Chapter 8

2.3K 28 2
                                    

Escape

Selandra's Pov

Alam ko naman na minsan may mga tao talagang mahirap intindihin dahil sa kanilang malalalim na salita. At ang isang paraan upang mas maintindihan natin ito ay atin itong mabusising pagnilayan.

Ang ideyang 'yan ay matagal nang tumatak sa isip ko mula nang makilala ko si Daddy. Dahil isa siya sa mga taong iyon para sa akin o baka ang isa namang dahilan ay ang pagiging slow ko sa mga bagay.

Hindi ko alam pero kapag si daddy ang kasama ko feeling ko ang hina ko. Hindi lang pisikal kundi mental. Dahil minsan ang mga kilos niya ay para bang isang misteryo sa akin na kailangan ko pang resolbahin. Gaya na lang ngayon! Hindi ko na naman magets si Daddy!

Natigalgal ako nang marinig ang gigil na pagsigaw niya. Kung ako lang ang dahilan nang pagsigaw niyang iyon ay baka kanina ko pang gustong tumakbo at magkulong na lang sa kwarto. Pero kakaiba ang dalawang kaharap namin. Parang balewala lang sa kanila iyon at nakuha pang prenteng maupo at sumandal sa sofa.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil ayokong mapunta naman saken ang atensyon ni daddy. Kahit na ang dalawang kaharap namin.

Pero binabagabag ako tungkol doon sa sinabi niya. Ang gulo talaga! Naguguluhan ako!

B-bakit gusto niya, tanging siya lang ang hahawak at hahalik saken? Anong klaseng hawak at halik? Gusto niya ba ay siya lang ang hahalik sa kamay ko? Hahawak kagaya nang pag-akbay sa akin?

Para namang natunaw ang puso ko doon. Ibig sabihin lang non ay mahal talaga ako ni Daddy. At hindi lang ako balewala sa kanya! Concern siya sa akin.

“Chill bro, you know that this fucking bastard just want to tease you. Huwag mo naman masyadong seryosohin” biglang sambit ng lalaking nagngangalang Dark.

“Tss” si Daddy.

Matapos 'yon ay biglang tumunog ang cellphone ng lalaking kaibigan ni daddy na nagngangalang Dave. Mabilis naman niya itong kinuha sa bulsa niya at sinagot.

Mukhang may importanteng sinasabi ang nasa may kabilang linya at nang marinig ang sinasabi ay unti-unti namang nagbago ang ekspresyon nito. Mula sa mapaglarong itsura nito ay bigla na lamang itong naging parang isang mabagsik na hayop.

“Fucking shit! I need to go, bullshit natakasan na naman ako!” matapos mabilis magpaalam ay nagmamadali siyang umalis at ang tanging narinig na lang namin ay ang mabilis na pagharurot ng isang sasakyan.

Nakakapagtaka, anong natakasan? Parang mas nakakakilabot naman ang mga friend ni daddy kesa sa kanya!

Napabaling ako sa isang friend ni Daddy nang mapailing ito.

“Kawawa naman ang kaibigan nating 'yon. Lagi na lang natatakasan.” natatawang saad nito.

“I will never let myself in his situation. Hindi ako papayag.” nakangisi namang sagot ni daddy at kinilabutan ako dahil tumingin siya sakin. Ako lang naman ang naguguluhan sa pinag-uusapan nila. Napangisi naman ang kaharap namin.

“You're doomed bro. Baliw ka ngang talaga.” natatawang komento nito na kinangisi lang ni Daddy.

“Parang ikaw hindi?” bawi naman dito ni Daddy. Nagkibit balikat lang ito.

I don't even get a little knowledge about their conversation. Parang kung magtatagal pa ako dito mas lalo lang akong makakaramdam ng kaba. Kaya napagpasyahan kong magpaalam na lang kay daddy.

“U-uhm daddy. I'll just go upstairs na lang. May gagawin pa po ako doon.” kinakabahang paalam ko sa kanya. Bakit kase lagi na lang akong kinakabahan kapag kaharap siya. Tapos isama pa na nandito pa itong friend 'daw' ni Daddy na isa pang weirdo! Magsama-sama sila, mga baliw!

“Okay” after ko marinig iyon ay dali-dali na akong nagtungo sa kwarto. Parang gusto kong magbukas ng facebook ko ngayon. Tagal na rin nung makapagbukas ako.

Pag-open ko ay marami agad nagpop-up na notifications sa akin. About lang naman sa mga post ko bago kami nagpunta rito. Nagawa ko pa kaseng magpost ng mga pictures bago kami nagbakasyon.

Sa kakascroll ko ay nakita ko ang post ni Shiela noong araw ng graduation namin. Nakakalungkot, ni hindi man lang ako nakaattend.

Mabilis ko namang inilipat sa iba dahil naiinggit lang ako. Kasalanan ni Daddy! Bakit kaya pati graduation ko ay ipinagkait niya pa sa akin? Tss.

Habang nagtitingin ay bigla na lamang may nagpop-up na message sa akin. Pinindot ko naman ito at nashocked ako dahil si Jayson Peralta pala! Hala si crush! Schoolmate ko si Jayson, same grade lang din kami. At matagal ko na siyang crush. Sikat kase siya sa school namin dahil siya ang MVP ng basketball team. Nakakagulat lang dahil chinat niya ako.

Nag-Hi lang naman siya saken. Magtatype na sana ako para mareplyan siya nang bigla na lang nawala sa kamay ko ang cellphone na hawak ko. It turns out hinablot pala ni Daddy.

Nakakatakot ang itsura niya. Madilim na naman ang mukha niya at parang hindi maganda ang awrang pumapalibot sa kanya.

“Jayson Peralta huh” 'yon pa lang ang sinasabi niya pero grabe na sa pagrigudon ang puso ko. Para bang gusto na nitong lumabas sa lungga nito.

“Really Selandra? What did I told you? I said no boys are allowed to talk with you, right?” hindi agad ako nakasagot. Nakakatakot si Daddy.

“Right Selandra??!” nawawalan nang pasensyang bulyaw niya.

“Y-yes, daddy” parang maamong pusa na sagot ko.

“You've just said earlier that you have something to do here. Ito ba, Selandra?? Ang makipaglandian??!!” galit na galit na sabi niya.

Nasaktan ako sa sinabi ni Daddy. Gusto ko mang magalit sa kanya ay hindi ko magawa. Mas lamang pa rin kase ang takot na nararamdaman ko.Tahimik na lang akong napaiyak.

“You're grounded. Don't you ever dare come out here without my fucking permission!” gigil na sambit niya at pabagsak na binagsak ang pintuan.

Doon na mas lalong bumuhos ang aking mga luha. Ang sakit ng dibdib ko! Para bang sobrang naninikip ito. Hindi lang dahil sa nangyari kundi dahil sa mga salitang binitawan ni Daddy.

Ayoko na! Sumusobra na siya. Gusto ko na lang lumayo. Akala niya ba hindi ko napapansin na tinatanggalan niya ko ng kalayaan?

Oo! Mahina ako pagdating sa pagaanalyze ng mga bagay! Pero hindi naman sa lahat ng oras. May mga pagkakataon lang talagang may hindi ako naiintindihan sa sitwasyon.

Pero ang ginagawa niya saking ito! Aware ako. Kinukulong niya ako hindi ko alam kung para saan. Pero gusto ko ring maging malaya! Gusto kong magawa ang mga gusto ko. Nang walang hadlang!

Nung araw na ring iyon ay isang ideya ang bigla na lamang lumitaw sa isip ko.

Tatakas ako!!

Obsession Series 2: My Daddy's Obsession (On-Hold)Where stories live. Discover now