Chapter 14

1.8K 16 3
                                    

Punishment

Selandra's Pov

'I'm sorry for not realizing it earlier. Sorry if you still need to experience having a hard time because of me.

'I'm so sorry'.

Those are the words that I wanted to say. But....

I coudn't even see myself saying those words face to face. Infront of him...

I j-just can't.

Tila ba naging duwag ulit ako sa mga oras na ito. Ni hindi ko man lang masabi sa kanya kung anong totoong nararamdaman ko.

Dahil....

Natatakot ako.

Yes, I was afraid for the possible consequences that may be revealed if ever I confessed to him.

“Baby, please.” nagsusumamong aniya.

Umiling ako.

Nakita ko ang pagkadismaya, lungkot at sakit na bulamatay sa mga mata niya. Mabilis din akong nag-iwas dahil hindi ko matagalan ang tanawing iyon.

“Why are you like this? Bakit paulit-ulit mo akong sinasaktan selandra?”

Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung anong rason ang maaari kong sabihin sa mga panahong ito.

Bakit nga ba?

“Why are you doing this to me?” hindi ko napansing nakapalapit na pala siya sa akin at nakahawak na sa magkabilang balikat ko.

“Please, stop it already. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako baby.”

“Sa tingin mo ba, ikaw lang ang napapagod? Ako rin naman ah! Pagod na pagod na rin sa isiping 'bakit nangyayari ito sa akin! Sa atin! Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa dati?” nagsusumamong pakiusap ko sa kanya habang nakahawak sa mga braso niya. “Daddy please, balik na lang tayo sa dati. Kalimutan na lang naten 'to, ang pangyayaring ito. M-mamuhay tayo na parang walang nangyari. Please.” pilit kong pagpapaintindi sa kanya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

“Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan!”

“Aray” daing ko nang halos mabali na ang buto ko dahil sa mahigpit na pagkakahawak niya.

“I already warned you! You know what? Sinubukan ko namang maging malambot pagdating sayo! Hindi ko pinakinggan ang mga sinabi saken ng mga kaibigan ko. But now, I think I'm wrong. They're right, katulad ka rin ng mga babaeng kinababaliwan nila. Hindi makukuha hanggat hindi gagamitan ng dahas!” disappointed na sabi niya ngunit makaraan ay pumaskil sa kanya ang isang nakakatakot na ngisi.

“What are you doing?!” nahihintakutang tanong ko.

“What do you think? Eh di ikukulong ka, para hindi mo na magawang makatakas pa sa akin.”

“N-no! Ano ba bitawan mo ako! Hayop ka!”

Pilit akong kumakawala sa kanya sa pamamagitan ng pagpupumiglas. Ngunit malakas siya kung kaya't walang kahirap-hirap niya akong nabuhat.

“Help! T-tulong!” paghingi ko ng tulong sa mga kasambahay o kahit sa sinumang taong maaaring makarinig. Ngunit ni isa ay walang lumapit para tulungan ako.

“Ahh” daing ko nang makaraan ay ibagsak niya ako sa isang malambot na kama.

Inilibot ko ang paningin ko, kumunot ang noo ko dahil hindi ito pamilyar sa akin. Nasaang parte kami ng mansyon?

“S-saan mo ako dinala?”

“Where do you think?”

Sa tingin ko ay sa bodega niya ako dinala.

Maalikabok ang paligid. Marumi at magulo, mukhang lahat ng mga hindi ginagamit na gamit ay nandirito.

“This is your punishment. Hindi ka lalabas dito hanggat 'di ko sinasabi. 'Di ka rin kakain hanggat walang utos ko. That's what you get for rejecting me.” after saying that ay basta niya na lang akong iniwanan dito.

“Please, let me get out of here!! Ayoko rito!” umiiyak na pagkalampag ko sa pinto matapos niya akong ilock dito.

Nang mapagod ay sinandal ko na lamang ang katawan ko sa pintuan at dahan-dahang napaupo.

'Bakit ba nangyayari sa akin ang lahat ng ito?'

'Naging masama ba ako?'

Dahil sa dami ng iniisip ay nakatulugan ko na lamang ito. Nagising lamang ako nang may marahang tumapik sa pisngi ko.

“Senyorita, gising!” panggigising sa akin ng isang pamilyar na boses.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nung una ay nanlalabo pa ito at nang tumagal ay naging malinaw na rin sa akin kung sino ang pigurang nasa harapan ko.

Kilala ko siya. Siya si Aling Imelda, ang mayordoma ng mansyon!

Ngayon pa lang ay nagsisisi na akong wala akong masyadong naging ka-close sa mansyon.

“Nagugutom ka na ba?”

“T-tulungan niyo po ako! Please, help me po. Ayoko na po rito! Tulungan niyo po akong makatakas!” umiiyak na pakiusap ko sa kanya. Nakita ko pa ang awang bumalatay sa mga mata niya.

Nagkaroon ako ng pag-asa. Maaaring matulungan niya akong makaalis dito.

“Of course she can't. Alam niya na ang mangyayari sa kanya kung sakali mang itakas ka niya.” natatawang ani ng boses sa likod ko.

Hindi ko pa nga talaga siya masyadong kilala. Talaga nga palang may ugali siya ng isang d*monyo!

Ang hudas na 'to!

“Leave us, ako na ang bahala rito.” dali-dali namang tumalima ang mayordoma.

“Eat” maawtoridad na utos niya.

Hindi ko siya pinansin.

Kung gusto niya, siya na lang ang kumain!

“When I said eat, fucking eat!” nilapit niya sa akin ang tray na naglalaman ng mga pagkain ngunit sinanggi ko lang iyon dahilan upang magkandalaglagan ang laman nito.

Nagulat din ako dahil sa nangyari, wala naman kase sa isip ko na masanggi ito.

Napahawak ako sa kanang pisngi ko nang maramdaman ang pamamanhid at ang sumisigid na hapdi rito.

Sinampal niya ako. At dahil doon ay naiiyak akong tumingin sa kanya.

Ito ang unang beses na nasampal ako, at ang masakit ay galing pa sa kanya. Sa dati'y itinuturing kong nag-iisang pamilya ko.

“Does it hurt? Hindi lang 'yan ang aabutin mo kung patuloy ka pang magmamatigas sa akin. This is the real me. Wala na akong panahon para magpanggap na mabait sa harapan mo.”

“I hate you!” naninibughong sigaw ko sa pagmumukha niya.

“I don't care” walang pakealam na sagot niya.

“Mukhang hindi ka naman nagugutom. Tss, ano nga ba naman kasing pumasok sa isip ko at nagpadala pa ako ng pagkain dito. Tutal di ka naman nagugutom, maaaring sa susunod na araw ka na lang pakainin.”

“Ang sama mo!”

“Syempre, kwento mo 'yan eh. Kaya tama ka diyan.”

“Wala akong pakealam!”

“Ako rin”

Matapos ang pagpapalitan namin ng salita ay iniwan na niya ako rito.

Totoo ngang hindi ko pa talaga siya masyadong kilala. Sabagay hindi na kagulat-gulat, bagay nga silang magsamang magkakaibigan. Parehas silang mga baliw!

Tama nga ang kasabihang 'birds with the same feather, flocks together.'




Obsession Series 2: My Daddy's Obsession (On-Hold)Where stories live. Discover now