Chapter 25

239 12 0
                                    

Basti POV

Kasalukuyan akong nasa mall at kasama ko ang pamangkin ko, umalis kasi si Kelly dahil may importante siyang gagawin kaya nilibang ko na muna itong batang maliit. Pinaglaro ko na lang muna si Matt dahil isa ito sa paborito niyang gawin kapag nandito kami.

Minsan naaawa din ako sa kalagayan ng batang ito, alam kung gusto niyang makilala at makasama ang kanyang ama pero hindi niya magawa itong sabihin sa Mommy niya dahil ayaw niyang masaktan ito, matalinong bata si Matt kaya kahit sa murang edad ay madali siyang makaintindi ng mga bagay bagay. I'm still wishing na sana dumating ang araw na magkaayos pa ulit ang pinsan ko at si Phoenix.

Natigil ako sa pag iisip ng maramdaman ko ang isang kamay na kumakalabit sa akin. "What is it Matt?" tanong ko.

"Tito, I am hungry na po." nakangusong saad niya.

Ngumiti naman ako at saka ginulo ang kanyang buhok. "Alright. Where do you want to eat?" tanong ko sa kanya.

"Kahit saan na po tito, gutom na po kasi ako."

"Oh sige, let's go. Maghanap tayo ng restaurant na hindi masyadong maraming tao para mabilis tayong maka order at mapakain na natin ang bulati sa tiyan mo." anas ko.

Nanlaki naman ang kanyang singkit na mga mata. "Bulati? What is it tito? Hindi po ba masama 'yon kapag nasa loob ng tiyan? Do I need to tell mommy about it?"

Tumawa naman ako. "I'm just joking baby." wika ko.

"I have no bulati in my stomach po?"

"No, so stop thinking about it. Nagjojoke lang si tito. Okay?" sambit ko at saka hinawakan ko na ang kanyang kamay para makaalis na.

Nag ikot ikot pa kami para maghanap ng makakainan na hindi masyadng matao para naman mabilis lang makakha ng pagkain kaysa naman maghintay pa kami ng matagal eh gutom na itong kasama ko.

Hindi din nagtagal ay nakakita kami ng seafood restaurant, tinanong ko muna si Matt kung gusto niya na do'n na lang kami kumain at tumango naman ito. Hindi mapili ang batang ito sa kanyang kinakain kaya kahit saan ay okay lang sa kanya.

Pumasok na kami sa loob at naghanap ng bakanteng upuan, mabilis naman na lumapit sa amin ang waiter at saka tinanong ang order namin, hinayaan kung si Matt ang pumili ng gusto niyang kainin para naman marami siyang makain at nang matapos na kaming umorder ay nagpaalam na ang waiter at maghihintay na lang daw kami ng ilang minuto para maserve ito.

"Are you really hungry baby?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman ito. "But I can wait naman po tito, mabilis lang naman at darating na rin ang foods natin so I can feed my little tummy." ngumiti naman ako sa kanya, ang cute talaga tingnan ng batang ito. Kamukhang kamukha niya ang kanyang ama kahit saang anggulo tingnan.

After a minute of waiting ay dumating na din ang pagkain namin kaya wala na kaming sinayang na oras at kumain na, minsan napapatingin na lang ako sa kasama ko dahil ang gana niyang kumain, marahil ay gutom na talaga ito. Ilang oras na kasi siyang naglalaro kanina simula ng dumating kami dito. Pagkatapos namin kumain ay nag order pa kami ng ice cream dahil gusto ni Matt ito.

"Tito is that Papa Ninong?" napatingin ako sa taong tinuturo ng pamangkin ko at nakita ko si Zion 'yon. Pero ang ikinalaki ng mata ko ay ang mapansin na kasama niya si Phoenix.

"Y-yes baby, pero hayaan mo na at baka nasa me--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Matt dahilan para mapatingin sa kanya ang mga binata.

"Papa Ninong!"

Napahilamos ako sa aking mukha at mabilis na hinawakan ang kamay ni Matt ng akmang tatakbo ito papunta sa kinaroroonan ni Zion.

"M-matt I told you not to bother your Papa Ninong at may meeting siya." mahinang saad ko.

Ngumuso naman ito. "Is it bad Tito?" tanong niya sa akin, magsasalita pa sana ako ng maramdaman ko na may tao sa likuran ko.

"Hi, buddy." bati ni Zion sa gilid ko. Tiningnan niya naman ako habang umiiling. "You're really dead Basti." bulong nito sa akin at nakita kung nasa likuran niya sina David at Phoenix na seryosong nakatingin sa pamangkin ko. Alam kung matalino si Phoenix at hindi malabong hindi niya malaman na anak niya ang kasama ko dahil kamukha niya ito.

"I'm sorry Papa Ninong, akala ko po kasi your having your meal lang po. Hindi ko po alam na nasa meeting ka po." hinging paumanhin ng bubwit.

Ngumiti naman si Zion. "You don't need to say sorry buddy, I'm just eating with my friends." sagot naman nito.

"Friends po?" kuryos na tanong ng bata at sumilip pa sa likuran. "Hello po." bati niya sa dalawa. Habang ako ay kanina pa kinakain ng kaba. Mapapatay ako ng pinsan ko.

Nakita kung lumapit si Phoenix sa pamangkin ko at lumuhod pa ito para mapantayan ang bata. "Hi little boy. I'm Phoenix and this one is David." saad nito pero titig na titig kay Matt.

"Hello po, it's so nice to meet you po. Ang galing naman po kasi magkamukha tayo. Ikaw po ba ang Daddy ko?"

Nagulat ako dahil sa sinabi ni Matt at gano'n din ang naging reaksyon ni Zion. Mabilis naman akong lumapit sa kanya. "Ano ba 'yang sinasabi mo Matt, hindi ba at nasa work ang daddy mo." anas ko.

Ngumuso naman ito. "Sorry tito, napansin ko lang po kasi na magkamukha kami. Ang sabi ni Mommy ay kamukhang kamukha ko si Daddy, eh hindi ko pa naman pa siya nakikita." 

"Who is your mother little kiddo?" tanong ni Phoenix kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapalunok.

"Basti diba ay may pupuntahan pa kayo ni Matt?" agarang saad ni Zion, alam kung tinutulungan niya lang din ako na makaalis sa lugar na 'yon.

"Oo nga pala, may kailangan pa kaming puntahan." mabilis na sagot ko at saka nagpaalam sa kanila. Mabuti na lang at nakaalis kami sa lugar na 'yon ng walang naging problema. Pasalamat na lang talaga ako kay Zion dahil nandyan siya. Kailangan kung sabihin kay Kelly ang nangyari ngayon para aware siya. Mabilis kung isinakay si Matt sa sasakyan at nagdrive pauwi dahil sigurado akong nando'n na ang pinsan ko.

Siguro naman ay hindi magagalit sa akin si Kelly dahil hindi ko naman alam na nando'n din si Phoenix at hindi ko naman inaasahan na magkakatagpo ang landas ng mag ama. Kahit naman ako ay nagulat din sa pangyayari.

One Hot Nightजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें