CHAPTER 17

0 0 0
                                    

             CHAPTER 17

Isang linggo na ang nakakaraan. Maayos na ngayon ang iskandalong ginawa nina Jameson at Jayron. Totoo nga ang kasabihang 'madaling makalimot ang mga tao.' Dahil sa nangyari mas pinagbutihan ko pa ang pamamahala ng aking mga hotels. Nasa pangangasiwa na rin ni Amira ngayon ang isa sa'ming mga hotel. Kaya ang nasa-akin na lang ngayon ay ang una at pangalawang hotel at sa kanya ang pangatlo. Maayos naman ang pamamalakad niya sa mga nakaraang buwan. Alam kung kaya niya itong i-handle ng maayos. May tiwala talaga ako sa kanya e.

"Babe what was your dinner?" Tanong sa'kin ni Jayron sa kabilang linya. Kanina pa 'to tawag ng tawag sa'kin parang 'di nagsasawa a.

"You." Biro ko dito.

"I like it." Pagsabay niya rin. Landi talaga! "But don't worry babe 'cause I like you too!" Boom! Panis! Grabing hirit niya ngayon ha.

"Like lang?" Natatawang tanong ko ngunit pinipigilan ko ang aking sariling matawa.

"I mean I love you!" Bawi niya sa sinabi.

"Thanks." Pang-aasar ko.

"Anong thanks ka d'yan? Seriously, salamat ang i-sasagot mo sa sinabi ko!?" Medyo inis na turan nito.

Ano bang gusto niyang marinig mula sa'kin? 'Yong salitang I love you too. Asa siya! Wala namang kami e. 'Di ko pa kaya siya sinasagot.

"What do you want me to say?" Tanong ko.

"That you love me too!" Saad niya.

Ano ka sini-swerte? F.Y.I ugok I already know your darkest secret. I will never be guilty that I hired a private investigator para malaman ko lahat ng tungkol sa kanya. Ngayon alam ko na! Alam ko ng hindi ako mag-isa. Na marami kaming nililigawan niya. Landi 'di ba!? May reserba siya kapag hindi siya pumasa sa isa! Kung 'di ko lang sinasakyan ang trip niya 'di talaga ako makikipag-usap sa kanya. Kailangan kung mapaamin siya. Kaya nagtitiyaga ako sa kanya.

"Darating tayo d'yan babe. Chill!" Sabi ko pa sabay tawa.

"Anong nakakatawa!?" Inis nitong tanong sa'kin.

"Ikaw. Masyado ka kasing mainipin babe e. Let's just wait for the right time."

"Isn't this time, is the perfect time?" Mapang-akit nitong tanong.

Hala! Perfect time na ba 'to? Sa confession niya oo. Pero sa I love you too, 'di bale na lang.

"Ilan ba kami?" Pag-iiba ko ng topic. Umamin kana kasi alam ko na!

"H-Ha? Anong ilan kayo?" Kunwari pang 'di niya alam. Hoy malandi! Alam kung alam mo ang tinutukoy ko.

"Nevermind." Sabi ko. Gusto ko kasing personal ko siyang makausap tungkol sa bagay na 'to.

"O-Okay. You're weird babe. Since last week kapa ganyan." Napapansin niya pala. Buti naman. Akala ko manhid rin siya.

"Pagod lang siguro. Sige na ibababa ko na 'tong tawag." Paalam ko.

"Okay. Bye babe!" Saad nito saka ko binaba ang tawag. Naalala ko kasi na magkikita pala kami ni Jameson ngayon e. Gusto niya raw makipagusap sa'kin over dinner. Sakto 'di pa naman ako kumakain ng dinner e.

Nag-ayos muna ako ng aking sarili at saka nagpalit ng aking suot na damit. Nakapambahay kasi ako e. Alangan namang ito na 'yong suot ko papunta sa restaurant. No way! Nakakahiya kaya.

I just wore a regular fit jeans and a v-neck white crop top shirt partnered with my black stiletto. And I also bring with me my channel bag.

Matapos kung humarap sa malaking salamin ay naglakad na ako paalis sa'king k'warto at naglakad pababa ng hagdan. Ni-lock ko ang pinto ng bahay matapos kung kunin ang susi ng kotse ko sa ibabaw ng mesa sa sala. Nagmaneho ako papunta sa restaurant na sinabi niya sa'kin. Buti na lang at 'di naman masyadong traffic ngayon which is, isang himala. Kaya naman mabilis akong nakapunta sa restaurant.

The Flirty One [COMPLETED]Where stories live. Discover now