CHAPTER 21

0 0 0
                                    

             CHAPTER 21

"Ka—" tawag sa'kin ng 'di pamilyar na boses.

Nandito na ako ngayon sa napag-usapan na lugar nila Karen at no'ng mastermind slash blackmailer. Nang marinig kung may tumawag ay agad naman akong humarap upang masilayan ko na ang taong puno't dulo ng gulo sa buhay ko. Ngunit laking gulat ko ng makita ko siyang gulat na gulat sa nakita niya. Para bang nakakita siya ng multo nang harapin ko siya bigla.

"Y-You're not Karen," sabi nito sabay turo sa'kin habang 'di parin nagbabago ang ekspresyon sa mukha.

Multo ba ako sa paningin niya?! Grabe naman kung magulat siya! Parang patay na ako tapos muling nabuhay.

Maya-maya pa ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. 'Yong gulat napalitan bigla ng galit na 'di ko  maipaliwanag kung bakit. Ano bang problema nito?! Abnormal yata 'to e. Mabilis mag mood swing!

Naglakad ako patungo sa kanya. Wala ako ngayong nararamdaman kahit na anong takot kasi bago ako dumating dito nagpakalat na ako ng mga pulis sa palibot sa lugar. They're just hiding for the meantime kasi paaminin ko pa ang babaeng ito.

"Seems like you've seen a ghost Madame," Nakakaasar akong ngumisi sa kanya. "Ops! You got a mosquito in your face." Sabi ko pa bago ko siya sinampal ng malakas kahit na wala naman talagang lamok e. 'Di ko alam kung bakit pero nang makita ko palang ang mga mata niya ay kumulo kaagad ang dugo ko. Sa subrang bait ko, ngayon ko lang ito naramdaman. Galit, pagkasuklam, at pagsisisi. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Ang weird nga e! Naguguluhan din ako sa sarili ko.

"WHAT THE HELL!" Madiin na sigaw nito matapos ko siyang gawaran ng isang malutong na samapal sa kanan niyang pisngi. Hawak-hawak niya ngayon ang parte ng mukha niyang sinampal ko. "Sana pala talaga namatay kana lang! Wala kang k'wentang anak! Pareho kayo ng tatay mo! Sana natuluyan kana lang!" Galit na galit na sambit nito saka ako sinakal.

A-Anong meron!? S-Sino ba siya!? Tangina naguguluhan ako!!!

"Alam kung alam mong ako ang may pakana lahat ng 'to. Kasi balita ko matalino ka raw na tao." Sabay ngisi na parang baliw bago niya ako isinandal sa poste at hinigpitan ang pagkakasakal sa'kin. "Hindi na ako magtataka kasi anak ka ng tatay mo!"

"A-Anong sinasabi ninyo?" Nahihirapang tanong ko. "Hindi ko kayo maintindihan?" Naguguluhang tanong ko dahil 'di ko talaga siya gets. Si daddy ba ang tinutukoy niya? Kalaban ba siya ni daddy sa pulitika?

"Matalino ka 'di ba!? Ngayon mo paganahin 'yang katalinuhan mo? Huwag mong i-tanong sa'kin ang obvious! I already gave you the clues! I hope it ring a bell!" Tumawa pa ito pagkasabi niya. Baliw na yata talaga ito. Takas ba, 'to sa mental hospital!? Lakas ng tama e!

Nahihirapan man ako sa sitwasyon ko pinilit ko paring isipin.

"Clues?! She already gave me clues?! What clues?!" Tanong ko sa'king isipan.

Wait ano bang sabi niya kanina? Napa-isip ako bigla.

'Sana pala talaga namatay kana lang! Wala kang k'wentang anak! Pareho kayo ng tatay mo! Sana natuluyan kana lang!'

'Yan ang eksaktong sinabi niya sa'kin so I concluded that she's from my past. A person who want me to die before.

"'Yon tumpak! Who was the person who want me to die before or who wants to get rid of me?" Tanong ko sa'king utak.

As far as I know wala naman. Pero wait lang! Gosh! Sabi sa'kin ni mommy I was left sa malapit sa dalampasigan nang matagpuan nila ako ni daddy. Bagong panganak. Iniwan ng magulang. And I looked pale that time. Ibig sabihin sinadyang iwanan ako doon para mamatay. Ng?

The Flirty One [COMPLETED]Where stories live. Discover now