Chapter 4 : The strength of Adrianne

8 2 0
                                    

Hindi alam ni Wyn, anong igaganti niya dito dahil babae ito. Hindi siya pumapatol sa babae.

Bumaba ang tingin niya sa labi ni Adrianne, iwinaksi niya ang naiisip, sabay titig dito ulit sa mata pero bigla siyang namilipit at abot langit ang nararamdaman niyang sakit.





" AHHHHHH!" Tanga niyang daing.




Tinuhod ni Adrianne ang nasa gitna ng hita niya. Ang pinakaprecious niyang pag-aari.

Kagat labing nataranta si Adrianne, wala siyang paraan kundi gawin iyon dahil nahuli niya itong nakatingin kanina sa labi niya.

Ngayon sobra itong namimilipit sa sakit at napaluhod sa harapan niya, na hindi maipinta ang mukha at pulang-pula.



" Pasen-siya na-a," utal na sabi ni Adrianne sabay iwan dito.



Nahagip pa ng paningin ni Adrianne ang Bag na nakatuntong sa ibabaw ng lababo kaya kinuha niya iyon, saka iniwan doon si Wyn na sobrang umaaray sa sakit nun.


" AHHHHH!" Dinig pa ni Adrianne ang boses nito kahit malayo na siya.






Nasalubong niya ang Guard na nagrurunda at taka siyang tinitigan nito. Napatakip din ito ng ilong, dinaanan niya lang ito at lumabas ng Paaralan.

Napadaan siya sa Basketball Area malapit sa School nila. Nakita niya ang apat na sina Jaxter, ito ang mga nagtulongan sa kaniya at si Jaxter ang nagpasinghot sa kaniya ng pampatulong kineme.

Masama ang tingin niyang nilapitan ang mga ito na enjoy na enjoy sa paglalaro ng Basketball.



Binato niya ang sarili niyang Bag sa pagmumukha ni Jaxter, sabay takbo palapit dito. Gulat na gulat ang apat na lumingon sa kaniya pati ang kunot noong si Jaxter.

Bumungad ang suot na sapatos ni Adrianne sa paningin ni Jaxter at nagmarka agad ang back form ng sapatos nito sa mukha ni Jaxter.

Napahandusay ito sa semento, feeling ni Jaxter para siyang binagsakan ng Jag na merong laman na tubig.

Naging satisfied si Adrianne matapos itong masipa, agad niyang binalingan ng attention ang tatlo na nakatingin sa kaniya.



" Pay back time!" Seryusong sabi ni Adrianne sa kanila at isa-isa niya 'yong sinugod.


Paa lamang ang ginamit niya sa mga ito. Inilabas niya lahat-lahat ng nalalaman niyang fighting scene sa Taekwondo at inapply iyon sa tatlo.

Ngunit mas matibay si Frank kumpara sa Tatlo na tumba na.

" Sakit ng tadyak m!-" Walang inaksayang segundo si Adrianne at tinadyakan niya ang precious nito gaya ni Wyn.

" Masakit talaga," sabi niya dito habang dahan-dahan itong napapaluhod sa harapan niya.

Bumuntong hininga pa muna si Adrianne bago pulotin ang Bag sa mukha ni Jaxter. Sinulyapan niya ang mukha nito bago ito talikuran.

Paika-ika siyang umalis doon, dahil ang sakit-sakit ng binti niya. Ngayon lamang ulit siya napa-away ng ganoon kaseryuso ulit, at walang babae kundi puro Lalaki.



" Adrianne!" Napalingon siya sa tumawag sa kaniya.

Gulat siya ng lapitan siya nito. Walang iba kundi ang karoom mate niyang si Greysille. Alala siya nitong inusisa at tinanong-tanong, gusto niyang matuwa dahil subrang bait nito kahit hindi sila close. Pinapaligo muna siya nito saka ginamot ang mga galos niya, pati ang binti niyang namamaga.

" Aray!" Daing niya ng lapatan nito ng cotton ang putok niyang labi.

Nasiko siya kanina ni Tim ng hindi niya inaasahan, habang nakikipagsuntokan siya dito sabay tadyak.

" Ano ba kasing nangyari sa'yo?" Usisa nito sa kaniya.

" Wala," sagot niya lamang at tinabig ang kamay ni Greysille.

" Tama na, masakit na eh." Reklamo niya kaya iniligpit na lamang ni Greysille ang mga gamit.

Nag-ayaan din silang kumain sa labas matapos ang pag-gagamot sa kaniya nito.


















Walang kibo si Wyn sa gilid ng kama ni Jaxter matapos na pumunta sila sa malapit na Hospital. Nabali kasi ang braso ni Tim, maging puro pasa si Krist at Frank. Magang-maga naman ang pisngi ni Jaxter.



" May oras din siya sa'kin," banta ni Jaxter.

" Tumigil ka nga muna. Nabalian na nga si Tim eh." Saway ni Frank.






Nilingon ni Jaxter si Frank sabay tingin ng masama.





" Igaganti ko siya. Paano ba kasi nakawala ang babaeng 'yon?!" Sigaw ni Jaxter sa silid nila sa galit.

" Minaliit na'tin siya, akala na'tin mahina siya, mas halimaw pala siya sa'tin." Krist.

" Kaya pala hindi siya kinaya ni Dal," sambit ni Frank.

" Tumigil nga kayo!" Saway ni Jaxter sa mga kaibigan.

" Babae lang siya, iiyak din siya." Pampalubag loob ni Jaxter sa mga kaibigan, na minamaliit si Adrianne bilang babae.

" Diba? Ayaw mong makitang merong umiiyak na babae?" Singit ni Wyn sa gilid na nakaupo at nagbabasa.





Natameme si Jaxter dahil sa narinig mula sa bibig ni Wyn. Salubong ang kilay niyang nilingon si Wyn, ipinapaalala naman nito ang pinagdaanan ng Ina niya. Ayaw niya ngang umiiyak ito, pati narin ang babae niyang kapatid.





" Hindi ko naman siya kaano-ano," dahilan ni Jaxter sa kaibigan.

" Pero babae siya," dahilan ni Wyn sabay baba ng binabasang Libro saka binalingan ng paningin si Jaxter.

" Hindi siya babae! Tingnan mo kayang ginawa niya sa'min." Galit na giit ni Jaxter.






Nagpalitan ng tingin sina Frank at Krist dahil parang nagtatalo na ang dalawa.



" Kung gano'n kayo na ba ang babae ngayon? " Tanong ni Wyn sa tatlo, sabay tayo.



Itiniklop niya ang libro at agad na naglakad palabas ng pinto. Hindi nakapagsalita silang tatlo sa loob, matapos sabihin'yon ni Wyn sa kanila.



" Bumalik ka dito Wyn!" Sigaw ni Jaxter na nag-iinit ang ulo dahil sa inis.


Ngunit wala na si Wyn paglabas ni Jaxter sa pinto matapos makarecover.




" Hayaan mo na." Awat ni Krist kay Jaxter.



Ilang beses na pinakalma at nagpakalma si Jaxter bago magpahinga sa higaan niya. Ngunit hindi naman siya makatulog, iniisip parin niya ang ginawa sa kaniya ni Adrianne.



Hindi niya akalaing mapapatulog siya nito matapos na sipain siya nito sa pagmumukha at nawalan ng malay paghaplak niya.





" Nakakadalawa na talaga siya sa'kin!" Galit na sambit ni Jaxter sa isipan.



Saka naglalaro din sa isipan niya ang mga sinabi ni Wyn sa kaniya.




" Diba? Ayaw mong makitang merong umiiyak na babae?"

" Pero babae siya,"



" Bakit kailangan niya pang sabihin sa'kin 'yon? Tss!" Rant ni Jaxter sa kalaliman ng gabi.


" Babae nga siya pero gawing Lalaki naman!"

Unobtrusive Lovers  (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant