Chapter 38 : Take Younger Ochea Back Home

1 1 0
                                    

Laglag ang balikat ni Greysille, pag uwi dahil buong araw niyang iniwasan at tinakasan si Jaxter. Pagpasok na pagpasok niya sa kuwarto nila ni Adrianne, bumungad sa kaniya ang lamesa na punong-puno ng mga masasarap na pagkain.

" I'm home!" Pagsurprise ni Adrianne kay Greysille na kinagulat ni Greysille.

Kagabi lamang sila nag usap at nasa harapan na niya agad ang kaibigan niyang kinasusuklaman niya sa lahat. Hindi siya makagalaw sa kinatatayoan niya habang nakatitig sa pagmumukha ni Adrianne. Nahimasmasan lamang siya ng bigla siyang yakapin ni Adrianne ng mahigpit at bumulong ito.

" I miss you." Adrianne said.

Alam ni Greysille na tuwang tuwa si Adrianne na bumalik sa kaniya.

" Hindi ka ba masaya na bumalik ako?" Tanong ni Adrianne kay Greysille.

Biglang ngumiti si Greysille saka siya kunwaring niyakap nito.

" Miss na miss." Salita ni Greysille.

Tuwang tuwa naman si Adrianne sa narinig. Sabay nilang pinagsalohan ang mga pag kain na inorder ni Adrianne sa Food Panda. Gutom na gutom si Greysille dahil wala pa itong kain, mula din sa shift nito.

Ikinuwento ni Adrianne kay Greysille ang ganap sa bahay nila kaya nawala siya bigla. Nakikinig naman si Greysille sa kaniya at ito naman agad ang nagkuwento ng mga nangyari sa araw na wala si Adrianne.

" Wag ka mag alala, hindi kita iiwan." Pangako ni Adrianne kay Greysille.

Mapait na napangiti si Greysille rito.

" Papasok ka na bukas?" Usisa ni Greysille.

" Oo, sabay tayo." Nakangiting sabi ni Adrianne.

" Oo naman." Nakangiti ding sang ayon ni Greysille.

Kinabukasan ay sabay nga silang pumasok, tuwang tuwa si Adrianne sa pagbabalik niya. Pagpasok niya sa classroom nila at agad siyang tinumpokan ng Section F at niyakap sa sobrang pagkamiss ng mga ito.

____

" Bakit hindi ka man lang tumawag sa akin?" Tanong ni Dal kay Adrianne habang nasa rooftop sila.

" Dapat ko ba ipaalam sa iyo?" Tanong pa ni Adrianne.

" Nag aalala ako, Adrianne." Natigilan si Adrianne sa narinig kay Dal.

" Hindi ako sasaktan ng Pamilya ko. Salamat sa pag aalala sa akin. Hindi ko alam na pumunta pala kayo sa party ko, kung hindi nabanggit ni Hernand kanina."

Nagulat si Adrianne ng bigla na lamang siyang niyakap ni Dal.

" Ahem! Puwede ba kung mag gaganiyan kayo, alamin niyo muna kung may tao rito." Interruption ni Jaxter na naroon din pala.

Dahil roon napabitaw si Dal sa pagyakap kay Adrianne at ginawang pag kakataon iyon ni Adrianne para talikuran si Dal.

" Sigurado ka bang girlfriend mo iyon?" Usisa pa ni Jaxter kay Dal kaya si Dal naman ang tumalikod kay Jaxter.

Natawa na lamang si Jaxter sa ibabaw ng rooftop dahil sa ganap.

Nasa kalagitnaan ng klase ng merong kumatok sa pintoan.

" Sir? What I can do for you?" Tanong ni Teacher Thim kay Attorney Luhan.

Nagtama pa ang matalim na tingin ni Luhan at Wyn, bago dumapo ang tingin ni Luhan kay Adrianne na katabi si Hernand.

" Can I asked to take Adrianne Danzel Lim Ochea? We have something to talk about, it's emergency Sir." Pormal na salita ni Luhan.

" Yes you can Sir. Adrianne, mag usap muna kayo ng Kuya mo." Pagpayag ni Teacher Thim na umalis muna sa klase si Adrianne.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang