Chapter 34 - Would you make my mommy happy?

12K 151 5
                                    

Chapter 34 - Would you make my mommy happy?

"Lolo!" masiglang bati ni Louis kay dad na nagaabang sa amin, nauna na siyang bumaba ng eroplano at tumakbo kay dad. Kinarga agad siya ni dad at nakikita mo talaga na masaya na si dad na makita yung apo niya. "Lolo!" bati ulit ni Louis. 

"How are you my little boy?" dad asked him. 

Louis pouted "I'm not little anymore!" pag protesta niya. 

"You're not?" dad asked him playfully. "Bet mommy still call you baby." he teased. 

Humarap sa akin si Louis "Mommy you can't call me baby anymore!" he said. 

Lumapit na ako sa kanila at hinalikan si dad sa cheek "Hello dad." bati ko sa kanya tumango lang siya at ngumiti sa akin, "But you're still my baby." sabi ko naman kay Louis. 

"Come on let's go home." sabi ni dad. Dad finished his term being the president kaya balik siya bilang isang normal na tao lang. HIndi siya tumakbo muna pabalik ng buhay politika, sabi niya magpapahinga muna siya sa politika. 

My uncle is the president now. Two consecutive presidential election na na nananalo ang pamilya ko. Siguro nga nasa dugo na namin ang ganitong buhay. 

Madaming media yung naghihintay sa amin sa labas, sympre naman sa Pilipinas para akong artista dahil isa ako sa British Royal Family and of course my son is still the fourth in line to the throne. 

He replaced his dad as the Prince of Wales. 

Sumakay na kami sa kotse at tuwang tuwa si Louis sa mga tao sa labas na nagkakagulo para lang matanong nila ako ng mga katanungan nila. Ngayon lang kasi nakakita si Louis ng madaming tao, dahil nga natatakot ako para sa kanya kaya hindi siya lumalabas ng Buckingham. Para siyang si Rapunzel na nakatago lang sa palasyo. 

"Mommy look!" nakaturo si Louis sa labas at tinuturo niya yung mga unggoy sa labas. "Lolo can you give me one of those on my birthday?" he asked dad habang nakatingin sa mga unggoy. 

"I don't know if your grandma will approve having a monkey inside her palace." natatawang sabi ni dad kay Louis. 

"Grandma loves me!" he said. "Mommy can you call grandma? I want those!" he whined. 

"Later." sabi ko. 

Dumating kami sa mansyon na medyo gabi na at tulog na din si Louis siguro sa pagod kasi wala siyang ginawa kundi ang turo ng turo nung nasa byahe kami. It's his first time after all. 

Kakalagay lang ng maid kay Louis sa kwarto nito at inaya ako ni dad na magusap kaya nandito kami ngayon sa study at nakaupo ako sa sofa habang siya naman ay nakatayo at nakatingin sa labas. 

Ms. Perfect Meets her Mr. MistakeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora