Chapter 24

1.3K 53 0
                                    

"LOLA, proud po ba kayo sa 'kin?" Napatingin sa 'kin si Lola na nang oras na 'yun ay abala sa paggagayat ng sayote na igigisa namin para maging ulam sa hapunan.

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Syempre, oo ang sagot ko. Proud ako sa 'yo, Apo." Aniya dahilan para mapangiti ako. Pero umakto akong hindi kumbinsido.

"Baka naman sinabi n'yo lang 'yan kasi ayaw n'yong ma-hurt ang feelings ko, ah?" Pang-aasar ko.

"Eh, bakit kasi tinatanong mo pa ang bagay na 'yan?"

"Wala lang po. Pero ang totoo, napa-isip ako. Kasi sa edad kong 'to, parang wala po akong puedeng ipagmalaki sa inyo para maging maging proud kayo sa 'kin. Di tulad nu'ng mga apo ng mga ka-tsismisan n'yo d'yan sa labas..."

"Siraulo ka talaga." Natawa ako bago ipinagpatuloy ang sinasabi ko.

"Wala pa akong masyadong napapatunayan para ipagmalaki n'yo 'ko."

"Eli, marami ka nang napatunayan. Hindi ko alam kung ano-ano ba ang mga bagay na sinasabi mong meron sa mga apo ng mga ka-tsismisan ko d'yan sa labas na wala ka para sabihin mong hindi ako proud sa 'yo. Ah..." Itinigil ni Lola ang paghihiwa ng gulay saka napaisip. Tapos tumingin s'ya sa 'kin bago pinapatuloy ang kan'yang sinasabi.

"Dahil ba sa estado mo kaya 'ka mo walang nakaka-proud sa 'yo? Apo, hindi ka naman palamunin. May trabaho ka. Nakakapag-abot ka sa 'kin. Malaking bagay na 'yun para tayo mabuhay sa araw-araw lalo na't hindi na ako nakakatulong sa 'yo sa paghahanap-buhay. Alam mo na, bibig ko na lang 'tong malakas pa pero mahina na ang tuhod at balakang ko para magtinda ng matagal du'n sa merkado." Nalungkot naman ako kasi naalala kong pinatigil ko na si Lola sa pagtatrabaho sa palengke dahil madalas na s'yang atakihin ng rayuma. Ayoko namang may mangyaring masama sa kan'ya kasi una, wala akong sapat na ipon para maipagamot s'ya at huli, hindi ko kakayanin sakaling mawala sa 'kin ang lola ko. S'ya na lang ang pamilyang meron ako simula nang mamatay ang nanay ko.

"Pero sapat na po 'yun? Pakiramdam ko kasi kulang pa ang lahat ng effort ko. Nagsisikap naman ako pero hindi sapat ang pagsisikap na 'yun para umasenso tayo. Tapos ngayon kakatanggap ko lang sa bago kong trabaho, ibig sabihin, kailangan ko na namang mag-umpisa." Masaya ako na meron na ulit akong bagong trabaho sa kompaniya ni Maggie pero hindi ko maikakaila na kinakabahan ako kasi kailangan ko na namang i-familiarize ang sarili ko sa mga bagay-bagay. Nandu'n 'yung pagdududa na baka hindi ko kayanin, na ma-burnout ako o ma-insecure ng iba kong kasamahan kesyo sila may mga tinapos o 'di kaya matagal na sa naturang kompaniya.

"Sorry, Lola, ah?"

"Sorry saan?"

"Kung naging padalos-dalos ako sa mga desisyon ko."

"Hindi mo kailangan humingi ng pasensya kasi wala ka namang mali. Sinabi mo naman na maayos mong ipinaliwanag kay Debbie ang rason kung bakit kailangan mong umalis sa kompaniya n'ya. Ayaw mo 'ka mong magpa-special treatment porke girlfriend mo s'ya. Para sa 'kin, tama lang 'yun dahil hindi patas sa iba n'yang empleyado. Baka pagmulan pa 'yun ng silipan at inggitan sa kompaniya n'ya." Napangiti ako sa sinabi ni Lola. Gusto kong magpasalamat sa universe dahil nagkaroon ako ng understanding na lola sa pagkatao n'ya.

"At itong bago mong trabaho, ramdam kong kabado ka pero natatakot ka lang naman kasi hindi ka pa pamilyar. Eli, apo, kilala kita dahil ako ang nagpalaki sa 'yo. Matapang kang bata at hindi ka marunong sumuko. Marami mang bagay ang pinagkait sa 'yo ng kahirapan natin, pero 'yung ningas ng pagpupursige at pagpapatuloy d'yan sa puso mo eh hinding-hindi nawawala gaano ka man ka-takot at gaano man kahirap ang sitwasyon. Papasaan din ang lahat at magagamay mo rin ang bagong mundo na papasukin mo. Tandaan mo na anoman ang mangyari, nandito lang ako para suportahan ka. Sa katunayan, plantsado na ang damit na isusuot mo bukas para sa pers day mo sa trabaho! Eh, nanghiram ako du'n sa kapitbahay natin ng plantsa. Tapos napakintab ko na rin ang sapatos na gagamitin mo..." Hindi ko na napigilang maluha dahil sobrang na-touch ako sa sinabi at ginawa ni Lola.

"Thank you, Lola. Hindi ko po alam ang gagawin kung wala kayo. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo simula pa lang nang alagaan n'yo 'ko matapos mamatay ni Nanay."

"Alangan namang pabayaan kitang mapariwara eh apo kita? Kahit na minsan ang epal mo kasi madalas mo 'kong kontrahin, syempre, mahal na mahal kita. Eli, apo, may tiwala ako sa mga desisyon mo kasi matalino kang bata. Kaya wag mo na akong tanungin kung proud ako sa 'yo dahil kelan ba naman hindi? Lagi mo 'kong pinabibilib sa payting espirit mo!"

"Kanino pa po ba ako magmamana? Edi sa inyo!"

"Dapat lang kasi isasahog kita rito sa ulam nating gulay." Napahalakhak ako dahil kahit kelan napaka-bayolente ng lola ko!

***

"Hi, tulog ka na ba?" Napangiti ako matapos kong marinig ang malambing na boses ni Debbie sa kabilang linya. Actually, patulog na talaga ako ngayon kasi maaga pa gising ko bukas for work and maaga ako nag-goodnight sa kan'ya pero after ko mag-half bath naka-receive ako ng text message from her na nagtatanong kung puede s'yang tumawag kahit sandali.

"Hindi pa naman pero nakahiga na ako." Malumanay kong sagot.

"I miss you, Eli. At nalulungkot lang ako kasi hindi kita makikita bukas dito sa opisina ko." May bakas na pagmamaktol sa sinabi n'ya kaya napangiti ulit ako. Pero aminado ako na nalulungkot din ako kasi. S'ya pa naman ang bumubuo sa araw ko.

Cheesy 'no?

"Pero masaya ako kasi may bago ka nang trabaho. Basta pupunta ako d'yan bukas sa inyo para ihatid ka du'n sa opisina ni Maggie." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi n'ya dahil hindi ko 'yun inaasahan.

"Wag na. Kaya ko namang mag-commute."

"Wag mo nang kontrahin kasi gusto nga kitang makita. Saka paano kung mahirapan kang sumakay? Tapos ma-haggard ka lang sa pollution edi mukha ka ng bruha pagdating mo sa office n'yo..."

"Thanks, Babe." Nakasimangot kong saad dahilan para matawa s'ya sa kabilang linya.

"Just kidding. But hey, I still love you even though you look like a potato-"

"Ah, gano'n? So, sinasabi mo na mukha nga akong patatas? Deborah, ha?"

"Joke nga lang, eh! Ang ibig ko lang sabihin kahit magmukha kang patatas, mahal pa rin kita. At hinding-hindi 'yun magbabago."

"Hmmm..." Paano ko ba sasabihing kinikilig ako? Ewan ko ba naman sa babaeng 'to, mabulaklak ang dila masyado! Pero gusto ko naman.

"Okay, see you tomorrow. Gusto rin kitang makita para gumanda ang araw ko." Malandi kong sagot. Ramdam ko ang ngisi n'ya sa kabilang linya kaya naman nahawa na rin ako. Para nga akong baliw na kumakawag-kawag pa ang paa sa higaan.

"Tomorrow I'm gonna kiss you nonstop. I will make sure na alam ni Maggie na akin ka." Alam kong biro lang n'ya 'yun pero imbes na kiligin or matuwa ay hindi ko napigilang malungkot at makagat ang pang-ibaba kong labi. Bigla ko kasing naalala ang sinabi ni Maggie tungkol sa feelings n'ya kay Debbie. Kahit na nilinaw naman ni Maggie na noon pa 'yun and medyo matagal na ay may kung ano pa ring agam-agam sa puso ko na unti-unting nabibigyan ng puwang.

Si Debbie ang ikalawang tao na hindi ko kakayaning mawala sa 'kin at ayoko s'yang maagaw ng iba.

🍁🍂🌼

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang