Chapter 15 : Girl crush

5 2 0
                                    

Laglag ang balikat ni Wyn habang pinapanood si Adrianne sa P.E Day nila. Hindi pala Lalaki ang tipo ni Adrianne kundi Babae. Sandaling napaisip siya bakit mayroon siyang naiisip na ganoon karibal-karibal.



" May gusto ba ako kay Adrianne?" Tanong ni Wyn sa sarili.



Pag-isip-isip niya, naweweirdohan na rin siya nitong mga nakaraang araw, sa sarili niya. Hindi naman gaano si Adrianne kagandahan pero napakalakas ng dating nito.


" Aray!" Sigaw na daing ni Adrianne kaya nagising si Wyn sa kakaisip.


Dumako ang paningin niya kay Adrianne na nasa semento nakaupo at masama ang tingin kay Jaxter.


" Sorry ha, namali lang ako ng bato." Palusot ni Jaxter, sabay talikod kay Adrianne ng hindi ito tinulongan na tumayo.

Kitang-kita ni Wyn ang ngisi ni Jaxter matapos 'yong gawin kay Adrianne, ang mabato ng Bola.


" Tulongan na kita." Hernand.

Tinanggihan ni Adrianne ang alok ni Hernand na kamay at kusang tumayo, chill siyang naglakad palapit kay Jaxter at biglang sinabunotan ito ng matindi.


"ARAY!" Sobrang lakas na sigaw ni Jaxter na dumagundong sa buong Gymnasium nila.

Sa batok siya sinabunotan ni Adrianne kaya panigurado ang sakit, na nadulot nito sa kay Jaxter, lalo pa't may kahabaan ang buhok nito.




" Sorry, ha. Hindi ko din sinadya." Seryusong sabi ni Adrianne na namimilosopo kay Jaxter, gaya ng ginawa nito sa kaniya.

Agad na bumitaw si Adrianne sa buhok ni Jaxter sabay walk out, at kinuha kay Hernand ang hawak na baseball bat.


" Saan mo 'yan gagamitin, Adrianne?" Alalang tanong ni Hernand.

Hindi ito pinansin ni Adrianne at naglakad papunta kay Jaxter na nakaupo sa semento at haplos-haplos ang batok, dahil sa sakit ng pagkakasabunot ni Adrianne dito.


Umalma ang lahat dahil sa tingin ni Adrianne.

" Jaxter! Takbo!" Sigaw ni Wyn kay Jaxter, na unang nakapuna ng maaaring gawin ni Adrianne.

Agad namang napalingon si Jaxter kay Adrianne na palapit sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya sa gulat.



" P*tangina! Pigilan niyo 'yan!" Sigaw ni Jaxter at agad na tumakbo patakas kay Adrianne.


Tumakbo naman ang pito papalapit kay Adrianne para pigilan ito, pito silang naghawak-hawak para pigilan si Adrianne.



" Bitaw! Bitaw! Tatamaan sa'kin 'yang Jaxter na 'yan!" Sigaw ni Adrianne na hindi mapakalma.

Alam niya kasing selos na selos ito sa kaniya at pikon na pikon sa kaniya.





Tinawag ni Jaxter si Sir Thim Ikonomi para magsumbong dito sa gagawin sa kaniya ni Adrianne.



" Wag mo nga akong patawanin, Jaxter." Busy na sabi ni Sir Thim dito kay Jaxter, habang merong chenichekang papel.

" Sir, totoo naman sinasabi ko." Giit pa ni Jaxter kay Teacher Thim.


Buntonghininga na humarap si Teacher Thim kay Jaxter, na itinigil ang ginagawa.



" Paano ako maniniwala sa'yo? Lalaki ka Babae si Adrianne, at bilang nag-iisang Babae sa Section F, puwede niyo siyang pagtulongan." Paliwanag ni Teacher Thim kay Jaxter.




Unobtrusive Lovers  (Completed)Where stories live. Discover now