Chapter 31

307 9 1
                                    

Kelly POV

Isang buwan na simula ng lumipat kami sa bahay ni Phoenix at walang araw na hindi nasisira ang araw ko sa kanya, pero kung tungkol naman sa samahan nila ng anak ko ay hindi naging mahirap sa kanya dahil mabait na bata naman si Matt kaya mabilis niya 'tong natanggap.

Naiinis lang ako kasi madalas kaming magbangayan lalo na sa nangyari sa nakaraan, pilit niyang pinagsisiksikan sa akin na wala siyang kasalanan at hindi totoo ang mga nakita ko pero ang hirap paniwalaan lalo na't nasaktan ako. At kung totoo man ang sinasabi niya ay wala na akong pakialam sa bagay na 'yon. Matagal na akong nakamove on at wala na akong plano pang bumalik sa kanya.

Alam kung sinusubukan ni Phoenix na ayusin ang samahan namin pero para sa akin ay hindi ko na yata kaya pang makipagbalikan sa kanya.

"Ang aga aga nakabusangot na ang mukha mo," napatingin siya sa nagsalita at nakita niyang si Zion 'to.

"Sino na naman kasi ang matutuwa kung araw araw kung makita ang pagmumukha ng kaibigan mo," umirap pa ako ng sabihin ko 'yon.

"Oo nga pala, anong nangyari? Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw kaya wala akong naging balita. Si Basti nga lang ang nagsabi sa akin na lumipat na kayo ng bahay,"

"Para namang hindi mo kilala si Phoenix, sigurado ako na ng makita niya ang anak ko sa mall ay naghinala na siya lalo na't nalaman niya pang ako ang ina ni Matt. Hindi naman 'yon tanga para hindi alamin ang totoo. Kaya 'yon ng napatunayan niya na siya ng ang ama ay pinuntahan niya ako sa condo, hindi ko syempre napaghandaan ang bagay na 'yon. Hindi ko din naman pwedeng itanggi dahil alam ko naman na bago pa siya humarap sa akin ay may pruweba na 'yon." pagkwento ko sa kanya.

Tumango tango naman si Zion. "Sabagay, wala ka naman talaga matatago sa gagong 'yon. So paanong nangyari na nandito kayo ngayon sa bahay niya?"

"Gusto niyang makasama ang anak niya, hindi naman siya pumayag na bisitahin niya lang o hiramin sa akin. No'ng una hindi ako pumayag kaso tinakot niya ako, sinabi niyang hindi siya papayayag ng gano'n dahil ilang taon ang lumipas at gusto niyang bumawi sa bata kaya kailangan sa kanya tumira at kapag hindi ako papayag ay sa korte na kami magkita. Ayaw ko naman na dumaan pa sa gano'n dahil baka matrauma si Matt," saad ko.

"Siguro ay maganda na din ang naging desisyon mo na 'yan para naman maayos niyo ang gusot niyo, mas maganda kapag nabigyan niyo ng buong pamilya ang bata,"

"What are you talking about, Zi? Wala na akong pakialam sa kanya, kaya lang ako nandito dahil sa anak ko. Ni madikit nga sa kanya ay ayaw ko." wika ko.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito. "Devone, subukan niyo kayang mag usap na dalawa, baka kasi mali ang pinaniwalaan mo. Naniniwala naman ako na mahal mo pa rin siya, sadyang natatakpan lang ng sakit at galit 'yang puso mo sa pag aakalang niloko ka niya,"

"Hindi ko na siya mahal, kung ano man ang meron sa amin noon ay tapos na 'yon. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Ginagawa ko lang makisama sa kanya para kay Matt." paliwanag ko.

"Hmmm, baka naman mamaya kapag napagod na sayo 'yong tao at makahanap ng iba ay ngangawa ka." natatawa pa 'to.

Pinanindkitan ko naman siya ng mga mata. "Tigilan mo nga ako, mas maganda nga 'yon para naman hindi niya na ako guluhin. Wala naman kasi siyang aasahan sa akin," saad ko.

Nag usap pa kaming dalawa at naputol lang 'yon ng dumating si Phoenix kasama ang anak namin, gusto ko man umalis ay hindi ko magawa dahil ayaw ko naman na isipin ni Matt na hindi kami okay ng ama niya kahit 'yon naman ang totoo. Gusto kung maging masaaya siya.

"Hello, Papa Ninong," bati ng anak ko kay Zion.

"Hello, buddy. How are you? Are you enjoying here?" tanong nito.

One Hot NightWhere stories live. Discover now