Chapter 1

2.7K 34 0
                                    

Vacation

Selandra's Pov

I am on my way home when my phone suddenly rang. I checked who's the caller and saw that it was my dad.

Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko nang halos mabingi ako sa malakas na sigaw niya mula sa kabilang linya.

“Where the hell are you, Selandra?!” napairap ako sa tinuran niya. Really, eh wala pa ngang dalawang oras nang umalis ako at ngayon ay pabalik na dahil baka magwala na naman siya kapag nadatnan niya akong wala sa mansyon.

“Pauwi na po ako, daddy—” ang marahan at maingat na sagot ko ay naputol nang bigla siyang magsalita. See, hindi naman kailangang nakasigaw kapag makikipag-usap eh. Masyado niyang ginagawang hobby ang pagiging mainitin ang ulo.

“Be fast, don't make me wait.” demanding na saad niya. Napahinga na lang ako ng maluwag.

“Okay—” naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya ulit. Seriously?! Kelan niya ba ako hahayang matapos ko muna ang mga sasabihin ko bago siya magsalita?

“Also, don't put your phone down until you got home.” he added. Napabuntong hininga ako.

Hindi ko alam kung bakit mula ng 18th birthday ko ay naging mas mahigpit na siya sa akin. Na ultimo pati paglabas at pag-alis ko ay kailangang alam niya. Pati na rin kung sino ang mga nagiging kasama ko kapag wala ako sa mansyon. Kulang na lang sibihin niya na dapat sabihan siya sa lahat ng mga nagawa, ginagawa at mga gagawin ko pa lamang!

Humugot pa ulit ako ng isang panibagong malalim na hininga bago isinandal ang katawan sa ngayo'y kinauupuan ko.

Kung sana ang lahat ng pangyayaring ito ay katulad lamang ng dati. Siguro hanggang ngayon ay magaan pa rin ang pakiramdam ko. Masaya pa rin sana ako. Kase sa totoo lang, hindi ko na magawang maging masaya ngayon.

Feeling ko kase, wala akong kalayaan. Na para lang akong isang manika o puppet na kayang kontrolin at diktahan ng kung sino-sino lang.

Magmula kase nang magbago ang mga kilos at pakikitungo sa akin ni Daddy ay parang hindi na kasing liwanag at singganda gaya ng dati ang buhay na mayroon ako.

Na para bang sa isang iglap ang maayos at maaliwalas na pamumuhay ko ay bigla na lang dumilim at bumigat.

Matagal pa kaming nag-usap hanggang makarating ako sa mansyon. Malayo pa lang ay tanaw ko na siya sa may bukana ng pintuan. Kita ko rin ang pagbaba niya sa cellphone niya. Kasabay nito ang tunog nang pag-end call niya sa cellphone ko.

Mariin siyang nakatingin sa sasakyan lalo na sa may banda ko. Feeling ko tagos hanggang loob ang paningin niya kahit tinted naman ang sasakyan.

“Ma'am, nasa mansyon na po tayo.” I looked at Manong Jun, he was my driver since I was a child.

Tumango na lang ako sa sinabi niya, after that ay binuksan ko na ang pinto ng van at bumaba.

Pagbaba ko ay agad namang lumapit sakin si daddy at hinila ako papasok sa loob. Medyo mahigpit ang hawak niya pero binalewala ko na lang.

Mabibigat ang hakbang niya habang hila ako paakyat sa hagdan. I think papunta kami sa kwarto niya. And I was right.

Pagkapasok sa loob ay tinulak niya ako kaya bigla akong napaupo sa edge ng king-sized bed niya. Buti na lang malambot yung kama, kundi baka masakit na ang balakang ko ngayon.

“Now, explain.” humalukipkip pa siya habang mariing nakatingin saken.

“Galing ako sa mall. I bought some materials needed for our group project in school.” paliwanag ko sa kanya na tinaasan niya lang ng kilay.

Obsession Series 2: My Daddy's Obsession (On-Hold)Where stories live. Discover now