Chapter 3

559 13 0
                                    

Kelly POV

Hindi ako makapaniwala ng makilala ko ang tinuro sa akin ni Maria, hindi ako pwedeng magkamali dahil siya nga ang lalaking 'yon at napatunayan ko 'yon ng binanggit ng kaibigan ko ang kanyang pangalan. Anong ginagawa niya dito?

Napadpad ang tingin ko sa babaeng kasama niya, hawak niya ang bewang nito. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkainis dahil sa nakikita ko. Kumuha na lang ako ng tequila para inumin ito para mawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa. Marahil ay nagtataka na si Maria sa kinikilos ko, hindi naman kasi nila alam na ang naka one night stand ko ay ang lalaking 'yon.

"Anong nangyayari diyan?" rinig kung tanong ni Kylline ng makabalik siya sa pwesto namin.

"Hindi ko alam sa babaeng 'yan kung ano ang problema niya." sagot naman ni Maria.

Hindi ko sila pinapansin at nagpatuloy lang ako sa pag inom. Iniiwasan ko na mapadpad ang tingin ko sa lalaking 'yon.

"Hey Kylline and Maria." rinig kung tawag ng isang boses sa mga kaibigan ko. Hindi ko na sana ito bibigyan ng pansin kaso bigla akong hinila ni Ky.

"Hi Shia, Nice to see you again. Ito pala si Kelly kaibigan ko, hindi mo pa kasi siya nakilala maliban dito kay Maria." pagpapakilala nito.

"Nice to meet you Kelly." nakangiting bati sa akin ni Shia.

Ayaw ko naman maging bastos kaya nginitian ko din siya. "Nice meeting you also, Shia." saad ko at nakita ko pang naglalakad palapit sa kanya ang lalaking iniiwasan ko.

"Hi ladies." bati niya ng makalapit sa amin.

"Mabuti naman at nakapunta ka Phoenix." magiliw na turan ni Kylline, hindi ko alam na magkakilala pala sila.

"Kapag hindi ako pumunta ay bubulabugin lang ako ng fiance mo." sagot niya naman.

Natawa naman ang kaibigan ko. "Anyway, Kelly and Maria si Phoenix nga pala kaibigan ni David." pakilala sa amin. Binati naman siya nitong katabi ko samantalang ako ay tumango lang.

"By the way, hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Shia, are you two dating?" tanong ni Kylline kay Phoenix.

Sasagot na sana ang babae ng maunahan ito ni Phoenix. "We are not dating, nagkakilala lang kami kasi isa sa investors ng company ang parents niya."

Tiningnan ko naman si Shia at nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha dahil sa sinabi ng lalaki, mukhang may gusto yata ang babaeng ito sa kanya.

"Hey ladies, hihiramin ko muna ulit ang fiance ko ha." saad ni David ng makalapit ito sa amin kaya tumango naman kami, bago sila tuluyang umalis ay bumaling muna siya sa kanyang kaibigan. " We'll talk later," at ngumisi pa ito.

Nang makaalis sila ay nagpaalam din si Maria na magbabanyo at sumama naman sa kanya si Shia kaya naiwan ako kasama ang lalaking ito. Nakita kung kumuha din siya ng alak at saka umupo sa tabi ko. Sa totoo lang ay gusto ko na din umalis pero ayaw ko naman na isipin niyang apektado ako sa presensya niya. Pero bakit ko nga ba iniisip na 'yon ang iisipin niya eh hindi niya naman ako kilala?

"Kumusta ka?" tanong nito sa akin na ikinagulat ko. Hindi kaya ay kilala niya ako? Shit!

"A-ayos lang naman ako." gusto kung tampalin ang sarili ko dahil sa pagkautal.

I heard him chuckled. "You look stunning." mahinang sambit nito na ikinapula ko naman.

"Wala ka bang gagawin? Hindi ba't mga kakilala mo ang ibang nandito sa party? Bakit hindi ka makipag usap sa kanila?" pag iiba ko sa usapan.

"Hmmm, I want to stay here and talk to you."

"Ano naman ang pag uusapan natin aber?" tanong ko sa kanya.

"Anong pag uusapan natin? Ang tungkol lang naman sa pag iwan mo sa akin matapos ng gabing pinagsaluhan natin."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay kilala niya ako? Gosh! "Pareho tayong lasing ng gabing 'yon at pareho lang din naman tayong nag iinit that's why we satisfy each other right?" anas ko.

"Kelly a —,"

"Stop!" pagpigil ko sa kung anuman na sasabihin niya, umusog pa ako ng konti ng makita kung hahawakan niya ako. Ayaw kung lumapat ang kanyang kamay sa kahit saang parte ng katawan ko.

Mabuti na lang at bumalik na sina Maria kaya nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagtagal pang kasama ko ang lalaking 'to.

"Girl, samahan mo ako. Gusto kung kumuha ng pagkain." wika ni Maria kaya tumayo naman ako at sumunod sa kanya habang naiwang nakaupo do'n si Phoenix kasama si Shia.

Kumuha na lang din ako ng pagkain dahil nakaramdam na din ako ng gutom. "Alam mo, kanina ko pa napapansin ang kakaibang tinginan niyo ni Phoenix. May hindi ka ba sinasabi sa amin?" biglang tanong sa akin ni Maria.

"Huh? Ano bang pinagsasabi mo diyan? Sira na 'yang mga mata mo kaya kung ano ano ang nakikita mong hindi tama. " saad ko.

Inirapan niya naman ako at nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain. Natapos ang party ng hindi na kami ulit nagkausap ni Phoenix at pabor na 'yon sa akin.

Kinabukasan ay tanghali na ako nagising, matutulog pa nga sana ako kung hindi lang ako binulabog ng dalawa kung kaibigan. Nandito sila ngayon sa kwarto ko at ginugulo ako kaya nawala na ang antok ko.

"Bakit ba kasi kayo nandito ha? Alam niyo naman na puyat ako!" singhal ko sa kanila.

"Hoy babae huwag mo kaming artehan ha! Busy lang ako kagabi kaya hindi ko kayo masyadong nasamahan, kung hindi lang dahil kay Maria ay hindi ko malalaman na magkakilala kayo ni Phoenix!" saad ni Kylline.

Napatingin naman ako kay Maria. "Hoy tanga anong sinasabi mong magkakilala?" tanong ko sa kanya.

"Akala mo ba mapapaniwala mo akong sa party lang kayo nagkakilala? Nang dumating pa lang siya ay alam ko ng may kakaiba sa inyong dalawa." anas niya.

Napabuntong hininga naman ako dahil mukhang wala na akong kawala sa kanilang dalawa, alam kung hindi nila ako titigilan kapag hindi ko sinabi sa kanila ang totoo. Ikwento ko naman sa kanila ang nangyari.

"Oh my gosh!" Maria shouted.

"I can't believe it, you had sex with Phoenix Mattias Anderson!" Kylline seconded.

"Kaya pala iba ang mga tinginan niyo kagabi dahil nagkalapaan na pala kayong dalawa, tapos sasabihin mo pa sa akin na mali ako ng iniisip." hinila naman ni Maria ang buhok ko.

"Hindi ko alam na nando'n siya sa party at mas lalong hindi ko alam na kaibigan pala siya nitong fiance ni Kylline. Hindi ba at sinabi ko sa inyo na hindi ko masyadong nakita ang buong mukha niya ng gabing 'yon? Nang isang araw ko lang nalaman ang pangalan niya dahil tiningnan ko sa calling card at kung hindi pa nabanggit ni Maria ang buong pangalan niya kagabi ay hindi ko alam na siya 'yon." paliwanag ko sa kanya.

"Ang swerte mo girl! Malaki ba talaga?" tanong ni Maria.

"Huwag mo na siyang tanungin dahil halata naman na ang sagot, kaya siguro hindi niya makalimutan kahit ilang araw na ang lumipas." singit naman ni Kylline.

"Mukhang kailangan ko na naman maghanap ng ka fling nito." anas ko.

Sabay naman ako nilang tiningnan. "At bakit?"

"Hindi ko alam okay? Pakiramdam ko ay kailangan ko 'yon. So may kakilala ba kayo o may mairereto ba kayo sa akin?" tanong ko sa kanila.

Mabilis naman na umiling si Kylline. "Alam mo naman na matagal na akong graduate sa ganyan. I have David already."

"Bakit ba kasi?" tanong ni Maria.

"Huwag ka ng maraming tanong okay? Gusto ko lang, you know I still have needs also as a woman. Hindi naman masama ang tumikim ngayong gabi." saad ko.

"Hi guys." rinig kung bati sa amin ni David at nasa likod niya si Phoenix. Gusto ko na lang lamunin ng lupa ng maisip na baka narinig nila ang sinasabi ko. Nakakahiya!

One Hot NightWhere stories live. Discover now