CHAPTER 22

2 0 0
                                    

            CHAPTER 22

Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil nakaligtas si Amira. Tatlong araw na ngayon matapos siyang ma-operahan at masasabi kung umaayos na ang lagay niya. Any time soon makakauwi na siya.

"Here," pag-abot ko sakanya ng binalatan kung apple.

Nginitian niya ako.
"Thanks Ate!" Bago niya ito kinuha.

"Kamusta naman pala Ate 'yong hotels natin?" Biglang tanong nito habang nginunguya ang mansanas.

"Okay naman. Naayos ko na rin 'yong tungkol sa balitang kumalat tungkol sa tunay kung pagkatao." Tugon ko habang nakatitig sa kanya.

"That's nice!"

"I held a live presscon yesterday to clear the news about me. Doon ko siniwalat lahat-lahat tungkol sa totoong ako."

"So, anong mga comments ng tao tungkol sa pag-reveal mo ng totoong ikaw?" Tanong niya pa sabay titig sa'kin.

"Hindi ko alam and besides wala naman akong pakialam sa sasabihin nila e. Sanay na ako." Ngumiti pa ako sakanya.

Tumango lang siya saka nagpatuloy kumain ng mansanas.

Bale tatlong araw na rin ako ngayong walang sapat na tulog kasi ako ang nagbabantay kay Amira dito, kasi hindi naman p'weding magpuyat si mommy 'no. Baka ma pa'no pa 'yon. Pinagsasabay ko ang pagaasikaso sa hotels namin at sa pag-ayos sa balita sa pag-aalaga sa kanya. Nakakapagod man ng husto ngunit okay lang naman kasi ang mahalaga buhay ang kapatid ko.

Nakakulong narin ngayon ang tunay kung ina. Ako mismo ang nag-asikasong maikulong siya. Buti naman sa kanya! Deserve niya 'yon! Masama na kung masama the hell I care! If something really bad happen to Amira that day I swear, I will kill her using my own hands. I won't mind putting dirt into my hands for as long as I can make her pay for what she did. An eye for an eye, a teeth for a teeth, and a life for a life! That's how I will make the people that hurt my family pay.

Kung ako lang ang sasaktan nila okay lang pero kapag pamilya ko na, ibang usapan na 'yan. I can be a devil just to make sure that my family is safe.

Wala na rin pala akong balak hanapin pa ang totoo kung ama kasi para sa'n pa. Sapat na sa'king alam kung siya ang rapists ng tunay kung ina! Sapat na sa'king alam kung rapists siya! Hindi naman nagkulang ng pagmamahal sina mommy at daddy sa'kin e, para hanapin ko pa sila—para mangulila sa kanila!

Sa totoo lang, hindi ko naramdaman na kulang ako—na may kulang sa'kin o sa pagkatao ko dahil pinuno ako nila mommy at daddy ng pagmamahal at inaruga nila ako na parang totoong anak talaga nila ako kaya nga I never doubted na hindi nila ako tunay na anak kasi subra-subra ang pagmamahal nila sa'kin. Kung tutuosin nga mas nakikinig pa sila sa'kin kaysa kay Amira e. Kahit na si Amira naman talaga ang tunay nilang anak, ang nag-iisa nilang tagapagmana. I'm thankful that mom and dad trusted me and entrusted to me our hotels though I'm not their daughter—though I'm not the their real heir. 

Naging sunod-sunod ang sakit na biglang ibinato sa'kin ng mundo kaya naman kailangan ko talagang hanapin ang sarili ko. Kasabay no'n ang pagtanggap sa totoong ako. Hindi naman kasi madaling tanggapin na anak ako ng rapists—na produkto ako ng kahayupan niya sa tunay kung ina. Mahirap din para sa'kin na malaman na kinasusuklaman ako ng tunay kung ina to the point na tinangka niya pa talaga akong patayin. Gano'n niya ako ka 'di gusto. Parang gumuho ang mundo ko ng malaman ko ito, dumagdag pa 'yong sakit ng tuluyan kung pagtapos sa kung ano pa man ang meron kami ni Jameson at pati na rin 'yong nabuo kung feelings kay Jayron.

I felt so lost!

I really lost myself! That's why I really needed to find every pieces of me that got turned.

The Flirty One [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant