Chapter 22

266 10 0
                                    

Zion POV

Palabas na ako ng Anderson Building ng maabutan ko pa si ko pa si Kelly but I prepare to call her Devon, tinawag ko siya at agad naman siyang ngumiti sa akin kaya lumapit ako sa kanya. Hindi ko lubos maisip na siya pala ang sinasabi sa akin ng kaibigan ko, ang liit nga naman talaga ng mundo.

"May pupuntahan ka pa ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman ito. "Why?"

"Let's grab some coffee? Meron malapit dito." pag aya ko sa kanya.

"Sure, kailangan di talaga kitang makausap."

Nang makarating na kami sa isang Cafe malapit dito sa kompanya nila Phoenix ay umorder muna kami at saka naghanap ng bakanteng mauupuan.

"Hindi ko alam na ang taong kinekwento mo pala sa akin ay ang kaibigan ko." panimula ko sa kanya.

"Kahit ako ay nagulat ng malaman kung magkakilala pala kayo at higit sa lahat ay magkaibigan pa." natatawang sambit niya.

"Siya ba?" tanong ko.

Tumingin naman siya. "What do you mean?"

"Siya ang ama ni Matthew diba?" kahit na hindi ko siya tanungin ay alam kung sa kaibigan ko 'yon.

Dahan dahan naman siyang tumango.

"I knew it, kamukhang kamukha siya ng anak mo, kahit ng makita ko pa lang siya ng nasa ibang bansa tayo ay naisip ko din ang bagay na 'yan pero dahil sa hindi ko naman alam na may koneksyon kayong dalawa ay akala ko nagkataon lang. Lakas ng genes ni gago." anas ko.

"Zi, nakikiusap ako sayo. Alam kung magkaibigan kayo pero sana ay huwag mong sabihin sa kanya ang tungkol sa anak ko."

"Bakit Devon? He deserve to know the truth at isa pa alam mong kailangan din ng anak mo ang ama." seryosong turan ko.

"I know, wala naman akong balak itago sa kanya ang tungkol kay Matt. Hindi pa lang talaga ako handa ngayon. Kaya sana hayaan mong ako ang magsabi sa kanya ng totoo."

Bumuntong hininga naman ako at saka tumango.

"Thank you Zi."

"Pero kailangan mong paghandaan ang bagay na 'yan Devon, maliit lang ang mundo na ginagalawan natin dito at oras na makita siya ni Phoenix ay malalaman niya agad na siya ang ama ni Matt lalo na kung ikaw ang ina nito. Matalino ang kaibigan ko at isa pa kamukhang kamukha niya ang anak niyo." pagpapaalala ko sa kanya.

"Alam ko 'yon, ang unfair nga kasi ako ang naghirap pero halos nakuha niya lahat sa ama niya."

Natawa naman ako. "Malakas ang dugo ng Anderson pero ayos lang naman 'yan kasi minsan sweet din naman ang anak mo eh." wika ko.

"Sinabi mo pa, kanina nga ay gusto pang sumama sa akin. Kung alam niya lang na kinakabahan na nga akong makaharap ang tatay niya ang isama pa kaya siya."

"Kaya pala kanina namumutla ka. Naiimagine ko na tuloy kung ano ang magiging reaksyon ni Phoenix kapag nalaman niyang may anak kayo." saad ko.

"Sigurado naman akong magagalit siya sa akin pero wala akong pakialam, dapat lang naman sa kanya ang taguan ng anak dahil sa pagiging gago niya."

"Paano pag kinuha niya sayo si Matt?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako papayag na mangyari ang bagay na 'yon Zi, hindi ko tatanggalin ang karapatan niya bilang ama ng anak ko pero hindi ako papayag na kunin niya ito sa akin."

"You know what Devon bakit hindi mo subukan pakinggan ang side niya. Alam kung wala ako sa posisyon para sabihin ang bagay na ito dahil alam kung sobra kang nahirapan ng mga panahon na pinagbubuntis mo pa lang ang anak niyo. Ang sa akin lang baka kasi kapag nakapag paliwanag siya sayo ay maayos niyo pa ang relasyon niyo."

"Hindi ko alam kung kaya kung pakinggan ang paliwanag niya Zi, pagkatapos ng lahat ng nasaksihan ko ay hindi madali sa akin ang kalimutan ang lahat. Naging bangungot sa akin ang bagay na 'yon kaya hindi pa ako handa sa kung ano ang sasabihin niya."

"I will not force you about it, pero sana pag isipan mo ang mabuti. Isipin mo ang anak niyo mas magiging masaya siya kapag nabuo kayong pamilya." ani ko at saka nagpatuloy sa pagkain.

Habang nagkwekwentuhan kami ay nakita kung pumasok si Phoenix kasama si David. Mukhang tadhana talagang mag krus palagi ang landas nila. Nang matapos makaorder ang dalawa ay tinawag ko ang mga ito dahil may bakante pa namang upuan sa pwesto namin, pinandilatan naman ako ni Devon at saka inapakan pa ang paa ko.

"Akala ko ba ay may importante kang pupuntahan? Hindi mo naman sinabi na may date lang kayo ni Kelly." pang aasar ni David, gago talaga 'to.

"So ito ang tinatawag mong importante Zion?" seryosong turan ni Phoenix.

"Chill pare, may pupuntahan talaga ako mamaya. Niyaya ko lang muna si Kelly na magmeryenda." sagot ko naman.

"Inuugali mo talaga ang pagiging babaero mo." anas niya.

"Minsan lang naman pre, pero matino ako kapag sa harap ni Devon." anas ko habang nakangisi.

"I didn't know na nag iba na pala taste mo sa babae."

"What do you mean? Hindi naman nag iba kung ang tinutukoy mo ay si Kelly. She's expensive though." pang aasar ko pa lalo sa kanya.

"Oh shut up Phoenix at huwag mo akong dinadamay diyan, huwag mong pag isipan ng masama si Zion dahil wala siyang ginagawang mali. Hindi masama ang maging friendly kaya huwag mo siyang itulad sayo." sabat naman ni Kelly. Lihim akong napangiti dahil halatang napipikon na ang kaibigan ko samantalang si David ay mukhang natutuwa din sa nangyari.

"Oh really Kelly? Bakit mas kilala mo ba ang kaibigan ko? Don't talk as if you know him dahil kung may mas nakakakilala man sa kanya 'yon ay ako at hindi ikaw." sagot ni Phoenix.

"Hindi ko sinabi na mas kilala ko siya at kahit na mas kilala mo siya ay wala naman akong pakialam." banat naman ni Kelly.

"Sabagay kailan ka ba nagkaroon ng pakialam sa nararamdaman ng iba tao. You're selfish." saad ni Phoenix.

"Kung makapagsalita ka akala mo ang linis linis mo. So what if I'm selfish atlis hindi ako cheater." madiin na wika ni Kelly.

"I didn't cheat! You just assume." seryosong anas ni Phoenix.

"Hindi ka lang pala cheater, sinungaling din." panunuya pa ni Kelly.

"Stop guys! Chill lang kayong dalawa." awat ko sa kanila, alam ko kasing nauubos na ang pasensya ni Phoenix.

"Sana hindi mo sila inawat bro, ang saya kaya pakinggan ng away nila. Ngayon lang naman ganyan ang dalawang 'yan, masyadong mainit ulo sa isa't isa pero sa susunod sa kwarto na magpapainit ang mga 'yan." natatawang wika ni David.

"Dream on David." singhal sa kanya ni Kelly.

Mabuti naman at hindi na sila nag away pang dalawa at kumain na lang kami ng matiwasay. Pagkatapos ay nauna ng magpaalam si Kelly, gusto ko pa siya sanang ihatid pero tumanggi na ito.

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon