Chapter 32 : Hostage

5 1 0
                                    

Trigger Warning ⚠︎

There are triggered violence and vulgar words ahead!

Enjoy reading!





Iniharap nina Mv at Cobra ang dalawang hostage nila kina Kuwago, Wyn, Dal, Tope at Perth.

" Wag kayong susunod." Nang-aasar na boses ni Cobra saka nila hinila papaalis ang dalawa.

Bakas ng pag-aalala ang mukha ni Wyn para sa kaibiga.mn at sa babaeng napupusoan niya. Naniniwala naman si Kuwago sa kakayahan ni Adrianne na makawala kay Cobra ngunit nag-aalala siya para sa bagets na malala ang kalagayan.

" Walang susunod sa inyo." Natatawa pang sabi ni Mv na parang hindi nakatikim ng sipa at panuhod kay Adrianne kanina lamang.

Hindi gumalaw ang lima sa kinakatayoan at pinanood lamang ang sina Adrianne at Jaxter na kaladkarin ng mga ito.z

" Mamatay si Jaxter kapag naubosan siya ng dugo," sambit ni Dal na puno ng pag-aalala sa dalawa, lalo na sa kalagayan ni Jaxter.

" Iligtas niyo ang Leader niyo ako ang bahala kay Mv, wag niyo na alalahanin si Adrianne. Kaya niya ang sarili niya." Mando ni Kuwago sa apat na bagets.

Ngunit tutol naman rito ang dalawa.

" Anong wag alalahanin?!" Kuntra nina Wyn at Dal na sabay magsalita n' on.

Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa at naglingonan. Ganoon rin si Tope at Perth sa isa't isa, kinukuwestiyon nilang dalawa ang reaction ni Wyn.

" Sundin niyo ang sinabi ko, wag na matigas ang ulo." Salita ni Kuwago saka tinalikuran sila.

" Sa rooftop sila papunta." Dugtong pa ni Kuwago habang naglalakad papalayo, maghahanap ng daan papunta roon.

Sumunod sina Tope at Perth dito maliban sa dalawa na masama ang tingin sa isa't isa.

" Umamin ka nga." Salita ni Dal kay Wyn.

" Wala kang karapatan." Salita din ni Wyn dito saka ito tinalikuran at sumunod kina Kuwago.

Naiwang nakatulala si Dal dahil sa narealized niya. Hindi siya makapaniwala sa salitang binitawan ni Wyn sa kaniya.

Pagdating nila Cobra, Mv, Jaxter at Adrianne sa rooftop. Agad na merong tinawagan si Cobra ng hindi inaalis ang baril sa ulo ni Adrianne at mas lalo pang idiniin ito.

" Magpadala ka ng helicopter, dito sa abandonadong kuta na'tin." Utos ni Mv sa kabilang linya.

Binibigkas 'yon ni Cobra habang nakatitig sa mukha ni Adrianne. Matapos ibaba nito ang tawag ay tinuonan niya ng pansin si Adrianne.

" Lumaki kana talaga," puna pa ni Cobra na nakangiti. " Ikakalugi ni Knoxville kapag nadali kita." Nakangising salita nito.

Masamang titig ni Adrianne ang pumukol sa kaniya.

" Gurang ka na nga bastos ka pa." Singit ni Jaxter na hindi alintana ang baril na nasa ulo niya rin, mula kay Mv.

Inis na inis kasi si Jaxter sa dila nito.

" Manihimik ka kung ayaw mong iputok ko 'to." Banta ni Mv sa kaniya.

Nagpakawala ng mahinang tawa si Jaxter na parang hindi man lang natatakot rito.

" Nakakatuwa ka naman," papuri pa ni Jaxter kay Mv kaya ganoon na lamang ang pagdiin lalo ng baril ni Mv sa ulo niya.

Gustong dumaing ni Jaxter sa sakit ngunit pinilit niyang kagatin ang labi, bilang pagpigil rito.

Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now