming mga mata. Bakas na bakas ang pagmamahal namin sa isa't isa.

At ang mga sumunod na eksena ay alam n'yo na.

🌷🥀🌹

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora