Chapter 21

1.1K 13 0
                                    

First Day of School

Selandra's Pov

First day of school, I'm here at the auditorium together with my co-students. Narito kami para sa orientation na magaganap.

Hindi naman kase pwedeng magkaklase agad ang mga proctors without orienting the students. Especially sa tulad naming mga bago pa lang.

It's just a typical discussion of the professors about our course and the important informations attached on it.

Wala namang pagbabago. Kanina pa ako tumitingin-tingin sa paligid. Marami akong nakikita na mga kabatch ko noong high school kaso hindi ko naman sila ka-close.

I'm just wondering kung saan nagenroll ang ibang mga kaklase ko. O kung nagtuloy pa ba sila?

Habang abala ako sa paglilibot ng paningin ay parang may nakita akong pamilyar sa akin.

'She's kinda familiar' mahina kong bulong sa sarili ko.

Saan ko na nga ba nakita ang babaeng 'to?

Sa ayos niya ay mukha siyang may hinahanap. Siguro kaibigan niya.

She's wearing a uniform same as mine. Kita ko ang  magandang kurba ng katawan niya dahil sa unipormeng suot niya. Hapit ito sa kanya ngunit hindi naman malaswang tingnan. To be honest ay bagay naman sa kanya ang suot niya.

Naalala ko na!

Siya yung babae sa mall, the one na nakabungguan ko. Nanlaki ang mata ko nang magkatinginan kaming dalawa.

Nakakahiya dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang magsimula na siyang maglakad papalapit sa akin.

“Hi, still remember me?” nakangiting tanong niya sa akin matapos makalapit.

Napalunok muna ako bago kiming sumagot.

“A-ah, yes. Ikaw yung babae sa mall.” nauutal pang sagot ko. Natawa naman siya.

“Hey, are you nervous? Don't be, di naman ako nangangagat haha.” wala naman akong sinabi. I'm just not comfortable being around her.

Siguro dahil we're not closed enough para magkapalagayan ng loob agad. I don't want to be judgemental but I can't help it.

'wag kayong magmalinis dahil alam kong ganun din kayo! charrr.'

“What grade are you and course?” curious na tanong niya at umupo agad sa may katabi kong upuan.

'Fc yarn?'

“Uhm, 1st year and BSED ang course na pinili ko” nagulat pa ako nang napapalakpak siya.

“That's great!! We're same!” masayang bulalas niya.

“And I think magkaklase tayo” nakangiting dagdag pa niya.

Peke na lang akong napangiti. Coincidence ba 'to? Ahy ang overthinker ko na masyado.

After the orientation ay ready na sana akong umuwi nang tawagin niya ako.

“Hey, uuwi ka na agad?” parang disappointed pang tanong niya.

“Oo eh, wala naman na kase akong gagawin after nito.” maayos na sagot ko sa kanya.

“If you want, you can come with us. Kasama ng mga friends ko.” gusto ko sanang tumanggi, but I can't look for any words na sasabihin ko sa kanya. Baka kase masaktan ko ang loob niya or maoffend ko siya.

“Eh kasi—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong hilahin palabas ng gate.

“Don't yah worry, mageenjoy ka sa pupuntahan natin promise!!” tila excited pang sabi niya bago ako mabilis na hinila palabas.

Obsession Series 2: My Daddy's Obsession (On-Hold)Where stories live. Discover now