Chapter 12

279 8 0
                                    

Phoenix POV

Sa mga nakalipas na linggo ay maayos naman ang relasyon namin ni Kelly maliban na lang nitong linggo na madalas kaming mag away na dalawa dahil kay Elysse, may bago kasing project ang kompanya at dahil wala nga ang pamilya niya dito kaya siya ang umattend at nakakasama ko pero dahil sa mainit ang dugo sa kanya ng girlfriend ko kaya madalas nag uugat ng pagsasagutan namin, pero kahit papaano ay nagkakaayos din naman kami.

"Baby, I'm going now." paalam ko sa kanya, hinatid ko kasi siya sa restaurant bago ako pumasok sa opisina.

"Okay, take care." sagot naman nito at humalik sa pisngi ko.

"I'll fetch you later, okay?" tumango naman siya at saka pumasok na sa loob.

Nang makarating ako sa opisina ay nagsimula na agad akong magtrabaho para hindi na matambakan pa. Marami rami din kasi akong mga kailangan na pirmahan para masimula na ang ibang projects, plano ko din kasi na magleave muna pagkatapos nito para makapag bakasyon na naman kami ni Kelly.

Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si David. "Hey fucker, sasama ka ba mamaya?" tanong nito sa akin?"

"Saan? Do'n ba sa party? Hindi ko pa alam kasi susunduin ko pa si Kelly at hindi ko pa nabanggit sa kanya ang bagay na 'yan kasi nawala din sa isip ko." sagot ko sa kanya na ikinatango niya naman. Hindi naman siya nagtagal dahil may pinirmahan lang siya sa akin at umalis din.

Dumating na ang hapon at nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay naubos kung gawin ang mga pendings na files. Ilan na lang ang naiwan sa lamesa ko. Habang nagpapatuloy ako sa pagpirma ay pumasok si Elysse.

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"Uuwi ka na ba?"

Tumingin naman ako sa kanya. "Hindi pa ako tapos sa gagawin ko pero aalis na din ako mayamaya kasi susunduin ko pa si Kelly. Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Baka pwede naman magpahatid sa condo ko kasi nasira ang kotse ko kaya pinaayos ko muna at ang sabi ay bukas ko pa daw ito makukuha."

Tiningnan ko ang relo ko at maaga pa naman. "Oh sige, ihahatid na lang muna kita." sagot ko sa kanya at ngumiti naman siya. Inayos ko na lang 'yong mga dokumento na sa mesa ko at saka tumayo na.

Kinuha ko muna ang phone ko at tinawagan si Kelly. "Hi baby" masiglang bati niya sa akin.

"Hello baby, tapos na ako sa ginagawa ko pero baka late na kita masundo may kailangan pa kasi akong gawin." anas ko sa kanya.

"Is that so? Okay lang naman kahit huwag mo na akong sunduin pwede naman akong mag commute eh."

"No I will fetch you later, basta hintayin mo ako." wika ko. Nag usap lang kami saglit at saka lumabas na ako ng opisina, sakto naman na palapit sa akin si Elysse.

"Let's go?" tanong ko sa kanya at tumango naman na siya.

Hindi naman kami naabutan ng traffic kaya mabilis kaming nakarating sa kanyang condo. "You want some drinks muna? Maaga pa naman Phoenix, gusto ko din ipakita sayo ang design para sa bagong project natin." saad nito sa akin.

At dahil maaga pa naman at may ginagawa pa daw si Kelly kaya pumayag na ako, hindi ko pa naman din nakikita 'yon at dahil may oras pa naman kaya titingnan ko na lang muna bago umalis.

Nagpaalam lang saglit si Elysse para kunin ang mga files at pagbalik niya ay nilapag niya 'yon lahat sa lamesa kaya tiningnan ko.

"Ikukuha na muna kita ng juice, Phoenix," saad nito at tumango na lang ako habang hindi inaalis ang tingin sa mga hawak ko.

Halos isang oras din ang tinagal ko hanggang sa nagpaalam ako na ako sa kanya na aalis na, kailangan ko pa kasing sunduin si Kelly at baka naghihintay na 'yon sa akin, perokmang tatayo na ako ng bigla akong makaramdam ng hilo hanggang sa hindi ko na namalayan at nandilim na ang paningin ko.


Kelly POV

Kanina pa ako tingin ng tingin sa orasan ko pero wala pa din si Phoenix, ilang beses ko na siyang sinubukan na tawagan pero nakapatay naman ang phone niya, tumawag din ako sa opisina pero ang sabi ay wala na siya do'n.

Hindi ko tuloy alam kung maghihintay pa ba ako sa kanya o uuwi na lang ako sa condo niya, sinabi ko naman kasi sa kanya kanina na huwag niya na akong sunduin at magcocommute na lang ako pero ito siya ngayon ang wala. Nakakainis! Malapit ng mag gabi pero wala pa din ang gago.

Mayamaya pa ay nakita ko ang pinsan ko. "Bakit nakabusangot ka diyan?" tanong niya sa akin.

"Bakit ka nandito?" hindi ko pinansin ang sinasabi niya.

"May pinuntahan lang ako malapit dito sa restaurant kaya dito ako napadaan at 'yon nga nakita kita dito sa labas. Hindi mo ba dala kotse mo?"

Umiling naman ako. "Hinatid ako ni Phoenix kanina." sagot ko sa kanya.

"Ah, so susunduin ka niya?"

Bigla na naman akong nainis. "Iyon na nga ang problema ko dahil wala pa din siya hanggang ngayon at hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko kaya hindi ko tuloy alam kung hihintayin ko pa siya o hindi na." pagmamaktol ko.

"Ihahatid na kita at baka mas lalo ka pang gabihin, mahirap ng mag commute kapag mag isa ka lang. Itext mo na lang siya para kapag nabasa niya ay hindi na siya pumunta dito. Baka nagkaroon lang 'yon ng emergency kaya hindi ka pa nasusundo."

"Mabuti pa nga at hinatid mo na lang ako." saad ko at sumakay na sa kanyang kotse, kinuha ko din ang phone ko at nagpadala ng message kay Phoenix para kung sakaling mabasa niya ay sa condo na siya dumiretso.

"Wala pa ba kayong plano na magpakasal? Ang tagal niyo na ah." biglang tanong sa akin ni Basti.

"Ano uunahan pa namin sina Kylline at David? Eh mas matagal na sila." saad ko naman.

"Oh anong connect? Pwede naman 'yon ah, kaso 'yong preparations lang kasi ang matagal."

"Hindi pa namin napag uusapan ang bagay na 'yan, masyado pa kaming busy sa trabaho at isa pa hindi naman minamadali ang pagpapakasal." wika ko. Nag usap pa kami ng mga bagay bagay hanggang sa nakarating na ako sa condo ni Phoenix. Niyaya ko pa ang pinsan ko na pumasok sa loob pero tumanggi naman siya.

Nang makapasok na ako sa unit ay wala pa din si Phoenix, anong oras na ha. Hanggang sa nakatapos na ako sa pagligo at nakabihis na ay wala pa din siya, sinubukan kung tawagan siya ulit pero hindi pa din sumasagot. Pati nga si David ay tinawagan ko para tanungin pero ang sabi niya ay umaga pa sila huling nagkita dahil may pinapirmahan siya dito at umalis din naman agad.

Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung bakit wala pa siya, nag aalala na din ako kasi gabing gabi na ni hindi man lang siya tumawag kung late siya makakauwi para hindi ako nababaliw kakaisip sa kanya. Malalagot talaga sa akin ang lalaking 'yon kapag umuwi. Sa sobrang pag aalala ko sa kanya ay kung ano ano na ang pumapasok sa isipan ko.

Hanggang sa hindi ko na kinaya ang antok at nahiga na ako sa kama, pero bago ako humiga ay tinawagan ko pa siya ulit pero hindi pa din talaga sumasagot, sana naman ay walang masamang nangyari sa kanya. Nahiga na ako at sinubukan kung ipikit ang mga mata ko.

One Hot NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon