Chapter 22

1.1K 17 0
                                    

Bar

Selandra's Pov

Mabahong usok ng sigarilyo at nakabibinging tugtog ng musika ang agad na sumalubong sa amin nang makarating kami sa aming paroroonan.

Ito ang unang beses na nakapunta ako sa bar. And I find it kinda disgusting. From the smell and the sorroundings itself. I can also see some couples whose making out everywhere. Or do they really couples? I do not know.

Ganito ba talaga rito? Hindi ba uso ang privacy sa kanila. I mean, ang pangit naman kaseng tingnan na kung saan-saan na lang sila nakikipaghalikan.

I can't find any essence of decency. Kaya siguro ayaw akong payagan ni daddy na magpunta sa mga ganitong lugar.

What will happen kaya if malaman niyang nandito ako? Huhu.

I do not think kung mageenjoy ba ako katulad ng sabi ni JM! I'm feeling the opposite way. I'm kinda doubting her words.

“Hey are you okay??” medyo pasigaw na sambit niya dahil masyadong malakas ang music sa paligid.

Napalingon naman ako sa kanya at tumango. Honestly, gusto ko na agad umuwi.

'Ang plastic mo talaga selandra!' lihim na pagkastigo ko sa sarili ko.

“Hey, sabihin mo lang kung hindi ka na komportable ha, ako na maghahatid sayo.” marahang bulong naman ng katabi kong si Evan. Humilig pa talaga siya sa akin para marinig ko ng maayos ang sasabihin niya.

Nakaupo na nga pala kami sa couch na nireserved ng mga kaibigan nila bago pa kami dumating dito.

Nung una ay medyo naiilang talaga ako dahil wala naman ako masyadong kilala sa mga ito maliban sa kanilang dalawa.

Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na sumama sa kanila eh hindi ko naman sila masyadong kilala.

Napilitan lang naman kase ako.

Kahit na nandirito ako ay hindi ko pa rin maiwasang lumipad ang isip ko patungkol sa magiging reaksiyon ni daddy kung sakali mang malaman niya na sinuway ko siya.

This is also included to some of his rules.

Bawal akong sumama sa iba kahit na kakilala ko pa. At mas lalong bawal akong magpunta sa ibang lugar ng hindi siya kasama. Ang malala ay nandito pa ako sa bar na alam kong lubos na ikagagalit niya huhu.

“hey bro, one of your fling?” nakangising sambit ng kaibigan nila habang nakatingin kay Evan.

Pabiro naman siyang binato ng chips ni Evan bago sumagot.

“Gago! She's not!” natatawang sagot nito pabalik. Napakamot naman sa ulo ang kausap bago humihingi ng pasensyang napatingin sa akin.

“I'm sorry, I thought you're one of his girls. Babaero kase ang kaibigan naming iyan, nasanay lang haha” he looks very sincere naman while apologizing kaya tumango na lang ako.

“Hey that's not true. Sinisiraan lang nila ako.” nagulat pa ako dahil biglang bumulong si Evan malapit sa may tenga ko.

Naiilang naman akong napalayo sa kanya at kiming ngumiti.

“Okay lang” tanging sagot ko.

Maya't maya ang tingin ko sa cellphone ko. Chinicheck kung anong oras na dahil baka dumating na si daddy sa mansyon at maabutang wala ako.

Napasulyap naman ako kay JM na busy sa pakikipagusap sa isa nilang kaibigan.

Gusto ko na sanang magpaalam kaso nahihiya akong magsabi. Bukod sa hindi ko naman alam kung saang lugar ba nila ako dinala ay wala rin akong extrang pera pamasahe.

Obsession Series 2: My Daddy's Obsession (On-Hold)Where stories live. Discover now