Chapter 15

3.1K 107 39
                                    

"DEBBIE, baka may makakita sa 'tin." Garalgal ang boses ko matapos dilaan ni Debbie ang leeg ko habang abala ang kamay n'ya sa pagmasahe ng kanang dibdib ko.

Kasalukuyan kaming nasa elevator, pasado alas onse na ng gabi at pauwi na kami sa unit n'ya. Sabi kasi n'ya du'n na lang ako sa kanila matulog since weekend naman bukas. Ehe.

Ipinagpaalam na rin naman n'ya ako kay Lola at partida, wala nang tanong-tanong, pumayag kaagad ito. Kaya nga tuwang-tuwa si Debbie.

"Kanina pa kasi ako nasasabik sa 'yo, kaso dumating naman si Mama. Panira ng moment." Anya dahilan para matawa ako.

Matapos umalis ng mama n'ya, marami kaming inasikasong paper works ni Debbie. Hindi na namin namalayan na inabot na kami ng alas-onse ng gabi. Nagpa-deliver na lang kami ng pagkain at pinagsaluhan 'yun. Tapos nag-decide si Debbie na sa condo na lang daw n'ya ako umuwi para makapagpahinga na kami.

Nang makarating kami sa parking lot, pinagbuksan n'ya ako ng pinto ng kotse n'ya. Such a gentlewoman, sabi ko sa isip ko.

Tapos nang makasakay s'ya sa kotse at maupo sa driver seat, hinalikan n'ya ako sa labi bago ikinabit ang seat belt ko. Aaminin kong hindi ako kaagad naka-imik pero bago s'ya sumandal sa upuan nya, ngumuso ako indikasyon na gusto ko pang halikan n'ya ako. Hindi naman s'ya nagpa-hard to get at agad akong siniil ng malalim na halik dahilan para mapa-ungol ako.

"Kapag nagpatuloy ka pa sa pag-ungol ng ganyan, baka hindi na ako makapagpigil at maangkin na kita ng tuluyan." Bulong n'ya sa 'kin dahilan para uminit ang buong katawan ko.

"Deb... Take me." Walang pasubali kong sabi. Napa-mura naman s'ya at aaminin kong sobrang hot n'yang pakinggan ng mga sandaling yun.

"Are you sure? You know I can wait until you're ready." Napangiti ako saka masuyong hinaplos ang mukha n'ya. Tapos hinalikan n'ya ang aking kamay.

"Paano kung sabihin kong hindi na ako makapaghintay?" Mapanukso kong saad sabay kagat-labi. Tapos wala na akong inaksayang panahon, kaagad kong tinanggal ang seat belt ko saka ipinulupot ang mga braso ko sa leeg n'ya para mahalikan sya. Narinig kong napa-ungol si Debbie nang muling maglapat ang mga labi namin.

"I love you..." Sabi n'ya sa pagitan ng halikan namin. "But as much as I want to take you here, right now, ayoko naman dito ang maging first time mo."

"Then, take me home." Sabi ko. Ningitian ako ni Debbie saka hinalikan sa labi bago n'yang muli ikinabit ang seat belt ko. Maya-maya lang, pinaandar na n'ya ang kotse pauwi sa kanila.

***

NANG makarating kami sa unit n'ya at nang maisara na n'ya ang pinto, hindi na s'ya nag-aksaya ng panahon dahil muli na n'ya akong siniil ng halik. Napa-ungol pa ako nang isandal n'ya ako sa pinto. Muli kong ipinulupot ang mga braso ko sa leeg n'ya at ganun na lamang ang gulat ko nang buhatin n'ya ako!

Napatili pa nga ako dahil hindi ko 'yun inaasahan. Kaya para hindi ako malaglag, ipinulupot ko sa bewang n'ya ang mga binti ko. Narinig ko namang natawa si Debbie.

"Ano ako, baby, para buhatin mo?" Natatawa ko ring tanong sa kanya.

"Paano kung sabihin kong oo, may magagawa ka ba?"

"Natatandaan mo ba 'yung sinabi ko sa iyo noon nang tanungin mo ako kung anong pangarap ko?" Anya habang dahan-dahang naglalakad papasok sa kwarto n'ya. Nagsalubong ang mga kilay ko habang inaalala kung ano nga ba ang sinagot n'ya sa tanong ko noon sa kanya.

"Sabi mo gusto mong magkaroon ng baby. Akala ko literal na baby ang gusto mo, hindi ko alam, ako pala." Pilya kong saad dahilan para humalakhak s'ya. Tapos napatili na lang ako nang sabay kaming bumagsak sa kama.

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Where stories live. Discover now