Chapter 9

2.4K 110 10
                                    

POSIBLE bang gumising tayo isang araw tapos na-realize na lang natin na mahal na natin ang isang tao? Siguro, oo, lalo kung palagi kayong magkasama. Nakakakuwentuhan mo s'ya at habang lumalalim ang pagkakakilala mo sa kan'ya, tinuruan mo na rin ang puso mo na magustuhan sya sa lahat ng klase ng pagkataong meron s'ya.

Yan ang eksaktong damdamin ko kay Debbie na walang iba kundi ang boss ko. Pero alam ko na hindi kami puede dahil secretary lang ang tingin n'ya sa 'kin. O, 'di kaya kaibigan na makakausap at mahihingan ng payo tungkol sa mga bagay-bagay at hindi na 'yun hihigit pa du'n.

Masakit pero sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na palalalimin 'yung nararamdaman ko para sa kan'ya. Na baka naguguluhan lang ako at nagpapadalos-dalos ng desisyon at nagpadala saking emosyon. Pero nang makaramdam na ako ng selos at panibugho sa tuwing nasa palagid ang asawa n'ya, napatunayan kong tinamaan na nga ng lintek ang puso ko na nagmamahal sa kan'ya!

Kung tatanungin n'yo ako kung ano ba ang espesyal kay Debbie, sasabihin ko marami. Maganda s'ya, given 'yun. Nu'ng unang beses pa lang na nakita ko s'ya sa chapel, para na akong sinto-sintong napatitig sa kan'ya ng husto! Kahit ako ang nagsabi na nakatulala s'ya, hindi n'ya alam na natameme rin ako sa kagandahan n'ya.

At nang muli kaming nagkita sa kompanya n'ya noong nag-a-apply pa lang ako, ni katiting, hindi kumupas, sa halip, lalo pa ngang lumitaw at nangibabaw ang pagiging diyosa n'ya. Tapos may pagka-flirty din s'ya sa 'kin o sadyang clingy lang talaga kaya pa'no ko pipigilang wag ma-attach sa kan'ya?

Minsan gusto ko s'yang tanungin, bakit kailangan n'yang iparamdam sa 'kin na espesyal ako sa kan'ya lalo na kapag wala ang asawa n'ya? Pinaglalaruan ba n'ya ako? O, ako itong umaasa at nag-a-assume tapos masasaktan lang ako sa dulo?

Hindi ako eksperto pagdating sa pag-ibig dahil wala pa naman akong nakakarelasyon. Kahit twenty-five years old na ako, hindi ko naging priority ang i-involve ang sarili ko sa ibang tao in a romantic way. No wonder tatanga-tanga ako ngayong naranasan ko kung pa'no ba ma-in love.

"Eli, apo, bakit parang kulang na lang pasukan ng langaw 'yang bibig mo? Hindi mo ba 'yan ititikom?" Panira ng mood na sabi ni Lola. At dahil na-conscious na ako, kaagad kong tinikom ang bibig ko at tiningnan s'ya ng masama. Nakapangalumbaba kasi ako at hindi ko na namalayan na natulala na rin ako kaiisip pa'no ko pipigilan ang sarili ko na wag nang mahulog ng husto sa boss ko. Hay, hirap!

"O, ayan, ang sama mo pa makatingin! Dukutin ko kaya 'yang mga mata mong lintek ka?" Banta ni Lola kaya natawa ako. Kahit kelan, hindi makuha sa tingin 'tong lola ko, oo!

"Pero ano ba kasing problema mo? Napapansin ko, kanina ka pa wala sa sarili. Saka maaga ka na namang umuwi. Hindi ako sanay dahil madalas kang nag-o-overtime kasama ang boss mo. Sino nga ba 'yun, 'yung maganda na naghahatid sa 'yo rito?"

"Debbie po ang pangalan n'ya, La. At tama kayo dahil hindi na nga kami madalas mag-overtime kasi busy na s'ya ngayon. In fact, ilang araw na s'yang wala sa office namin dahil kasama n'ya ang asawa n'ya sa isang event." Sabi ko habang binabalikan sa alaala ko 'yung araw na sinabi ni Debbie na isang linggo rin s'yang mawawala dahil may aasikasuhin sila ni Sir Vincent. Hindi ko alam bakit bigla akong nalungkot nu'n samantalang asawa naman n'ya ang kasama n'ya.

"Bakit mukha kang malungkot? Miss mo na ba boss mo?" Pagsasa-vocal ni Lola sa feelings ko. Dahil du'n, nag-blush ako ng todo!

"Aha, tama ako!" Sabi pa n'ya sabay tawa. Kahit kelan napaka-mapang-asar ng lola ko!

"Natural lang 'yun, Lola, kasi walang nag-uutos sa 'kin o kaya nagagalit kapag mabagal ako kumilos o kapag natutulala ako dahil wala akong naiintindihan sa sinasabi n'ya." Dipensa ko pero hindi naniniwala sa 'kin ang reaksyon ng mukha ng lola ko. Patay tayo d'yan. Magaling pa naman itong bumasa ng iniisip.

Always, loving you (gxg) (COMPLETED)Where stories live. Discover now