CHAPTER 15

1 0 0
                                    

            CHAPTER 15

Panganay na anak ng isang yumaong kilalang politician, na ngayo'y kasalukuyan ng may-ari ng kanilang mga hotels ay pinag-awayan ng dalawang lalaki at sa kanya pa mismong main branch hotel.

Magkikita natin sa video na may kahalikan siyang isang lalaki sa lobby ng kanyang hotel at maya-maya pa ay may bigla na lang sumugod ditong isa pang lalaki at agad nitong ginawaran ng malakas na suntok ang lalaki sa mukha. Hangang sa nagrambulan na nga ang dalawa. Base sa'ming nakalap na impormasyon ang lalaking nanuntok ay ang kanyang ex mismo. Nagkakilala sila matapos mamatay ang kanyang ama. Tumagal sila ng dalawang taon at naghiwalay dahil nag-aaral sa abroad ang lalaki.

Dahil sa nangyari ngayon ay nagkakagulo na ang mga share holders sa loob ng conference room. Nagagalit sila dahil nadamay ang panglan nila at reputation sa scandal na ito.

Ang iba pang balita kaugnay sa pangyayaring ito ay masasaksihan sa pagbabalik ng TNM, Trending News Manila.

"Shit! Letse! Kahit kailan mga pahamak sa buhay ko ang mga lalaki." Tarantang sabi ko matapos kung mapanood ang balita sa'king cellphone. "Patay na Ayla! Patay na! Oh my God! What should I do!?" Sabi ko habang kinakagat ang aking kuko sa'king kaliwang kamay.

Na'ndito na ako ngayon malapit entrance ng aking hotel ngunit Hindi ako p'wedi ditong dumaan dahil dudumugin lang ako ng maraming press. Kaya naman sa likod ako ngayon ng hotel dumaan upang makapasok ako sa loob. Iniwan ko 'yong kotse ko malayo sa mga press para 'di nila malaman na na'ndito na ako.

Buti at may scarf ako sa loob ng aking kotse. Ginamit ko ito panakip sa'king mukha at nagsuot rin ako ng shades. Parang artista na tuloy ang peg ko ngayon. Ano 'to? Tagu-taguan! Kainis! Papatayin ko talaga 'yong dalawang lalaki na 'yon na laman rin ng balita ngayon kapag nilayasan ako ng mga share holders! Lintik lang ang walang ganti!... Oo, may kasalanan ako kasi nagpahalik naman ako e pero nadala lang ako e. Ano bang magagawa ko nagging marupok e. Sinaniban yata ako ng masamang espiritu kanina kaya ngayon ay may malaking himala. Himalang trending ngayon ako HAHAHA.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan na nga akong nakapasok sa loob ng wala man lang nakapansin sa'kin.

"Thanks God! Kahit paano may s'werte parin ako." Tanging nasabi ko habang naglalakad patungo sa elevator.

Pagbukas ng elevator sumakay na agad ako at pinindot ang floor kung saan na'ndoon ang conference room. S'werte ko talaga kasi hangang sa makaabot ako doon walang ibang tao mula sa labas akong nakasalamuha.

"N-nasaan na sila!?" Nanginginig na tanong ko kay Lexa nang naabutan ko siyang naglalakad pabalik-balik sa labas ng pintuan ng conference room habang kinakagat ang kuko ng kanyang kanan na hinlalaki.

"Ma'am buti po at na'ndito na kayo." Nakahinga ito ng malalim. "Nasa loob po silang lahat galit na galit." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi.

"O-Okay!" Kabadong tugon ko.

"Call all of our friends in media and tell them to find ways to shutdown the news. Use all of our connections para mawala na parang bula ang balitang inilabas ngayon pati sa lahat ng social media platforms kung saan makikita ang balitang 'yon." Utos ko sa kanya.

"Yes Ma'am! I'll do my best." Tugon nito sabay tango.

"And call Mang Karding and tell him to tighten our security. Pakidagdagan ang bantay sa labas. Huwag ninyong hahayaang may makapasok na press. Got it?" Sabi ko pa.

The Flirty One [COMPLETED]Where stories live. Discover now