Chapter 1

24K 272 5
                                    


Chapter 1

Walang tigil sa paghahalikan si Drake at Alice, isang linggo silang hindi nagkita dahil pumunta silang Tagaytay ni Jasmine para bisitahin ang kanyang tita Moira na kakauwi lang galing Amerika.

Mabilis na natanggal ni Drake ang pang-itaas ni Alice sa sobrang pagkasabik dito. Narinig niya ang pag ring ng kanyang cellphone na itinapon niya lang sa kama, paniguradong ito ang asawa niya.

Matalik na magkaibigan si Alice at Jasmine, ngunit pareho silang uhaw sa pagmamahal ng isa't isa, hinahanap-hanap nila ang init ng bawat isa.

"Ahhh...h-hindi mo ba uhmm s-sagutin?" nahihirapang tanong ni Alice, masyado itong nahihirapan kontrolin ang sensasyon na kanyang nadarama.

"Don't mind that... mhhhh" natapos silang hindi sinasagot ang paulit-ulit na pagriring ng kanyang cellphone.

"I love you Alice... "

KANINA pa tinatawagan ni Jasmine ang kanyang asawa ngunit hindi siya nito sinasagot, nag-aalala na siya at hindi mapakali pati ang mga katulong ay nahahawa na sa kanya.

"Ma'am naku, kami na po ang maghihintay kay sir mukha pong antok na antok na kayo" asan na nga ba si Drake? at bakit hindi nito sinasagot ang kanyang nga tawag?

Naaawa na siya sa kanyang asawa dahil pagkabalik nila galing Tagaytay lagi itong may kausap, siguradong tambak na naman ang trabaho nito.

"Ah hindi po manang, ako na lang po yung maghihintay, responsibilidad ko naman ito, matulog na po kayo alam kong kaninang umaga pa kayo nagtra-trabaho" alam niyang antok na antok na ang nga ito dahil kanina pa itong umaga nagtratrabaho, ayaw niya namang madamay ang nga ito sa kagustuhan niyang hintayin ang asawa tutal responsibilidad niya naman iyon at hindi nila manang.

"Salamat po ma'am" sa boses nila halatang pagod na pagod na sila, napahikab na lang din siya sa sobrang kaantukan ko, kasalukuyan siyang nasa living room at ginagawa ang kanyang makakaya upang hindi makatulog.

Bakit ba kasi ang tagal ni drake?, ganon ba kadami yung trabaho niya? masyado naman siyang nagpapayaman, wala pa nga silang anak para pagkagastusan.

Maya-maya narinig niya na rin ang sasakyan ni Drake, nakahinga siya ng maluwag at sa wakas ay makakapagpahinga na rin siya.

"Drake, ginabi ka na naman ah" Ilang buwan na itong ganito, lagi nag-oover time kaya laking pasalamat niya na nakapagpahinga ito kahit isang linggo sa Tagaytay kaso ngayon mukhang balik na naman ito sa gawain nito.

Gusot-gusot na ang damit nito, naawa siya dito dahil mukhang stress na stress na ito, hindi niya naman hiniling na magpayaman ito ng sobra, napapangiti na lang siya sa isiping nagtratrabaho ito ng sobra para sa kanilang future.

"Marami lang trabaho" simpleng sagot nito sa kanya, ito ang lagi nitong dahilan ngunit hindi niya na lang iniintindi iyon.

"Kumain ka na ba?, may pagkain pang natira, gusto mo ba ng magkape?, o matutulog ka na?" sunod-sunod nitong tanong, kita ang iritasyon sa mukha ng lalaki na hindi naman napansin ni Jasmine.

"Pwede bang tumahimik ka na lang!" doon na nga siya napatahimik, nagulat siya sa biglaang pagsigaw nito. Naisip niya na lang na may maliit sigurong problema sa opisina.

"Ah s-sige, bahala ka" may halong kabang sagot ni Jasmine, sinundan niya na lang ito paakyat upang magpahinga na rin.

Minsan lang siyang sigawan nito, pero kapag nangyayari iyon, tumitiklop siya agad sa kadahilanang siya ay natatakot, natatakot din siyang isipin na baka ito pa ang mag-ugat ng pagtatalo nila.

Ayaw niyang makipagtalo dito, ayaw niyang mabawasan ang pagmamahal nito sa kanya, nagsimula lang naman ito kailan lang, ang sabi nito may bagong proyekto ang kompanya kaya lagi itong busy.

Yinakap niya ito, ilang segundo siyang naghihintay upang yakapin din siya nito kaya mas hinigpitan niya ang kanyang pagyakap ngunit nadismaya siya ng tanggalin nito ang kanyang kamay mula sa pagkakayakap.

Hindi niya mapigilang masaktan sa ginawa nito, bakit pakiramdam niya ay lumalayo ito sa kanya? baka naman siya ang may mali? dahil kahit mag-asawa na sila ay hindi niya mabigay ang pangangailangan nito.

"i love you" bulong ko sa kanya, hindi siya sumagot siguro nakatulog na siya dahil sa sobrang pagod, siguro kailangan ko galingan ang pag-aalaga sa kaniya baka bumigay yung katawan niya sa pagkapagod niya araw-araw, naaawa na nga ako sa kaniya minsan kaso ayaw niyang umabsent lagi niyang sinasabi na may mahalaga, sa isip isip niya.

Nakatulog na lang din si Jasmine dala ng matinding pagkaantok dahil sa paghihintay.

***

Nagising siya sa ingay ng kanyang cellphone, dali-dali niya itong kinuha sa isiping baka si Drake iyon, ngunit nadismaya siya ng makitang hindi iyon si drake kundi ang kanyang kaibigang si Glaiza.

"Mhh?" 'inaantok pa ako sana naman maintindihan niya kung anong oras niya ako ginising, medyo nahihilo pa ako dahil naputol yung tulog ko', isip niya.

"Kita tayo bawal humindi!, tagal na nating hindi nagkita ikaw ah marami ka saking iku-kuwento naku!" high pitch ang salita nito sa bawat letra, kaya naman nabulabog ang kanyang mga brain cells at hindi na siya nakapagsalita.

My Bestfriend And My Husband Love Affair (EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon