EPILOGUE

0 0 0
                                    

                EPILOGUE

1 year later....

"Hoy bhes!" Tawag sa'kin ni Sharine. "Ano na, tutunganga ka lang d'yan?! Tara na! Mali-late na tayo sa simbahan." Sabi niya pa.

Tapos na akong ayusan ngayon ng makeup artist na kinuha mismo ni Sharine para sa'kin. Siya naman kasi ang nagpumulit na pumunta ako sa kasal na 'yon e. Kahit na ayaw ko naman.

She snapped her fingers when I didn't turn my gaze to her.
"Ano na! Na-engkanto ka ba ngayon bhes?! Kanina ka pa kasi walang imik d'yan at nakatitig lang sa salamin." Humarap rin ito sa salamin at nagtama ang paningin namin. Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Hindi nga kasi ako pupunta do'n." Nakabusangot na sabi ko habang nilalaro ang aking kanan kamay. I was just tracing the lines on my hand.

"'Di nga p'wedi bhes! Papatunayan mo lang na affected kapa rin d'yan sa ex mo." Mapilit nitong sabi.

"Totoo naman e! I'm still affected kahit na matagal na kaming tapos! Kahit na ako rin naman ang dahilan kung ba't nasa iba na siya ngayon!" Walang emosyong sabi ko sabay tayo sa upuan ko.

"It's not your fault bhes, okay?!" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko ng mga kamay niya at iniharap ako sa kanya. "It's not your fault that you're afraid to trust again! It's not your fault that you're scared to be left alone again! And it's not your fault if what you did is just telling him the truth! Kasalanan bang masasabi kung sinabi mong 'di mo na siya kayang pagkatiwalaan ulit kahit na mahal mo parin siya hangang ngayon. You already did your best Ayla!... You knew it yourself! Because you still gave him a second chance so you can work it out! But you know what bhes, there are things we cannot have though we love it and did our very best to have it." Pagkasabi niya no'n hinaplos-haplos niya pa ang ulo ko gamit ang kanyang kanang kamay saka ako hinalikan sa noo.

Masakit e! Masakit parin! Tangina! Bakit ganito?!

One week matapos kung sabihin sa kanya ang tungkol sa mga anak namin ay pinuntahan niya ako sa bahay ko mismo at sinabing wala raw akong kasalanan sa nangyari. Humingi rin siya ng tawad sa'kin sa naging asal niya at tinanong ako kung p'wedi bang bigyan namin ng second chance 'yong relasyon namin. Nagdadalawang isip man ako that time pero pumayag parin ako kasi malay mo deserve naman talaga namin ang second chance. Pero, it turned out na ang kailangan pala namin ay ang umusad at mag move on not a second chance. Na-realize ko na hindi naman pala talaga ipinipilit ang 'di talaga para sayo kasi mas lalo ka lang masasaktan.

Ba't ba kasi laging mali ang timing ng pagmamahalan namin?! Tadhana na mismo ang nagsasabing 'di kami nakalaan para sa isa't-isa kaya binitawan ko na siya. Imagine tatlong buwan naming sinubukang ayusin pero wala talaga e. Sira parin ang tiwala ko sa kanya. Alam kung ako ang may problema sa'ming dalawa kaya hindi ko na siya dapat pang i-damay dito. Kaya naman nang sinabi niya sa'king gusto niya ng bumuo ng sarili niyang pamilya at magkaanak kasi 'di na siya bumabata, I let him go. I let him do it. Kaya ayan, ikakasal na siya ngayon sa babaeng magiging ina ng anak niya.

Naluluha ako sa mga sinabi niya sa'kin. Subra akong na-touch.
"Yeah," tumango ako at niyakap ko siya ng mahigpit.

Gusto ko lang maramdamang may kasama ako sa laban kung 'to! Hindi naman ako iiyak e. Kasi tanggap ko na, na wala na talaga kaming pag-asa. Binigyan ko na ng second chance e pero wala parin! Wala talaga! Tadhana na ang nagpasya kahit noon pa man na hindi talaga kami para sa isa't-isa pero ipinilit ko pa! I was the one to blame for my own pain, 'cause I was the one who bought it upon myself!

Wala na! Wala na talaga! Tanggap ko ng tatanda akong mag-isa!

"Tara na." Sabi ni Sharine sa'kin matapos niyang kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

The Flirty One [COMPLETED]Where stories live. Discover now