Chapter 12

2.4K 101 25
                                    

"DEBBIE pangalan mo, 'di ba?" Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango si Debbie matapos tanungin ni Lola.

"Eh, kung gano'n, kaya mo bang paligayahin ang apo ko?" Walang habas n'yang tanong dahilan para manlaki ang mga mata ko at mapanganga!

"Lola, abnoy po ba kayo? Bakit n'yo tinatanong ng gan'yan si Debbie?!" Taranta kong wika. Nang mapatingin ako kay Debbie ay nakita kong nakangiti s'ya at mukhang pinipigilang tumawa ng malakas.

"Ni-lola mo pa ako kung tatawagin mo lang din akong abnoy." Hindi bilib na singhal sa 'kin ng lola ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin pero inirapan n'ya lang ako. Napukaw lang kami pareho nang umubo si Debbie. Kapuwa kami napalingon ni Lola sa kan'ya.

"Kung "ligaya" lang po pala, yakang-yaka, Lola." Anya tapos nag-high five sila ng lola ko! Ako naman biglang pinamulahan ng pisngi at parang gusto ko na lang kainin ng lupa sa labis na kahihiyan!

Two days ago, sinabi sa 'kin ni Debbie na gusto n'yang magbakasyon kami at pumunta du'n sa beach na pinuntahan n'ya last time. Pero nag-alangan ako dahil baka hindi ako payagan ni Lola. Over protective kasi s'ya sa 'kin tapos first time rin yata na aalis ako at malayo pa ang pupuntahan kaya sinabi ko kay Debbie na hesitant ako. Pero s'ya ang nagkusa na ipagpaalam ako at ngayon nga 'yun matapos ko s'yang isama sa bahay namin.

Actually, nahihiya pa nga akong iuwi s'ya sa 'min dahil maliit, simple at hindi enggrande ang tinutuluyan naming mag-lola. Pero ni katiting, hindi ko kinakitaan ng arte sa katawan ang boss ko. Syempre, para s'yang artista na pinagtinginan ng mga kapit-bahay namin pagdating n'ya sa aming Barangay. May hinala na ako na pinagtsi-tsismisan na kami ng mga "marites" sa lugar namin.

"Edi sige. Pumapayag ako na sumama si Eli sa 'yo basta ibabalik mo ng buo, walang galos o gasgas ang apo ko, Debbie." Sabi ni Lola tapos tumingin s'ya sa 'kin.

"At ikaw, Eli, wag kang aanga-anga du'n sa lugar na pupuntahan n'yo."

"Lola, kailangan mo po ba talagang sabihin 'yan? Nakakahiya sa boss ko. Saka malaki na po ako." Napapakamot-ulo kong sabi kay Lola pero natawa lang s'ya. Natawa rin si Debbie.

"Ang akin lang, ayokong may mangyaring masama sa 'yo sa sana'y masayang bakasyon n'yo nitong amo mo." Dugtong n'ya.

"Wag po kayong mag-alala, Lola. Iingatan, aalagaan at babantayan ko po ang apo n'yo. Ibabalik ko po s'ya rito sa bahay n'yo ng ligtas, walang galos at buong-buo." Pinamulahan ako ng pisngi dahil sa sinabing 'yun ni Debbie. Kaloka, parang declaration of love ang peg!

"Okay na sana pero may nakalimutan ka pa na pinaka-importante." Pareho kaming napatitig ni Debbie kay Lola dahil sa sinabi n'ya.

"Ano po 'yun, Lola?"

"Nakalimutan mong sabihin 'yung "paliligayahin" mo s'ya." Pagkasabi ni Lola nu'n narinig kong tumawa ng malakas si Debbie. Napasapo na lang ako ng noo at biglang nahiya na nagkaroon ako ng lola na kasing pasaway ng lola ko!

***

"ELI, thank you, ha? Kasi pumayag kang sumama sa 'kin sa bakasyon na 'to. Kung alam mo lang na hinintay ko talangang dumating ang araw na ito. Yung tayong dalawa lang. Nag-re-relax." Sumilay ang ngiti sa labi ni Debbie kaya napangiti na rin ako.

"Iba pa rin kasi 'yung ganito kesa kapag nasa opisina tayo." Hinaplos n'ya ang pisngi ko at pinisil-pisil 'yun dahilan para sumimangot ako. Ginagawa na naman n'ya akong bata!

Nandito na kami sa beach resort na sinasabi n'ya na gusto n'yang pagdalhan sa 'kin. Matatawa ba kayo kung sasabihin kong ito pa lang ang unang beses na nakapunta ako sa beach? Matagal ko na talagang pangarap 'yun kahit noong bata pa ako pero hindi naman nagkakatotoo dahil nga naging busy na ako sa pagtatrabaho.

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon