Chapter 17

1.8K 23 0
                                    

Acceptance

Selandra's Pov

It's been a week since we talked about the agreement. And as the days passed by, I'm already used to our situation right now.

Sa mga bawat araw na lumilipas ay natanggap ko na rin sa sarili ko na may nararamdaman talaga ako para sa kanya.

Masaya naman kami sa kung anong kinalabasan ng pag-uusap namin. Mas lalo siyang naging malambing. Walang araw na hindi niya ipinapakita kung gaano ba siya ka-head over heels sa akin.

'Patay na patay lang?'

Nga pala, wala ako sa mansyon ngayon. Isa pa ito sa ikinagagalak ko. Pwede na akong pumunta sa kahit saan man nang hindi niya ako pinagbabawalan. Though, may limit pa rin pero okay na 'yon.

Basta sa mga lugar na napag-usapan lang namin. For example mall, park, etc. Basta walang kasamang lalaki. Pumayag na lang ako, kesa naman katulad pa rin ng dati na hindi ako makalabas.

“Baby, still not done? Please go home now. I miss you” boses mula sa kabilang linya ng cellphone ko na kinahinga ako ng malalim.

Ito ang problema sa kanya. Oo nga pumayag na siyang gawin ko kung anong gusto ko pero eto nga, malingat lang ako sandali ay para na siyang tatlong taong gulang na bata kung umakto. Na akala mo anak na ayaw mawalay sa ina.

“Hindi pa, just wait for me. Uuwi rin ako” napapaikot pa ang matang sagot ko sa kanya.

“Tss, bilisan mo” banas na sabi niya. Ganyan siya kapag hindi nasusunod ang gusto.

Hindi na ako sumagot basta ko na lang pinatay ang tawag at nagpatuloy sa pamimili. Bahala siya!

Kainis kase siya!

Habang naglalakad ako at namimili ng mga bibilhin ay hindi sinasadyang may nakabanggaan ako.

Shit!

Nagsihulugan kase ang mga dala niya.

“I'm sorry, miss” halos magkapanabay na sambit namin.

Nang iangat ko ang aking paningin at ganun din siya sa akin ay nagkagulatan pa kami.

If you're wondering if we know each other kaya kami nagulat ay 'hindi'. Nagulat ako dahil ang ganda niya!

Ewan ko lang sa kanya kung bakit din siya nagulat.

Mahinhin na ngumiti siya.

“Hi?” medyo nahihiya pang sambit niya.

Nginitian ko siya at bumati pabalik.

“I'm sorry, I didn't mean to bump on you. I was spacing out kase kanina. Sorry talaga” mabilis naman akong umiling.

“No, it's not your fault. To be honest, hindi rin kase talaga ako nakatingin kanina so no need to feel sorry” nakangiting paliwanag ko.

Malawak siyang napangiti.

“I'm Jesusa Michelle Tijing, and you are?”

“Selandra Kate Laxamana” inabot ko ang pakikipagkamay niya sa akin.

“Laxamana? How are you related with Mr. Shandrei Laxamana?” damn! Ano ba dapat ang isagot ko?

“H-he's my d-daddy” nagdadalawang isip pang sagot ko sa tanong niya.

Tumango-tango siya.

“I see, it's so nice to meet you Selandra. I'll get going by now, I'm in a hurry kase. Bye, keep safe always!”

Hindi ko na nagawang nakasagot pa dahil basta na lang siyang umalis na tila ba nagmamadali talaga siya.

Sabagay, siya na nga ang nagsabing nagmamadali siya.

Obsession Series 2: My Daddy's Obsession (On-Hold)Onde histórias criam vida. Descubra agora