Chapter 2

704 15 0
                                    

Kelly POV

Kanina pa ako nandito sa opisina ko pero pakiramdam ko ay hindi ako makapag focus sa mga ginawa ko, palaging sumasagi sa isipan ko ang nangyari ng gabing 'yon. Ang tanga ko lang dahil hindi ko man lang tiningnan ang kanyang mukha pero nakuha ko ang calling card niya na nasa mesa.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang kaibigan ko na si Maria. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Ikaw pa ang ganang magtanong sa akin ng ganyan na parang hindi ka nawala kagabi. Saan ka nagpunta babae? Pagbalik namin sa pwesto natin ay wala ka na do'n. Sinubukan ka pa naming hanapin pero wala ka talaga.

Napakamot naman ako sa aking ulo. "Lasing na kasi ako kaya nauna na akong umuwi. Hindi ko na kayo nasabihan kasi alam mo na ang daming tao sa bar at nahihilo na ako." pagsisinungaling ko.

"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, kilala kita at alam ko kung kailan ka nagsisinungaling o hindi." titig na titig siya sa akin.

Magsasalita pa lang sana ako ng bumukas na naman ang pinto at pumasok si Kylline na may hawak na Frappe. "Oh ikaw anong ginagawa mo din dito?" tanong ko sa kanya.

"Bibisitahin ko lang sana ang kaibigan ko na bigla na lang nawala kagabi. Oh kaninong kama ka na naman nagpabayo?" walang prenong saad niya.

"Alam mo ang bastos ng bunganga mo!" singhal ko sa kanya.

"Magiging bastos lang ako kung nakahubad ako at nakikipag chukchakan sa harapan mo." wika niya at umupo sa tabi ni Maria.

"Iyan din ang tinatanong ko sa kanya kanina pa, sabi niya daw umuwi siya. Akala niya naman maniniwala tayo eh alam naman natin ang gawain niya." sabat naman ni Maria.

"Eh ano namang masama do'n? Single naman ako ah. Ano kayo lang may karapatan makipag sex?" anas ko.

Nagkatinginan naman silang dalawa. "So totoo nga?" tanong ni Kylline.

"Oo na! Ang kulet niyong dalawa." sagot ko.

"Iyon naman pala kaya nakalimutan na niyang kasama niya tayo dahil may kalandian na. Kaya pala hindi natin mahanap sa bar kasi nasa ibang lugar na." saad naman ni Maria.

"So kamusta naman? Masarap ba? Malaki?" sunod sunod na tanong ni Kylline.

"Ano ba naman klaseng tanong 'yan? Tigilan mo nga ako. Hindi ko nga pinapakialaman ang sex life niyo ni David." anas ko.

Inirapan niya naman ako. "At kailan ka pa nahiya sa usapan na ganyan? Tigilan mo nga ako Kelly Devone sa pag iinarte mo. Ano nga?" pamimilit niya.

"Well, he's good in bed, he's like a beast. Hindi ko na mabilang kung nakailan kami kagabi." wika ko.

"Mukhang nasarapan nga ang gaga." untag naman ni Maria.

"So kilala mo ba kung sino?" tanong ni Kylline.

Umiling naman ako. "Hindi ko nakita ang buong mukha niya kasi nakatalikod siya sa akin ng magising ako at hindi na ako nag abala pang titigan siya dahil nagmadali na akong umalis." sambit ko.

"Paano mo naman malalaman kung ang lalaking 'yon ang naka one night stand mo kung hindi mo naman pala nakita ang mukha." bulalas ni Maria.

"Nakuha ko ang kanyang calling card, hindi ko lang na tingnan kung ano ang pangalan niya." sagot ko sa kanila.

Nag usap pa kami ng mga bagay bagay, mabuti na lang at hindi na sila nagtanong pa tungkol sa nangyari sa akin kagabi dahil hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko. Naunang nagpaalam si Kylline dahil nandyan na si David na fiance niya at may pupuntahan pa sila kaya naiwan kaming dalawa ni Maria.

Nang makauwi na ako ay dumiretso na ako sa kwarto dahil hindi na ako kakain, bago pa kasi ako makauwi ay kumain na kami ni Maria.

Akala ko ay makakatulog na ako ng maayos pero mukhang nagkamali ako, sa tuwing sinusubukan kung ipikit ang aking mga mata ay pumapasok sa isipan ko ang lalaking naka sex ko, hindi malinaw sa akin ang kanyang mukha dahil sa dilim ng kwarto.

Sa tuwing nakahiga ako sa kama ay naaalala ko ang kanyang mga pag haplos sa aking katawan. Pakiramdam ko ay hinahawakan at hinahalikan niya pa rin ako. Kailangan kung matanggal ang lalaking 'yon sa isipan ko. It was one night stand for petes sake!

Nagdaan pa ang mga araw at hindi ko pa tuluyang nabubura sa alaala ko ang mainit na gabing pinagsaluhan namin ng lalaking 'yon kaya napipilitan akong paligayahin ang sarili ko gamit ang kamay ko. Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay saka ko naalalang tingnan ang calling card ng lalaking nakasiping ko, kinuha ko 'yon sa drawer at tiningnan para kahit sa pangalan lang ay malaman ko.

"Phoenix Mattias Anderson," pagbasa ko sa kanya pangalan, pamilyar siya sa akin hindi ko lang alam kung saan ko ba ito narinig. At dahil hindi ko talaga maalala kung sino siya kaya binalik ko na lang ang card sa drawer at nahiga na sa kama dahil kailangan kung makapag beauty rest dahil may party akong pupuntahan bukas.

****

Maria POV

Kasama ko ngayon si Kelly na nakaupo dito sa isang table, nasa isang party kami dahil ininvite kami ni Kylline. Hindi ko nga alam sa babaeng 'yon kung bakit pati kami ay dinamay niya. Kanina ay kasama namin siya hanggang sa nagpaalam muna ito dahil tinawag siya ng kanyang fiance.

"Hoy gaga! Anong iniisip mo?" tanong ko dito sa katabi ko na kanina pa tahimik.

"Wala naman, inaantok lang ako." sagot niya naman.

"Paano kung ano ano pa kasi ang ginagawa mo himbis na matulog. Inuuna mo pa ang kalandian kaysa magpahinga." saad ko sa kanya.

"Wow ha! Kung makapagsalita ka akala mo hindi ka malandi, dinaig mo pa nga ang mga pokpok."

"Whatever! Huwag ka na ma bored diyan, sigurado naman na may mauuwi tayo mamaya. As you can see ang daming pogi dito sa party. Kaya himbis na magmukmok ka diyan ay mag enjoy ka na lang." anas ko at inirapan niya lang ako.

Napadpad an tingin ko sa may entrance at nakita kung papasok ang CEO ng Anderson Company. "Ang pogi talaga ng lalaking 'yan." mahinang turan ko.

"Sino?" tanong naman sa akin ni Kelly.

"Ayon oh. Siya si Phoenix Mattias Anderson" sabay turo ko sa lalaking mala adonis kung maglakad kasama ang isang babae.

Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata ng kaibigan ko na animo'y nakakita ng multo, titig na titig siya sa sinasabi kung lalaki at mayamaya pa ay lumipat ang kanyang tingin sa babaeng hawak nito, parang may kung anong emosyon akong nakikita sa mukha ni Kelly pero hindi ko malaman kung ano 'yon.

"Okay ka lang ba? Bakit namumutla ka?" tanong ko sa kanya.

"O-okay lang ako." nauutal na sagot niya.

"Sigurado ka ha? O baka naman napogian ka din sa Anderson na 'yan." anas ko pa pero wala akong narinig na sagot sa kanya.

One Hot NightWhere stories live. Discover now