CHAPTER 3

1 0 0
                                    

             CHAPTER 3

All of my classes went well. And after two days we will have our final exam and then the last one week will be reserved for our preparation for the graduation. The photoshoot, the rehearsal of our graduation songs, the proper line which is usually alphabetically and etc.

Aside from that alam kung meron pang ibang plano ang school namin para maging memorable ang graduation. I just don't know yet what else are thier plans. I heard lots of gossip all of the students who will graduate will dance Tiktok on the stage before they will receive their awards and diploma. I don't know if that's true but anyway I don't mind dancing on the stage, I'm used to it since I was a kid.

Lagi naman kasi akong active sa school namin simula bata pa ako so everytime na may program at naghahanap ng sasayaw o kakanta I always volunteered.

Hindi lang ako masalita pero hindi ibig sabihin no'n mahiyain na ako.

Pagkatapos ng klase namin ni Sharine inaya niya akong puntahan si Anton. Kaibigan naming beks. Na-miss niya daw kasi bigla e. Ako rin naman matagal na rin since we all hangout so why not pagbigyan ko 'di ba? Kahit na may pinagdadaanan ako ayaw kung umiwas sa kanila. Kasi kaibigan ko sila e.

"Baks!" Nakangiting salubong ko kay Anton. Naka-sout pa ito ng kanyang uniform na pang therapist. 'Yon kasi ang pangarap niya e at alam naming lahat na do'n siya magaling at sasaya. Kaya naman masakit mang mahiwalay sa kanya oks lang kasi para 'yon sa pangarap niya. We're just always here to support him. Kahit ano pa 'yan basta ba ikasasaya niya why not 'di ba?

He's studying sa ibang university e. Medyo malayo sa campus namin pero keri lang kasi masaya naman kaming lahat. Bigla kung nakalimutang broken nga pala ako dahil sa mga kaibigan ko.

"Ayla!" Sigaw niya ng pangalan ko sabay takbo palabas ng school nila. At nang makarating siya sa labas agad niya akong niyakap ng mahigpit. Medyo naluha tuloy ako. Ewan ko ba kung bakit masyadong emotional ako. Siguro dala lang 'to ng pagka-broken ko. At siguro kasi dahil naramdaman kung hindi ako mag-isa sa laban na 'to. That I have my friends. 'Yon ang naramdaman ko sa higpit ng pagkakayakap niya sa'kin.

Mas lalong naiyak lang tuloy ako.

"Hoy bakla ka. Ba't ka ba umiiyak d'yan? 'Di pa ako patay 'no para iyakan mo." Pabirong sabi niya nang humiwalay siya sa'kin.

"Wala 'to baks." sagot ko sabay punas ng aking mga luha. "Don't mind me I just missed you so much." Dagdag ko pa matapos kung kalmahin ang aking sarili.

Natawa siya ng malakas.

"Emotional damage ka bakla." Tawang-tawa parin ito.

"Sira! Masaya lang 'yan." Sabat ni Sharine.

"Oo nga." Pag-sangayon ko pa.

"At nagkampihan pa talaga ang mga gaga. So ano ako dito kuntrabida? Gano'n?" Nakangising tanong niya. Ito 'yong na miss ko talaga sa kanya e. Masyado siyang sira. Ang lakas ng tama niya sa ulo. Masaya siyang kasama.

"Hindi naman. Grabe ka naman sa sarili mo 'di ka kuntrabida baks extra ka, 'di kuntrabida." Banat rin ni Sharine. Nagtawanan tuloy kami ng malakas.

"Ikaw Ayla wala ka pang entry ngayon a." Seryusong tumitig sila sa'kin ng sabihin 'yon ni Anton. Patay na, napansin na siguro nila ako. Baka nakakahalata na sila sa'kin. Usually kasi kapag buo kami ako lagi 'yong nauunang mag-biro e. "May problema ka ba?" Biglang tanong niya.

"Oo nga. Napansin ko rin e." Pag-sangayon ni Sharine. Oh my God mabubuko na ba ako? 'Di ko pa kayang sabihin e.

Lie Ayla lie. 'Yan ang sinasabi ng utak ko ngayon. 'Wag ko na muna sigurong aminin sa kanila. Siguro it's better if I'll buy some time. Kasi 'di pa talaga ako ready e. Ano bang magagawa ko kung hindi ang magsinungaling.

The Flirty One [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant