CHAPTER 25

2 0 0
                                    

             CHAPTER 25

"Isa pa nga pong whiskey." Sabi ko sa bartender ng bar.

Nakakaluka kasi 'tong sina Anton at Sharine e, kinidnap ba naman ako nang dapat sana uuwi na ako sa'king bahay para lang uminom. Sumigaw pa naman ako ng sumigaw sa parking lot para humingi ng tulong tapos nang tuluyan na nila akong naipasok sinara nila kaagad ang pinto ng itim na SUV saka tinanggal ang mask nila sa mukha at sabay na nagtawanan ang dalawang shunga. Kainis! Akala ko talaga totoo na, it's a prank pala. 'Yan tuloy nahampas ko sila dahil sa kalukuhang naisip nila.

Tinawagan daw kasi si Sharine ni Anton at sinabing ngayon 'yong dating niya mula Australia kaya nagkasundo silang i-prank ako. Reunion daw kasi namin 'to e. Mga gago dapat sana sinabihan na lang nila ako. May pakidnap-kidnap pang nalalaman na shukot tuloy ako. Kainis muntik na akong atakihin sa puso kanina.

"Ba't ba kasi 'di n'yo na lang ako sinabihan?" Tanong ko sabay baling ng atensyon ko sa whiskey na iniimon ko.

"Tanga ka gurl! Surprise nga 'di ba. So, bakit ka namin sasabihan?" Inirapan pa ako ni Anton.

Sabagay! May surprise nga bang sinasabi? Tanga ko talaga 'no!

"At saka kung sinabi namin e 'di sana wala ka ngayon dito. Ang busy mo kayang tao." Sabi naman ni Sharine matapos uminom ng alak niya.

"Sabagay may point naman kayo." Kibit balikat kung sabi saka sumimsim ng alak ko.

"We know right." At sabay pa nilang sinabi 'yon sabay kindat sa'kin.

"Aba! Nagkakasundo na naman kayong magka-enemy ha!" Tumawa ako ng tipid.

"Lagi naman e, 'di ba liit?!" Tanong ni Anton na may halong pang-aasar saka nangingiti ngunit pinipigilan lang niya.

"Ewan ko sayo baklang jutay!" Naiinis niyang sabi.

Tumawa ako.
"Sige, mag-asaran lang kayo na miss ko 'yon e." Biro ko pa.

Sinamaan ako ng tingin ni Anton.
"E kung ikaw kaya ang asarin ko ngayon." Tinaas niya pa ang kanyang kanang kilay.

"Ayy whess bhes, never kang mananalo sa'kin kaya huwag mo ng subukan." Sabi ko sabay tawa.

"Oo, nga naman Anton. Huwag mo ng tangkain. Alam mo namang d'yan siya nag major e." Tumawa ito ng malakas.

"Aba! Talaga ba Sharine?" Tinarayan ko siya. "Kung ako nag major sa pang-aasar ikaw naman ng major sa pagiging dispirada. Kaya nga asawa mo ngayon 'yang crush mo noong college tayo kasi hinabol-habol mo e." Tinawanan ko rin siya at natawa rin si Anton sa sinabi ko.

"Sa true bhes." Pagkampi sakin ni Anton.

"At least wort it ang pagiging dispirada ko, e ikaw nga Sis iniwan kana hinintay mo pa rin e." Banat niya sa'kin.

"Mabuti ng maghintay kaysa maghabol. Tandaan mo 'yan Sis." Pangangat'wiran ko.

"So, ano worth it ba ang paghihintay mo? Hindi naman 'di ba!"

"At least hindi ko kinalimutang tao ako't hindi aso, 'di katulad mo." Nagsitawanan kaming lahat. Lakas ng mga tupak namin 'di ba? Mag agree naman kayo.

"Habol-habol kapang nalalaman Sis, ano 'yon amo mo!" Dagdag ko pa.

"Ikaw naman may pahintay-hintay kapang nalalaman ano 'yon delivery." Sabi niya habang ginaya 'yong tono ng pananalita ko. Gaya-gaya.

"Liit nakakalimutan mo bang gold si Jameson at hindi delivery. Pero keri na rin 'yong delivery kasi mukha naman siyang pagkain sa mga mata ko e." Nakakaakit niya pang kinagat ang kanyang ibabang labi. Hay! Nagsimula na namang maglandi ang jutay!

The Flirty One [COMPLETED]Where stories live. Discover now